1Alam mo ba kung anong panahon ipinapanganak ng ligaw na kambing sa mga bato ang kaniyang anak? Kaya mo bang pagmasdan ang mga usa habang ipinapanganak nila ang mga batang usa?
你豈知道巖穴中野羊的產期,洞悉牝鹿何時生產﹖
2Kaya mo bang bilangin ang mga buwan na sila ay nagbubuntis? Alam mo ba ang panahon na kanilang dinadala ang kanilang mga anak?
你豈能計算牠們懷孕的月分,預知牠們生產的日期﹖
3Yumuyukod sila at pinapanganak ang kanilang anak, at pagkatapos winawakasan nila ang kanilang mga sakit sa panganganak.
牠們伏下產子之後,產痛立即過去。
4Ang kanilang mga anak ay lumalakas at lumalaki sa mga damuhan; lumalabas sila at hindi na bumabalik muli.
幼雛健壯,在原野中長大;牠們一去,即不再返回。
5Sino ang nagpalaya sa ligaw na asno? Sino ang nagkalag sa mga gapos ng mabilis na asno,
誰使野驢任意遊蕩,誰解去悍驢的韁繩﹖
6na ang tahanan ay ginawa ko sa Araba, ang kaniyang bahay sa asin na lupain?
原來是我叫牠以原野為家,以鹽地為居所。
7Tumatawa siya nang may panghahamak sa mga ingay sa lungsod; hindi niya naririnig ang mga sigaw ng kutsero.
牠恥笑城市的吵鬧,聽不到趕牲者的呵叱。
8Gumagala siya sa mga bundok bilang kaniyang pastulan; doon siya humahanap ng mga luntiang halaman para kainin.
牠以群山峻嶺作自己的牧場,尋覓各種青草為食。
9Masaya bang maglilingkod sa iyo ang mabangis na toro? Pahihintulutan niya bang manatili sa iyong sabsaban?
野牛豈肯為你服役,豈肯在你槽邊過宿﹖
10Gamit ang lubid, kaya mo bang pasunurin ang mabangis na toro para mag-araro ng mga tudling? Susuyurin niya ba ang mga lambak para sa iyo?
你豈能以繩索繫住牠的頸項,叫牠隨你耕田﹖
11Magtitiwala ka ba sa kaniya dahil kahanga-hanga ang kaniyang lakas? Iiwan mo ba sa kaniya para gawin ang iyong tungkulin?
你豈能依靠牠的大力,任憑牠去作你的工作﹖
12Aasahan mo ba siyang dadalhin sa bahay ang iyong butil na titipunin para sa iyong giikan?
你豈能靠牠將麥捆運回,聚集在你的禾場上﹖
13Ang mga pakpak ng ostrich ay nagmamalaking pumapagaspas, pero sila ba ang mga pakpak at balahibo ng pag-ibig?
駝鳥的翅翼鼓舞,牠的翼翎和羽毛豈表示慈愛﹖
14Dahil iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok;
他將卵留在地上,讓沙土去溫暖;
15nalilimutan niyang maaari silang madurog ng paa o maapakan ng isang mabangis na hayop.
牠不想人腳能踏碎,野獸能踐壞。
16Magaspang ang kaniyang pakikitungo sa kanila na parang sila ay hindi kaniya; hindi siya natatakot na ang kaniyang hirap ay mawalan ng kabuluhan,
牠苛待雛鳥,若非己出,雖徒受苦痛,也毫不關心。
17dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng karunungan at hindi siya binigyan ng anumang pang-unawa.
因為天主沒有賜牠這本能,也沒有把良知賜給牠。
18Kapag mabilis siyang tumatakbo, tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
但當牠振翼飛翔,卻要訕笑駿馬和騎師。
19Binigyan mo ba ng lakas ang kabayo? Dinamitan mo ba ang leeg niya ng kaniyang malambot na buhok?
馬的力量,是你所賜﹖牠頸上的長騣,是你所披﹖
20Napatalon mo na ba siya na parang balang? Ang katanyagan ng kaniyang pagsinghal ay nakakatakot.
你豈能使牠跳躍如蚱蜢﹖牠雄壯的長嘶,實在使人膽寒。
21Yumayabag siya sa kapangyarihan at nagagalak sa kaniyang kalakasan; tumatakbo siya nang mabilis para salubungin ang mga sandata.
牠在谷中歡躍奔馳,勇往直前,衝鋒迎敵。
22Kinukutya niya ang takot at hindi nasisiraan ng loob; hindi siya umaatras sa espada.
牠嗤笑膽怯,一無所懼;交鋒之時,決不退縮。
23Ang suksukan ng mga palaso ay kumakalampag sa kaniyang tagiliran, kasama ang kumikintab na sibat at dyabelin.
牠背上的箭袋震震作響,還有閃爍發光的矛與槍。
24Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar.
牠一聞號角,即不肯停蹄,急躁狂怒,不斷啃地。
25Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
每次號角一鳴,牠必發出嘶聲,由遠處已聞到戰爭的氣息,將領的號令和士卒的喊聲。
26Sa pamamagitan ba ng karunungan mo nakakalipad ang lawin, na inuunat niya ang kaniyang mga pakpak papuntang timog?
鷹展翅振翼南飛,豈是由於你的智慧﹖
27Sa mga utos mo ba umaakyat ang agila at gumagawa ng kaniyang pugad sa matataas na lugar?
兀鷹騰空,營巢峭壁,豈是出於你的命令﹖
28Naninirahan siya sa mga bangin at ginagawa ang kaniyang tahanan sa mga tuktok ng mga bangin, isang matibay na tanggulan.
牠在山崖居住過宿,在峭峰上有牠的保障;
29Mula roon naghahanap siya ng mga biktima; nakikita sila ng kaniyang mga mata mula sa malayo.
由那裏窺伺獵物,牠的眼力可達遠處。
30Ang kaniyang anak ay umiinom din ng dugo; kung nasaan ang mga taong pinatay, naroon siya.”