< Job 39 >
1 Alam mo ba kung anong panahon ipinapanganak ng ligaw na kambing sa mga bato ang kaniyang anak? Kaya mo bang pagmasdan ang mga usa habang ipinapanganak nila ang mga batang usa?
¿Sabes tú el tiempo en que paren las cabras monteses? ¿ó miraste tú las ciervas cuando están pariendo?
2 Kaya mo bang bilangin ang mga buwan na sila ay nagbubuntis? Alam mo ba ang panahon na kanilang dinadala ang kanilang mga anak?
¿Contaste tú los meses de su preñez, y sabes el tiempo cuando han de parir?
3 Yumuyukod sila at pinapanganak ang kanilang anak, at pagkatapos winawakasan nila ang kanilang mga sakit sa panganganak.
Encórvanse, hacen salir sus hijos, pasan sus dolores.
4 Ang kanilang mga anak ay lumalakas at lumalaki sa mga damuhan; lumalabas sila at hindi na bumabalik muli.
Sus hijos están sanos, crecen con el pasto: salen y no vuelven á ellas.
5 Sino ang nagpalaya sa ligaw na asno? Sino ang nagkalag sa mga gapos ng mabilis na asno,
¿Quién echó libre al asno montés, y quién soltó sus ataduras?
6 na ang tahanan ay ginawa ko sa Araba, ang kaniyang bahay sa asin na lupain?
Al cual yo puse casa en la soledad, y sus moradas en lugares estériles.
7 Tumatawa siya nang may panghahamak sa mga ingay sa lungsod; hindi niya naririnig ang mga sigaw ng kutsero.
Búrlase de la multitud de la ciudad: no oye las voces del arriero.
8 Gumagala siya sa mga bundok bilang kaniyang pastulan; doon siya humahanap ng mga luntiang halaman para kainin.
Lo oculto de los montes es su pasto, y anda buscando todo lo que está verde.
9 Masaya bang maglilingkod sa iyo ang mabangis na toro? Pahihintulutan niya bang manatili sa iyong sabsaban?
¿Querrá el unicornio servirte á ti, ni quedar á tu pesebre?
10 Gamit ang lubid, kaya mo bang pasunurin ang mabangis na toro para mag-araro ng mga tudling? Susuyurin niya ba ang mga lambak para sa iyo?
¿Atarás tú al unicornio con su coyunda para el surco? ¿labrará los valles en pos de ti?
11 Magtitiwala ka ba sa kaniya dahil kahanga-hanga ang kaniyang lakas? Iiwan mo ba sa kaniya para gawin ang iyong tungkulin?
¿Confiarás tú en él, por ser grande su fortaleza, y le fiarás tu labor?
12 Aasahan mo ba siyang dadalhin sa bahay ang iyong butil na titipunin para sa iyong giikan?
¿Fiarás de él que te tornará tu simiente, y que [la] allegará en tu era?
13 Ang mga pakpak ng ostrich ay nagmamalaking pumapagaspas, pero sila ba ang mga pakpak at balahibo ng pag-ibig?
¿[Diste tú] hermosas alas al pavo real, ó alas y plumas al avestruz?
14 Dahil iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok;
El cual desampara en la tierra sus huevos, y sobre el polvo los calienta,
15 nalilimutan niyang maaari silang madurog ng paa o maapakan ng isang mabangis na hayop.
Y olvídase de que los pisará el pie, y que los quebrará bestia del campo.
16 Magaspang ang kaniyang pakikitungo sa kanila na parang sila ay hindi kaniya; hindi siya natatakot na ang kaniyang hirap ay mawalan ng kabuluhan,
Endurécese para con sus hijos, como si no fuesen suyos, no temiendo que su trabajo haya sido en vano:
17 dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng karunungan at hindi siya binigyan ng anumang pang-unawa.
Porque le privó Dios de sabiduría, y no le dió inteligencia.
18 Kapag mabilis siyang tumatakbo, tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
Luego que se levanta en alto, búrlase del caballo y de su jinete.
19 Binigyan mo ba ng lakas ang kabayo? Dinamitan mo ba ang leeg niya ng kaniyang malambot na buhok?
¿Diste tú al caballo la fortaleza? ¿vestiste tú su cerviz de relincho?
20 Napatalon mo na ba siya na parang balang? Ang katanyagan ng kaniyang pagsinghal ay nakakatakot.
¿Le intimidarás tú como á alguna langosta? El resoplido de su nariz es formidable:
21 Yumayabag siya sa kapangyarihan at nagagalak sa kaniyang kalakasan; tumatakbo siya nang mabilis para salubungin ang mga sandata.
Escarba la tierra, alégrase en su fuerza, sale al encuentro de las armas:
22 Kinukutya niya ang takot at hindi nasisiraan ng loob; hindi siya umaatras sa espada.
Hace burla del espanto, y no teme, ni vuelve el rostro delante de la espada.
23 Ang suksukan ng mga palaso ay kumakalampag sa kaniyang tagiliran, kasama ang kumikintab na sibat at dyabelin.
Contra él suena la aljaba, el hierro de la lanza y de la pica:
24 Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar.
Y él con ímpetu y furor escarba la tierra, sin importarle el sonido de la bocina;
25 Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
[Antes como] que dice entre los clarines: ¡Ea!, y desde lejos huele la batalla, el grito de los capitanes, y la vocería.
26 Sa pamamagitan ba ng karunungan mo nakakalipad ang lawin, na inuunat niya ang kaniyang mga pakpak papuntang timog?
¿Vuela el gavilán por tu industria, y extiende hacia el mediodía sus alas?
27 Sa mga utos mo ba umaakyat ang agila at gumagawa ng kaniyang pugad sa matataas na lugar?
¿Se remonta el águila por tu mandamiento, y pone en alto su nido?
28 Naninirahan siya sa mga bangin at ginagawa ang kaniyang tahanan sa mga tuktok ng mga bangin, isang matibay na tanggulan.
Ella habita y está en la piedra, en la cumbre del peñasco y de la roca.
29 Mula roon naghahanap siya ng mga biktima; nakikita sila ng kaniyang mga mata mula sa malayo.
Desde allí acecha la comida: sus ojos observan de muy lejos.
30 Ang kaniyang anak ay umiinom din ng dugo; kung nasaan ang mga taong pinatay, naroon siya.”
Sus pollos chupan la sangre: y donde hubiere cadáveres, allí está.