< Job 42 >

1 Pagkatapos sumagot si Job kay Yahweh at sinabing,
Allora Giobbe rispose all’Eterno e disse:
2 “Alam kong kaya mong gawin ang lahat ng bagay, na wala kang layunin na mapipigilan.
“Io riconosco che tu puoi tutto, e che nulla può impedirti d’eseguire un tuo disegno.
3 Tinanong mo ako, 'Sino ba itong walang nalalaman na nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano?' Kaya sinabi ako ang mga bagay na hindi ko naintindihan, mga bagay na napakahirap para maunawaan ko, na hindi ko alam.
Chi è colui che senza intendimento offusca il tuo disegno?… Sì, ne ho parlato; ma non lo capivo; son cose per me troppo maravigliose ed io non le conosco.
4 Sinabi mo sa akin, 'Makinig ka, ngayon, at magsasalita ako; magtatanong ako sa iyo ng mga bagay, at sasabihin mo sa akin.'
Deh, ascoltami, io parlerò; io ti farò delle domande e tu insegnami!
5 Narinig ko na ang tungkol sa iyo sa pandinig ng aking tainga, pero ngayon nakikita ka na ng aking mata.
Il mio orecchio avea sentito parlar di te ma ora l’occhio mio t’ha veduto.
6 Kaya kinamumuhian ko ang sarili ko; nagsisisi ako sa alikabok at abo.”
Perciò mi ritratto, mi pento sulla polvere e sulla cenere”.
7 Mangyaring pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Yahweh kay Elifaz ang Temaneo, “Ang aking poot ay sumiklab laban sa iyo at laban sa dalawa mong kaibigan dahil hindi ninyo sinabi ang mga katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
Dopo che ebbe rivolto questi discorsi a Giobbe, l’Eterno disse a Elifaz di Teman: “L’ira mia è accesa contro te e contro i tuoi due amici, perché non avete parlato di me secondo la verità, come ha fatto il mio servo Giobbe.
8 Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa, pumunta kayo sa aking lingkod na si Job, at mag-alay ng handog na susunugin. Ang aking lingkod na si Job ay ipapanalangin kayo, at tatanggapin ko ang kaniyang panalangin, para hindi ko kayo parusahan dahil sa inyong kamangmangan. Hindi ninyo sinabi ang totoo tungkol sa akin, katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.”
Ora dunque prendetevi sette tori e sette montoni, venite a trovare il mio servo Giobbe e offriteli in olocausto per voi stessi. Il mio servo Giobbe pregherà per voi; ed io avrò riguardo a lui per non punir la vostra follia; poiché non avete parlato di me secondo la verità, come ha fatto il mio servo Giobbe”.
9 Kaya sila Elifaz ang Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar ang Naamita ay umalis at ginawa kung ano ang inutos ni Yahweh sa kanila, at tinanggap ni Yahweh si Job.
Elifaz di Teman e Bildad di Suach e Tsofar di Naama se ne andarono e fecero come l’Eterno aveva loro ordinato; e l’Eterno ebbe riguardo a Giobbe.
10 Nang ipinanalangin ni Job ang kaniyang mga kaibigan, ibinalik ni Yahweh ang yaman niya. Binigay ni Yahweh ang doble ng kung ano ang pag-aari niya dati.
E quando Giobbe ebbe pregato per i suoi amici, l’Eterno lo ristabilì nella condizione di prima e gli rese il doppio di tutto quello che già gli era appartenuto.
11 Pagkatapos lahat ng kapatid na lalaki ni Job, at lahat ng kaniyang kapatid na babae, at lahat silang naging kasama niya dati—pumunta sila sa kaniya at kumain sa bahay niya. Nakidalamhati sila sa kaniya at inaliw siya dahil sa lahat ng mga sakuna na dinala sa kaniya ni Yahweh. Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
Tutti i suoi fratelli, tutte le sue sorelle e tutte le sue conoscenze di prima vennero a trovarlo, mangiarono con lui in casa sua, gli fecero le loro condoglianze e lo consolarono di tutti i mali che l’Eterno gli avea fatto cadere addosso; e ognuno d’essi gli dette un pezzo d’argento e un anello d’oro.
12 Mas pinagpala ni Yahweh ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa una; nagkaroon siya ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isang libong pamatok ng baka, at isang libong babaeng asno.
E l’Eterno benedì gli ultimi anni di Giobbe più de’ primi; ed ei s’ebbe quattordicimila pecore, seimila cammelli, mille paia di bovi e mille asine.
13 Nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
E s’ebbe pure sette figliuoli e tre figliuole;
14 Pinangalanan niya ang unang anak na babae na Jemima, ang pangalawa Kezia, at ang pangatlo Keren-hapuc.
e chiamò la prima, Colomba; la seconda, Cassia; la terza, Cornustibia.
15 Sa buong lupain, walang babae ang matatagpuang kasing ganda ng mga anak ni Job. Binigyan sila ni Job ng pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.
E in tutto il paese non c’eran donne così belle come le figliuole di Giobbe; e il padre assegnò loro una eredità tra i loro fratelli.
16 Pagkatapos nito, nabuhay pa si Job ng 140 taon; nakita niya ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga anak ng mga anak niya, hanggang sa apat na salinlahi.
Giobbe, dopo questo, visse centoquarant’anni, e vide i suoi figliuoli e i figliuoli dei suoi figliuoli, fino alla quarta generazione.
17 Pagkatapos namatay si Job, sa katandaan at puspos ng mga kaarawan.
Poi Giobbe morì vecchio e sazio di giorni.

< Job 42 >