< Job 8 >

1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at nagsabing,
וַיַּעַן בִּלְדַּד הַשּׁוּחִי וַיֹּאמַֽר׃
2 “Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito? Gaano katagal magiging kagaya ng malakas na hangin ang mga salita sa iyong bibig? Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan?
עַד־אָן תְּמַלֶּל־אֵלֶּה וְרוּחַ כַּבִּיר אִמְרֵי־פִֽיךָ׃
3 Maaari bang baluktututin ng Makapangyarihang Diyos ang katuwiran?
הַאֵל יְעַוֵּת מִשְׁפָּט וְאִם־שַׁדַּי יְעַוֵּת־צֶֽדֶק׃
4 Ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kaniya; Alam namin ito, dahil pinarusahan niya sila sa kanilang mga kasalanan.
אִם־בָּנֶיךָ חָֽטְאוּ־לוֹ וַֽיְשַׁלְּחֵם בְּיַד־פִּשְׁעָֽם׃
5 Sabihin nating masigasig mong hinanap ang Diyos at iyong inilahad ang iyong mga kahilingan sa Makapangyarihan.
אִם־אַתָּה תְּשַׁחֵר אֶל־אֵל וְאֶל־שַׁדַּי תִּתְחַנָּֽן׃
6 Sabihin nating ikaw ay dalisay at matuwid; pagkatapos siguradong gagawa siya para sa iyo at gagantipalaan ka ng tahanan na tunay mong pag-aari.
אִם־זַךְ וְיָשָׁר אָתָּה כִּֽי־עַתָּה יָעִיר עָלֶיךָ וְשִׁלַּם נְוַת צִדְקֶֽךָ׃
7 Kahit na maliit ang iyong simula, ang iyong huling kalagayan ay magiging mas higit.
וְהָיָה רֵאשִׁיתְךָ מִצְעָר וְאַחֲרִֽיתְךָ יִשְׂגֶּה מְאֹֽד׃
8 Para sa kaalaman, nagmamakaawa ako sa iyo, tungkol sa mga dumaang panahon, ihanda ang iyong sarili para matutunan kung ano ang mga natuklasan ng ating mga ninuno.
כִּֽי־שְׁאַל־נָא לְדֹר רִישׁוֹן וְכוֹנֵן לְחֵקֶר אֲבוֹתָֽם׃
9 ( Ipinanganak lamang tayo kahapon at wala tayong nalalaman sapagkat ang ating mga araw sa daigdig ay isang anino.)
כִּֽי־תְמוֹל אֲנַחְנוּ וְלֹא נֵדָע כִּי צֵל יָמֵינוּ עֲלֵי־אָֽרֶץ׃
10 Hindi ba nila ituturo at sasabihin sa iyo? Hindi ba sila magsasalita mula sa kanilang mga puso?
הֲלֹא־הֵם יוֹרוּךָ יֹאמְרוּ לָךְ וּמִלִּבָּם יוֹצִאוּ מִלִּֽים׃
11 Maaari bang tumubo ang papirus na walang lati? Maaari bang tumubo ang tambo na walang tubig?
הֲיִֽגְאֶה־גֹּמֶא בְּלֹא בִצָּה יִשְׂגֶּה־אָחוּ בְלִי־מָֽיִם׃
12 Habang sila ay mga sariwa pa at hindi pinuputol, sila ay natutuyo bago ang anumang halaman.
עֹדֶנּוּ בְאִבּוֹ לֹא יִקָּטֵף וְלִפְנֵי כׇל־חָצִיר יִיבָֽשׁ׃
13 Kaya gayon din ang mga landas ng lahat nang nakakalimot sa Diyos, ang pag-asa ng mga walang diyos ay maglalaho — na ang may pagtitiwala ay nagkakahiwa-hiwalay,
כֵּן אׇרְחוֹת כׇּל־שֹׁכְחֵי אֵל וְתִקְוַת חָנֵף תֹּאבֵֽד׃
14 na ang may tiwala ay marupok tulad ng isang sapot ng gagamba.
אֲשֶׁר־יָקוֹט כִּסְלוֹ וּבֵית עַכָּבִישׁ מִבְטַחֽוֹ׃
15 Ang ganoong tao ay sasandig sa kaniyang bahay, pero hindi ito magtatagal. Hahawak siya dito, pero hindi ito mananatili.
יִשָּׁעֵן עַל־בֵּיתוֹ וְלֹא יַעֲמֹד יַחֲזִיק בּוֹ וְלֹא יָקֽוּם׃
16 Siya ay sariwa sa ilalim ng araw, at ang kaniyang mga sibol ay kumakalat sa kaniyang buong hardin.
רָטֹב הוּא לִפְנֵי־שָׁמֶשׁ וְעַל גַּנָּתוֹ יֹנַקְתּוֹ תֵצֵֽא׃
17 Ang kaniyang mga ugat ay pumupulupot sa tambak ng bato; naghahanap sila ng magagandang lugar sa gitna ng batuhan.
עַל־גַּל שׇׁרָשָׁיו יְסֻבָּכוּ בֵּית אֲבָנִים יֶחֱזֶֽה׃
18 Pero kung ang taong ito ay sinira sa kaniyang lugar, saka siya ipagkakaila ng lugar na iyon at sasabihing, 'Hindi kailanman kita nakita.'
אִם־יְבַלְּעֶנּוּ מִמְּקֹמוֹ וְכִחֶשׁ בּוֹ לֹא רְאִיתִֽיךָ׃
19 Masdan mo, Ito ay ang “kagalakan” ng ganoong pag-uugali ng isang tao; Sisibol muli ang ibang halaman sa parehong lupa sa kaniyang lugar.
הֶן־הוּא מְשׂוֹשׂ דַּרְכּוֹ וּמֵעָפָר אַחֵר יִצְמָֽחוּ׃
20 Masdan mo, hindi itatakwil ng Diyos ang isang taong walang kasalanan; ni aalalayan ang kamay ng mga gumagawa ng masama.
הֶן־אֵל לֹא יִמְאַס־תָּם וְלֹֽא־יַחֲזִיק בְּיַד־מְרֵעִֽים׃
21 Pupunuin pa niya ang iyong bibig ng tuwa, at ang iyong mga labi ng sigawan.
עַד־יְמַלֵּה שְׂחוֹק פִּיךָ וּשְׂפָתֶיךָ תְרוּעָֽה׃
22 Sila na mga napopoot sa iyo ay dadamitan ng kahihiyan; Ang tolda ng mga masasama ay maglalaho.”
שֹׂנְאֶיךָ יִלְבְּשׁוּ־בֹשֶׁת וְאֹהֶל רְשָׁעִים אֵינֶֽנּוּ׃

< Job 8 >