< Job 5 >

1 Manawagan ka na ngayon, mayroon bang makikinig sa iyo? Sino sa mga banal ang malalapitan mo?
Appelle donc! Est-il quelqu’un qui te répondra? Vers lequel des Saints te tourneras-tu?
2 Dahil papatayin ng galit ang isang hangal, papatayin ng selos ang walang isip.
Certes, c’est sa mauvaise humeur qui tue l’insensé, c’est son dépit qui fait mourir le sot.
3 Nakakita na ako ng isang hangal na lumalalim na ang ugat, pero bigla kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
J’Ai vu, moi, l’insensé prendre racine, mais aussitôt j’ai maudit sa demeure:
4 Ang kaniyang mga anak ay malayo sa kaligtasan; naipit sila sa mga tarangkahan ng lungsod. Wala kahit isa ang magliligtas sa kanila —
"Que ses fils soient éloignés de tout secours, qu’ils soient écrasés à la Porte, sans personne pour les sauver!
5 ang ani nila ay kinain ng mga nagugutom, ng mga taong kumukuha nito mula sa mga matinik na lugar; ang mga kayamanan nila ay sinimot ng mga taong nauuhaw dito.
Que l’affamé dévore sa récolte en l’enlevant jusque derrière les haies d’épines, que le besogneux happe ses richesses!"
6 Sapagkat ang mga paghihirap ay hindi tumutubo mula sa lupa; kahit ang kaguluhan ay hindi umuusbong mula sa lupa;
Car ce n’est pas du sol que sort le malheur, ce n’est pas de la terre que germe la douleur.
7 Pero gumagawa ang sangkatuhan ng sarili niyang kaguluhan, gaya ng mga apoy na lumilipad paitaas.
Mais l’homme est né pour la douleur, tout comme les étincelles enflammées s’élèvent haut dans l’air.
8 Pero ako, sa Diyos ako lalapit, ipagkakatiwala ko sa Diyos ang aking kalagayan —
Toutefois, moi, je m’adresserais au Tout-Puissant, j’exposerais ma cause à Dieu.
9 siya na gumagawa ng mga dakila at makabuluhang mga bagay, mga kamangha-manghang bagay na hindi na mabilang.
Il accomplit de grandes choses en nombre infini, des merveilles qui ne peuvent se compter.
10 Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman.
II répand la pluie à la surface de la terre et lance des cours d’eaux dans les plaines.
11 Ginawa niya ito para itaas ang mga mabababa; para ilikas ang mga taong nagdadalamhati sa mga abo.
Il met sur les hauteurs ceux qui étaient abaissés, et ceux qui étaient dans une noire tristesse se relèvent par son secours.
12 Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
Il fait échouer les projets des gens de ruse: leurs mains n’exécutent rien qui vaille.
13 Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
Il prend les malins dans leurs propres artifices et ruine les plans des fourbes.
14 Nagpupulong sila sa dilim tuwing umaga, at nangangapa sa tanghali na tulad nang sa gabi.
Le jour, ils se heurtent aux ténèbres; en plein midi, ils tâtonnent comme dans la nuit.
15 Pero inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mga espada na nasa kanilang mga bibig, at ang mga nangangailangan mula sa mga mayayaman.
II protège contre leur bouche qui est un glaive, sauve le faible des mains du fort.
16 Kaya may pag-asa ang mahihirap, at ang kawalan ng katarungan ay itinitikom ang kaniyang sariling bibig.
L’Espoir renaît pour le pauvre, et l’iniquité a la bouche close.
17 Tingnan mo, masaya ang taong tinutuwid ng Diyos; kaya huwag mong kamuhian ang pagtutuwid ng Makapangyarihan.
Ah! Certes, heureux l’homme que Dieu réprimande! Ne repousse donc pas les leçons du Tout-Puissant.
18 Dahil siya ay sumusugat at tumatapal, sumusugat siya at siya rin ang gumagamot.
Car il blesse et panse la blessure, il frappe et ses mains guérissent.
19 Ililigtas ka niya sa anim na kaguluhan; lalo na, sa pitong kaguluhan, walang anumang masama ang makagagalaw sa iyo.
Qu’il survienne six calamités, il t’en préservera, et lors de la septième, le mal ne te touchera pas.
20 Sa tag-gutom ikaw ay kaniyang ililigtas mula sa kamatayan; sa digmaan mula sa kapangyarihan ng espada.
En temps de famine, il te sauvera de la mort; dans le combat des atteintes du glaive.
21 Ikukublli ka mula sa latay ng mga dila; at hindi ka matatakot kapag ang pagkawasak ay dumating.
Tu seras à l’abri du fouet de la langue, et si une catastrophe éclate, tu n’auras rien à craindre.
22 Tatawanan mo ang pagkawasak at tag-gutom, at hindi ka matatakot sa mga mababangis na hayop.
Tu te riras de la dévastation et de la disette; les animaux de la terre, tu ne les redouteras point.
23 Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
Car même avec les pierres du sol tu auras un pacte, et les animaux sauvages concluront un traité de paix avec toi.
24 Matitiyak mo na ang iyong tolda ay ligtas; dadalawin mo ang iyong kawan at makikitang hindi ito nabawasan.
Tu verras le bonheur fixé dans ta demeure, tu inspecteras ta maison et ne trouveras rien en défaut.
25 Matitiyak mo na dadami ang iyong lahi, na ang iyong mga anak ay matutulad sa mga damo sa lupa.
Tu verras s’accroître le nombre de tes enfants, et tes rejetons se multiplier comme l’herbe de la terre.
26 Uuwi ka sa iyong puntod sa iyong katandaan, tulad ng mga naipong mga tangkay ng palay na dinadala sa giikan.
Tu entreras dans la tombe au terme extrême de la vieillesse, comme s’élève une meule de blé dans la saison voulue.
27 Tingnan mo, siniyasat namin ang bagay na ito; ganito talaga ito; pakinggan mo ito at patunayan sa iyong sarili.”
Tel est le fruit de nos réflexions, telle est la vérité: accueille-la et prends-la à cœur.

< Job 5 >