< Job 7 >
1 Hindi ba't may mabigat na gawain ang bawat isang tao sa ibabaw ng lupa?
Zdaliž nemá vyměřeného času člověk na zemi? A dnové jeho jako dnové nájemníka.
2 Hindi ba na ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang taong upahan?
Jako služebník, kterýž touží po stínu, a jako nájemník, jenž očekává skonání díla svého:
3 Katulad ng isang alipin na maalab na ninanais ang mga anino ng gabi, katulad ng isang taong upahan na naghihintay sa kaniyang mga sahod- kaya nagtiis ako sa mga buwan ng kahirapan; nagkakaroon ako ng mga gabing punong-puno ng kaguluhan.
Tak jsou mi dědičně přivlastněni měsícové marní, a noci plné trápení jsou mi odečteny.
4 Kapag ako ay humihiga, sinasabi ko sa aking sarili, “Kailan ako babangon at kailan lilipas ang gabi? Punong-puno ako ng kabalisahan hanggang sa magbukang-liwayway.
Jestliže ležím, říkám: Kdy vstanu? A brzo-li pomine noc? Tak pln bývám myšlení až do svitání.
5 Ang aking laman ay nadadamitan ng mga uod at mga tipak ng alikabok; nanigas na ang mga sugat sa aking balat at saka malulusaw at mananariwang muli.
Tělo mé odíno jest červy a strupem i prachem, kůže má puká se a rozpouští.
6 Ang aking mga araw ay mas mabilis kaysa sa panghabi; lilipas sila nang walang pag-asa.
Dnové moji rychlejší byli nežli člunek tkadlce, nebo stráveni jsou bez prodlení.
7 Alalahanin mo O Diyos na ang aking buhay ay isa lamang hininga; ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng kabutihan.
Rozpomeň se, ó Pane, že jako vítr jest život můj, a oko mé že více neuzří dobrých věcí,
8 Ang mata ng Diyos, na nakikita ako, ay hindi na muli ako makikita; Ang mga mata ng Diyos ay tutuon sa akin pero hindi na ako mabubuhay.
Aniž mne spatří oko, jenž mne vídalo. Oči tvé budou ke mně, a mne již nebude.
9 Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
Jakož oblak hyne a mizí, tak ten, kterýž sstupuje do hrobu, nevystoupí zase, (Sheol )
10 Siya ay hindi na babalik pa sa kaniyang tahanan; ni makikilala pa siya muli sa kaniyang lugar.
Aniž se opět navrátí do domu svého, aniž ho již více pozná místo jeho.
11 Kaya hindi ko pipigilin ang aking bibig; Magsasalita ako sa kadalamhatian ng aking espiritu; Ako ay dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
Protož nemohuť já zdržeti úst svých, mluvím v ssoužení ducha svého, naříkám v hořkosti duše své.
12 Ako ba ay isang dagat, o isang halimaw sa dagat para lagyan mo ng bantay?
Zdali jsem já mořem čili velrybem, že jsi mne stráží osadil?
13 Kapag sinasabi ko, 'Aaliwin ako ng aking higaan, at pakakalmahin ng aking upuan ang aking daing,
Když myslím: Potěší mne lůže mé, poodejme naříkání mého postel má:
14 pagkatapos tinatakot mo ako sa mga panaginip at ako ay sinisindak sa mga pangitain,
Tedy mne strašíš sny, a viděními děsíš mne,
15 kaya pipiliin ko ang magbigti at kamatayan sa halip na panatilihin pang buhay ang aking mga buto.
Tak že sobě zvoluje zaškrcení duše má, a smrt nad život.
16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay; Hindi ko hinahangad na patuloy akong mabuhay; hayaan mo akong mag-isa dahil walang silbi ang aking mga araw.
Mrzí mne, nebuduť déle živ. Poodstupiž ode mne, nebo marní jsou dnové moji.
17 Ano ang tao na dapat bigyan mo ng pansin, na dapat iyong ituon ang isip sa kaniya,
Co jest člověk, že ho sobě tak vážíš, a že tak o něj pečuješ?
18 na dapat mong bantayan tuwing umaga at sinusubok mo siya sa bawat sandali?
A že ho navštěvuješ každého jitra, a každé chvíle jej zkušuješ?
19 Gaano katagal bago mo alisin ang iyong tingin sa akin? bago mo ako hayaang mag-isa nang may sapat na panahon para lunukin ang aking sariling laway?
Dokudž se neodvrátíš ode mne, a nedáš mi aspoň polknouti mé sliny?
20 Kahit ako ay nagkasala, ano ang magagawa nito sa iyo, ikaw na nagbabantay sa mga tao? Bakit mo ako ginawang isang pakay, para ba ako ay maging pasanin sa iyo?
Zhřešil jsem, což mám učiniti, ó strážce lidský? Proč jsi mne položil za cíl sobě, tak abych sám sobě byl břemenem?
21 Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako.”
Nýbrž proč neodejmeš přestoupení mého, a neodpustíš nepravosti mé? Nebo již v zemi lehnu. Potom bys mne i pilně hledal, nebude mne.