< Job 41 >

1 Kaya mo bang palabasin ang leviatan gamit ang kawit sa pangingisda? O igapos ang mga panga niya gamit ang tali?
Prenderai tu il coccodrillo all’amo? Gli assicurerai la lingua colla corda?
2 Kaya mo bang maglagay ng lubid sa ilong niya, o butasin ang panga niya gamit ang kawit?
Gli passerai un giunco per le narici? Gli forerai le mascelle con l’uncino?
3 Magsusumamo ba siya sa iyo nang paulit-ulit? Magsasabi ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
Ti rivolgerà egli molte supplicazioni? Ti dirà egli delle parole dolci?
4 Gagawa ba siya ng kasunduan sa iyo, na dapat mo siyang gawing alipin magpakailanman?
Farà egli teco un patto perché tu lo prenda per sempre al tuo servizio?
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya nang katulad sa ibon? Itatali mo ba siya para sa iyong mga aliping babae?
Scherzerai tu con lui come fosse un uccello? L’attaccherai a un filo per divertir le tue ragazze?
6 Tatawad ba ang mga pangkat ng mga mangingisda para sa kaniya? Hahatiin ba nila siya para makipagkalakalan sa mga mangangalakal?
Ne trafficheranno forse i pescatori? Lo spartiranno essi fra i negozianti?
7 Kaya mo bang punuin ang tagiliran niya ng mga salapang o ang ulo niya ng mga sibat sa pangingisda?
Gli coprirai tu la pelle di dardi e la testa di ramponi?
8 Ilagay mo ang iyong kamay sa kaniya minsan lamang, at maaalala mo ang labanan at hindi na ito gagawin.
Mettigli un po’ le mani addosso!… Ti ricorderai del combattimento e non ci tornerai!
9 Tingnan mo, ang pag-asa ng sinumang ginagawa iyon ay kasinungalingan; hindi ba mapapatirapa sa lupa sa pagtingin lamang sa kaniya?
Ecco, fallace è la speranza di chi l’assale; basta scorgerlo e s’è atterrati.
10 Walang matapang na maglalakas-loob na pukawin ang leviatan; sino ngayon, ang makatatayo sa harap ko?
Nessuno è tanto ardito da provocarlo. E chi dunque oserà starmi a fronte?
11 Sino ang unang nagbigay sa akin ng anumang bagay na dapat ko siyang bayaran pabalik? Anuman ang nasa ilalim ng buong kalangitan ay sa akin.
Chi mi ha anticipato alcun che perch’io glielo debba rendere? Sotto tutti i cieli, ogni cosa è mia.
12 Hindi ako mananahimik tungkol sa mga binti ng leviatan, maging ang tungkol sa kaniyang kalakasan, maging ang kaniyang kaaya-ayang anyo.
E non vo’ tacer delle sue membra, della sua gran forza, della bellezza della sua armatura.
13 Sino ang makatatanggal ng kaniyang panlabas na takip? Sino ang makapapasok sa kaniyang dobleng baluti?
Chi l’ha mai spogliato della sua corazza? Chi è penetrato fra la doppia fila de’ suoi denti?
14 Sino ang makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha— napalilibutan ng kaniyang mga ngipin na kakila-kilabot?
Chi gli ha aperti i due battenti della gola? Intorno alla chiostra de’ suoi denti sta il terrore.
15 Ang kaniyang likod ay gawa sa mga hanay ng mga kalasag, magkakalapit na katulad ng saradong selyo.
Superbe son le file de’ suoi scudi, strettamente uniti come da un sigillo.
16 Magkalapit sila sa isa't isa na walang hangin na nakapapasok sa gitna nila.
Uno tocca l’altro, e tra loro non passa l’aria.
17 Magkadugtong sila; magkadikit sila, para hindi sila mapaghihiwalay.
Sono saldati assieme, si tengono stretti, sono inseparabili.
18 Kumikislap ang liwanag mula sa kaniyang pagsinghal; ang kaniyang mga mata ay tulad ng talukap ng bukang-liwayway.
I suoi starnuti dànno sprazzi di luce; i suoi occhi son come le palpebre dell’aurora.
19 Mula sa bibig niya ay mga nag-aapoy na sulo, ang mga kislap ng apoy ay nagtatalsikan.
Dalla sua bocca partono vampe, ne scappan fuori scintille di fuoco.
20 Mula sa mga butas ng kaniyang ilong ay usok katulad ng kumukulong palayok sa apoy na pinaypayan para maging sobrang init.
Dalle sue narici esce un fumo, come da una pignatta che bolla o da una caldaia.
21 Ang kaniyang hininga ay sinisindihan ng mga uling para lumagablab; apoy ang lumalabas sa bibig niya.
L’alito suo accende i carboni, e una fiamma gli erompe dalla gola.
22 Kalakasan ang nasa leeg niya, at sumasayaw ang takot sa harap niya.
Nel suo collo risiede la forza, dinanzi a lui salta il terrore.
23 Magkakadugtong ang mga tupi ng kaniyang laman; nakakapit sila sa kaniya; hindi sila magagalaw.
Compatte sono in lui le parti flosce della carne, gli stanno salde addosso, non si muovono.
24 Ang kaniyang puso ay kasing tigas ng bato— sa katunayan, kasing tigas ng batong gilingan.
Il suo cuore è duro come il sasso, duro come la macina di sotto.
25 Kapag tinataas niya ang kaniyang sarili, kahit ang mga diyos ay natatakot; dahil sa takot, umaatras sila.
Quando si rizza, tremano i più forti, e dalla paura son fuori di sé.
26 Kung tatamaan siya ng espada, wala itong magagawa— at maging ang sibat, palaso at iba pang matulis na sandata.
Invano lo si attacca con la spada; a nulla valgon lancia, giavellotto, corazza.
27 Ang tingin niya sa bakal ay parang dayami, at sa tanso ay parang bulok na kahoy.
Il ferro è per lui come paglia; il rame, come legno tarlato.
28 Hindi siya mapapatakbo ng palaso; sa kaniya ang mga bato ng tirador ay nagiging ipa.
La figlia dell’arco non lo mette in fuga; le pietre della fionda si mutano per lui in stoppia.
29 Ang mga pamalo ay parang dayami; pinagtatawanan niya ang sumusuray na paglipad ng sibat.
Stoppia gli par la mazza e si ride del fremer della lancia.
30 Ang kaniyang mga pambabang bahagi ay tulad ng mga matatalim na piraso ng basag na palayok; iniiwan niya ang malaking bakas sa putik na para siyang karetang giikan.
Il suo ventre è armato di punte acute, e lascia come tracce d’erpice sul fango.
31 Pinabubula niya ang kailaliman katulad ng kumukulong tubig sa palayok; ginagawa niya ang dagat na parang palayok ng pamahid.
Fa bollire l’abisso come una caldaia, del mare fa come un gran vaso da profumi.
32 Pinakikinang niya ang landas na dinaanan niya; iisipin ng isang tao na ang kailaliman ay puti.
Si lascia dietro una scia di luce; l’abisso par coperto di bianca chioma.
33 Sa lupa ay walang makapapantay sa kaniya, na ginawa para mamuhay nang walang takot.
Non v’è sulla terra chi lo domi; è stato fatto per non aver paura.
34 Nakikita niya ang lahat ng mayabang; siya ang hari ng lahat ng mga anak ng kayabangan.”
Guarda in faccia tutto ciò ch’è eccelso, è re su tutte le belve più superbe”.

< Job 41 >