< Job 41 >
1 Kaya mo bang palabasin ang leviatan gamit ang kawit sa pangingisda? O igapos ang mga panga niya gamit ang tali?
なんぢ鈎をもて鱷を釣いだすことを得んや その舌を糸にひきかくることを得んや
2 Kaya mo bang maglagay ng lubid sa ilong niya, o butasin ang panga niya gamit ang kawit?
なんぢ葦の繩をその鼻に通し また鈎をその齶に衝とほし得んや
3 Magsusumamo ba siya sa iyo nang paulit-ulit? Magsasabi ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
是あに頻になんぢに願ふことをせんや 柔かになんぢに言談んや
4 Gagawa ba siya ng kasunduan sa iyo, na dapat mo siyang gawing alipin magpakailanman?
あに汝と契約を爲んや なんぢこれを執て永く僕と爲しおくを得んや
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya nang katulad sa ibon? Itatali mo ba siya para sa iyong mga aliping babae?
なんぢ鳥と戲むるる如くこれとたはむれ また汝の婦人等のために之を繋ぎおくを得んや
6 Tatawad ba ang mga pangkat ng mga mangingisda para sa kaniya? Hahatiin ba nila siya para makipagkalakalan sa mga mangangalakal?
また漁夫の社會これを商貨と爲して商賣人の中間に分たんや
7 Kaya mo bang punuin ang tagiliran niya ng mga salapang o ang ulo niya ng mga sibat sa pangingisda?
なんぢ漁叉をもてその皮に滿し 魚矛をもてその頭を衝とほし得んや
8 Ilagay mo ang iyong kamay sa kaniya minsan lamang, at maaalala mo ang labanan at hindi na ito gagawin.
手をこれに下し見よ 然ばその戰鬪をおぼえて再びこれを爲ざるべし
9 Tingnan mo, ang pag-asa ng sinumang ginagawa iyon ay kasinungalingan; hindi ba mapapatirapa sa lupa sa pagtingin lamang sa kaniya?
視よその望は虚し 之を見てすら倒るるに非ずや
10 Walang matapang na maglalakas-loob na pukawin ang leviatan; sino ngayon, ang makatatayo sa harap ko?
何人も之に激する勇氣あるなし 然ば誰かわが前に立うる者あらんや
11 Sino ang unang nagbigay sa akin ng anumang bagay na dapat ko siyang bayaran pabalik? Anuman ang nasa ilalim ng buong kalangitan ay sa akin.
誰か先に我に與へしところありて我をして之に酬いしめんとする者あらん 普天の下にある者はことごとく我有なり
12 Hindi ako mananahimik tungkol sa mga binti ng leviatan, maging ang tungkol sa kaniyang kalakasan, maging ang kaniyang kaaya-ayang anyo.
我また彼者の肢體とその著るしき力とその美はしき身の構造とを言では措じ
13 Sino ang makatatanggal ng kaniyang panlabas na takip? Sino ang makapapasok sa kaniyang dobleng baluti?
誰かその外甲を剥ん 誰かその雙齶の間に入ん
14 Sino ang makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha— napalilibutan ng kaniyang mga ngipin na kakila-kilabot?
誰かその面の戸を開きえんや その周圍の齒は畏るべし
15 Ang kaniyang likod ay gawa sa mga hanay ng mga kalasag, magkakalapit na katulad ng saradong selyo.
その並列る鱗甲は之が誇るところ その相闔たる樣は堅く封じたるがごとく
16 Magkalapit sila sa isa't isa na walang hangin na nakapapasok sa gitna nila.
此と彼とあひ接きて風もその中間にいるべからず
17 Magkadugtong sila; magkadikit sila, para hindi sila mapaghihiwalay.
一々あひ連なり堅く膠て離すことを得ず
18 Kumikislap ang liwanag mula sa kaniyang pagsinghal; ang kaniyang mga mata ay tulad ng talukap ng bukang-liwayway.
嚔すれば即はち光發す その目は曙光の眼瞼(を開く)に似たり
19 Mula sa bibig niya ay mga nag-aapoy na sulo, ang mga kislap ng apoy ay nagtatalsikan.
その口よりは炬火いで火花發し
20 Mula sa mga butas ng kaniyang ilong ay usok katulad ng kumukulong palayok sa apoy na pinaypayan para maging sobrang init.
その鼻の孔よりは煙いできたりて宛然葦を焚く釜のごとし
21 Ang kaniyang hininga ay sinisindihan ng mga uling para lumagablab; apoy ang lumalabas sa bibig niya.
その氣息は炭火を爇し 火燄その口より出づ
22 Kalakasan ang nasa leeg niya, at sumasayaw ang takot sa harap niya.
力氣その頸に宿る 懼るる者その前に彷徨まよふ
23 Magkakadugtong ang mga tupi ng kaniyang laman; nakakapit sila sa kaniya; hindi sila magagalaw.
その肉の片は密に相連なり 堅く身に着て動かす可らず
24 Ang kaniyang puso ay kasing tigas ng bato— sa katunayan, kasing tigas ng batong gilingan.
その心の堅硬こと石のごとく その堅硬こと下磨のごとし
25 Kapag tinataas niya ang kaniyang sarili, kahit ang mga diyos ay natatakot; dahil sa takot, umaatras sila.
その身を興す時は勇士も戰慄き 恐怖によりて狼狽まどふ
26 Kung tatamaan siya ng espada, wala itong magagawa— at maging ang sibat, palaso at iba pang matulis na sandata.
劍をもて之を撃とも利ず 鎗も矢も漁叉も用ふるところ無し
27 Ang tingin niya sa bakal ay parang dayami, at sa tanso ay parang bulok na kahoy.
是は鐡を見ること稿のごとくし銅を見ること朽木のごとくす
28 Hindi siya mapapatakbo ng palaso; sa kaniya ang mga bato ng tirador ay nagiging ipa.
弓箭もこれを逃しむること能はず 投石機の石も稿屑と見做る
29 Ang mga pamalo ay parang dayami; pinagtatawanan niya ang sumusuray na paglipad ng sibat.
棒も是には稿屑と見ゆ 鎗の閃めくを是は笑ふ
30 Ang kaniyang mga pambabang bahagi ay tulad ng mga matatalim na piraso ng basag na palayok; iniiwan niya ang malaking bakas sa putik na para siyang karetang giikan.
その下腹には瓦礫の碎片を連ね 泥の上に麥打車を引く
31 Pinabubula niya ang kailaliman katulad ng kumukulong tubig sa palayok; ginagawa niya ang dagat na parang palayok ng pamahid.
淵をして鼎のごとく沸かへらしめ 海をして香油の釜のごとくならしめ
32 Pinakikinang niya ang landas na dinaanan niya; iisipin ng isang tao na ang kailaliman ay puti.
己が後に光る道を遺せば淵は白髮をいただけるかと疑がはる
33 Sa lupa ay walang makapapantay sa kaniya, na ginawa para mamuhay nang walang takot.
地の上には是と並ぶ者なし 是は恐怖なき身に造られたり
34 Nakikita niya ang lahat ng mayabang; siya ang hari ng lahat ng mga anak ng kayabangan.”
是は一切の高大なる者を輕視ず 誠に諸の誇り高ぶる者の王たるなり