< Job 4 >

1 Sumagot si Elifaz ang Temaneo at sinabing,
Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 “Kung sakaling may kumausap sa iyo, malulungkot ka ba? Pero sino ba ang makakapigil sa kaniyang sarili para magsalita?
Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita?
3 Tingnan mo nga naman, nagturo ka sa marami, pinalakas mo ang mga nanghihinang kamay.
Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay.
4 Inalalayan ng iyong salita ang mga nahuhulog, at ang mga nanlalambot na tuhod ay pinatigas mo.
Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
5 Pero ngayong ikaw naman ang may kaguluhan, nanghihina ka; ikaw ay dinapuan ng kaguluhan, at ikaw ay naguluhan.
Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
6 Hindi ba dapat ang takot mo sa Diyos ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob? Hindi ba ang integridad mo sa iyong mga ginagawa ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa?
Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?
7 Parang awa mo na, isipin mo itong mabuti: may inosente bang naghirap? O kaya may matuwid bang pinalayas?
Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid?
8 Ayon sa aking natunghayan, siyang nagbungkal ng kasalanan, at nagtanim ng kaguluhan, ay umani rin nito.
Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
9 Sila ay mamamatay sa pamamagitan ng hininga ng Diyos; sa pagsabog ng kaniyang galit sila ay matutupok.
Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay, at sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol.
10 Ang atungal ng mga leon, ang tinig ng mabangis na leon, maging ang pangil ng mga batang leon—ang lahat ay nabasag.
Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon, at ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.
11 Ang matandang leon ay namatay dahil sa kawalan ng mga biktima; ang mga batang leon ng inahin ay nagkalat saan mang lugar.
Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli, at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.
12 Subalit ngayon, may lihim na dumating sa akin, may bumulong sa aking tainga tungkol dito.
Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.
13 Sa mga kahulugan ng mga pangitain sa gabi, habang ang mga tao ay natutulog nang mahimbing.
Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,
14 Matinding takot ang siyang lumukob sa akin, at sa aking mga buto ay nanginig.
Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.
15 Pagkatapos isang espiritu ang dumaan sa aking harapan, at ang mga balahibo ko ay nagsipagtayuan.
Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.
16 Ang espiritu ay tumigil at tumayo, pero di ko maaninag ang kaniyang anyo. Isang anyo ang nasa aking harapan, tahimik ang paligid at may bigla akong narinig,
Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,
17 “Ang isang mortal na tao ba ay mas matuwid kaysa sa Diyos? Mas dalisay ba ang tao kaysa sa kaniyang Manlilikha?
Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
18 Tingnan mo, kung hindi pinagkakatiwalaan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod, at pinaparatangan ang kaniyang mga anghel nang kahangalan,
Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:
19 ano pa kaya silang mga nakatira sa mga bahay na gawa sa putik, at ang mga pundasyon ay nasa buhangin, na mas marupok sa mga kulisap na madaling durugin?
Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo!
20 Sa pagitan ng umaga at gabi sila ay winasak; naglaho na sila magpakailanman nang walang nakakapansin sa kanila.
Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.
21 Hindi ba nabunot ang tali ng kanilang mga tolda? Namatay sila, namatay sila nang walang karunungan.
Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan.

< Job 4 >