< Job 7 >

1 Hindi ba't may mabigat na gawain ang bawat isang tao sa ibabaw ng lupa?
[Militia est vita hominis super terram, et sicut dies mercenarii dies ejus.
2 Hindi ba na ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang taong upahan?
Sicut servus desiderat umbram, et sicut mercenarius præstolatur finem operis sui,
3 Katulad ng isang alipin na maalab na ninanais ang mga anino ng gabi, katulad ng isang taong upahan na naghihintay sa kaniyang mga sahod- kaya nagtiis ako sa mga buwan ng kahirapan; nagkakaroon ako ng mga gabing punong-puno ng kaguluhan.
sic et ego habui menses vacuos, et noctes laboriosas enumeravi mihi.
4 Kapag ako ay humihiga, sinasabi ko sa aking sarili, “Kailan ako babangon at kailan lilipas ang gabi? Punong-puno ako ng kabalisahan hanggang sa magbukang-liwayway.
Si dormiero, dicam: Quando consurgam? et rursum expectabo vesperam, et replebor doloribus usque ad tenebras.
5 Ang aking laman ay nadadamitan ng mga uod at mga tipak ng alikabok; nanigas na ang mga sugat sa aking balat at saka malulusaw at mananariwang muli.
Induta est caro mea putredine, et sordibus pulveris cutis mea aruit et contracta est.
6 Ang aking mga araw ay mas mabilis kaysa sa panghabi; lilipas sila nang walang pag-asa.
Dies mei velocius transierunt quam a texente tela succiditur, et consumpti sunt absque ulla spe.
7 Alalahanin mo O Diyos na ang aking buhay ay isa lamang hininga; ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng kabutihan.
Memento quia ventus est vita mea, et non revertetur oculus meus ut videat bona.
8 Ang mata ng Diyos, na nakikita ako, ay hindi na muli ako makikita; Ang mga mata ng Diyos ay tutuon sa akin pero hindi na ako mabubuhay.
Nec aspiciet me visus hominis; oculi tui in me, et non subsistam.
9 Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol h7585)
Sicut consumitur nubes, et pertransit, sic qui descenderit ad inferos, non ascendet. (Sheol h7585)
10 Siya ay hindi na babalik pa sa kaniyang tahanan; ni makikilala pa siya muli sa kaniyang lugar.
Nec revertetur ultra in domum suam, neque cognoscet eum amplius locus ejus.
11 Kaya hindi ko pipigilin ang aking bibig; Magsasalita ako sa kadalamhatian ng aking espiritu; Ako ay dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
Quapropter et ego non parcam ori meo: loquar in tribulatione spiritus mei; confabulabor cum amaritudine animæ meæ.
12 Ako ba ay isang dagat, o isang halimaw sa dagat para lagyan mo ng bantay?
Numquid mare ego sum, aut cetus, quia circumdedisti me carcere?
13 Kapag sinasabi ko, 'Aaliwin ako ng aking higaan, at pakakalmahin ng aking upuan ang aking daing,
Si dixero: Consolabitur me lectulus meus, et relevabor loquens mecum in strato meo:
14 pagkatapos tinatakot mo ako sa mga panaginip at ako ay sinisindak sa mga pangitain,
terrebis me per somnia, et per visiones horrore concuties.
15 kaya pipiliin ko ang magbigti at kamatayan sa halip na panatilihin pang buhay ang aking mga buto.
Quam ob rem elegit suspendium anima mea, et mortem ossa mea.
16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay; Hindi ko hinahangad na patuloy akong mabuhay; hayaan mo akong mag-isa dahil walang silbi ang aking mga araw.
Desperavi: nequaquam ultra jam vivam: parce mihi, nihil enim sunt dies mei.
17 Ano ang tao na dapat bigyan mo ng pansin, na dapat iyong ituon ang isip sa kaniya,
Quid est homo, quia magnificas eum? aut quid apponis erga eum cor tuum?
18 na dapat mong bantayan tuwing umaga at sinusubok mo siya sa bawat sandali?
Visitas eum diluculo, et subito probas illum.
19 Gaano katagal bago mo alisin ang iyong tingin sa akin? bago mo ako hayaang mag-isa nang may sapat na panahon para lunukin ang aking sariling laway?
Usquequo non parcis mihi, nec dimittis me ut glutiam salivam meam?
20 Kahit ako ay nagkasala, ano ang magagawa nito sa iyo, ikaw na nagbabantay sa mga tao? Bakit mo ako ginawang isang pakay, para ba ako ay maging pasanin sa iyo?
Peccavi; quid faciam tibi, o custos hominum? quare posuisti me contrarium tibi, et factus sum mihimetipsi gravis?
21 Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako.”
Cur non tollis peccatum meum, et quare non aufers iniquitatem meam? ecce nunc in pulvere dormiam, et si mane me quæsieris, non subsistam.]

< Job 7 >