< Job 33 >

1 Kaya ngayon Job, nagmamakaawa ako sa iyo, pakinggan ang aking sasabihin; makinig ka sa lahat ng aking mga salita.
ואולם שמע נא איוב מלי וכל דברי האזינה׃
2 Tingnan mo ngayon, binuksan ko ang aking bibig; nagsalita na ang aking dila sa aking bibig.
הנה נא פתחתי פי דברה לשוני בחכי׃
3 Mga salita ko'y magsasabi ng pagkamatapat ng aking puso; kung ano ang alam ng aking mga labi, matapat silang magsasabi sa iyo.
ישר לבי אמרי ודעת שפתי ברור מללו׃
4 Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin; ang hininga ng Makapangyarihan ang nagbigay buhay sa akin.
רוח אל עשתני ונשמת שדי תחיני׃
5 Kung kaya mo, sagutin mo ako; ihanda mo ang iyong sasabihin sa harap ko at tumayo ka.
אם תוכל השיבני ערכה לפני התיצבה׃
6 Tingnan mo, matuwid din ako tulad mo sa paningin ng Diyos; hinulma din ako mula sa luwad.
הן אני כפיך לאל מחמר קרצתי גם אני׃
7 Tingnan mo, hindi ka matatakot sa akin; maging ang aking presensya ay hindi rin magiging mabigat sa iyo.
הנה אמתי לא תבעתך ואכפי עליך לא יכבד׃
8 Sa aking pandinig tiyak kang nagsalita; narinig ko ang tunog ng iyong mga salita na nagsasabi,
אך אמרת באזני וקול מלין אשמע׃
9 “Malinis ako at walang pagkakasala; ako ay inosente, at ako ay walang kasalanan.
זך אני בלי פשע חף אנכי ולא עון לי׃
10 Tingnan mo, naghanap ng pagkakataon ang Diyos na lusubin ako; tinuring niya akong kaaway.
הן תנואות עלי ימצא יחשבני לאויב לו׃
11 Ginapos niya ang aking mga paa sa mga kahoy na posas; tinitingnan niya lahat ng aking daraanan.
ישם בסד רגלי ישמר כל ארחתי׃
12 Tingnan mo, sasagutin kita; nagkakamali ka sa pagsasabi nito, dahil ang Diyos ay mas higit kaysa sa tao.
הן זאת לא צדקת אענך כי ירבה אלוה מאנוש׃
13 Bakit ka nakikibaka sa kaniya? Hindi niya kailangan ipaliwanag ang lahat ng kaniyang mga ginagawa.
מדוע אליו ריבות כי כל דבריו לא יענה׃
14 Minsan nang nagsalita ang Diyos - oo, dalawang beses, bagama't hindi ito napapansin ng tao.
כי באחת ידבר אל ובשתים לא ישורנה׃
15 Sa panaginip, sa pangitain sa gabi, kapag mahimbing na natulog ang mga tao ay dumating, sa pagkakatulog sa higaan -
בחלום חזיון לילה בנפל תרדמה על אנשים בתנומות עלי משכב׃
16 pagkatapos binubuksan ng Diyos ang mga tainga ng tao, at tatakutin sila ng mga banta,
אז יגלה אזן אנשים ובמסרם יחתם׃
17 para hilahin sila mula sa kaniyang makasalanang mga layunin, at ilayo ang kayabangan sa kaniya.
להסיר אדם מעשה וגוה מגבר יכסה׃
18 Nilalayo ng Diyos ang buhay ng tao mula sa hukay, ang buhay niya mula sa pagtawid sa kamatayan.
יחשך נפשו מני שחת וחיתו מעבר בשלח׃
19 Pinarurusahan din ang tao ng may kirot sa kaniyang higaan, na may patuloy na paghihirap sa kaniyang mga buto,
והוכח במכאוב על משכבו וריב עצמיו אתן׃
20 para mapoot ang kaniyang buhay sa pagkain, at mapoot ang kaniyang kaluluwa sa masasarap na pagkain.
וזהמתו חיתו לחם ונפשו מאכל תאוה׃
21 Inubos ang kaniyang laman para hindi na ito makita; ang kaniyang mga buto na minsan ay hindi na nakikita, ngayon ay nakalitaw na.
יכל בשרו מראי ושפי עצמותיו לא ראו׃
22 Sa katunayan, nalalapit na sa hukay ang kaniyang kaluluwa, ang kaniyang buhay sa mga humihiling na wasakin ito.
ותקרב לשחת נפשו וחיתו לממתים׃
23 Pero kung mayroong lamang na anghel na maaaring mamagitan para sa kaniya, isang tagapamagitan mula sa libi-libong mga anghel, para ipakita kung ano ang tamang gawin,
אם יש עליו מלאך מליץ אחד מני אלף להגיד לאדם ישרו׃
24 at kung ang anghel ay mabait sa kaniya at sasabihin sa Diyos na, “Iligtas mo ang taong ito mula sa pagbaba sa hukay; nakahanap ako ng pangtubos para sa kaniya,
ויחננו ויאמר פדעהו מרדת שחת מצאתי כפר׃
25 pagkatapos ang kaniyang laman ay magiging mas sariwa kaysa sa isang bata; babalik siya sa mga araw ng kalakasan ng kaniyang kabataan.
רטפש בשרו מנער ישוב לימי עלומיו׃
26 Mananalangin siya, at magiging mabait ang Diyos sa kaniya, para makita niya ang mukha ng Diyos nang may kasiyahan at bibigyan siya ng tagumpay.
יעתר אל אלוה וירצהו וירא פניו בתרועה וישב לאנוש צדקתו׃
27 Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
ישר על אנשים ויאמר חטאתי וישר העויתי ולא שוה לי׃
28 Iniligtas ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa pagpunta sa hukay; patuloy na makikita ng aking buhay ang liwanag.'
פדה נפשי מעבר בשחת וחיתי באור תראה׃
29 Tingnan mo, ginawang lahat ito ng Diyos sa isang tao, dalawang beses, oo, kahit tatlong beses pa,
הן כל אלה יפעל אל פעמים שלוש עם גבר׃
30 para makuha ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, kaya maliliwanagan siya nang liwanag ng buhay.
להשיב נפשו מני שחת לאור באור החיים׃
31 Bigyang-pansin mo ito Job, at makinig ka sa akin; tumahimik ka at magsasalita ako.
הקשב איוב שמע לי החרש ואנכי אדבר׃
32 Kung may sasabihin ka, sagutin mo ako; magsalita ka, dahil hiling ko na mapatunayan na ikaw ay nasa tama.
אם יש מלין השיבני דבר כי חפצתי צדקך׃
33 Kung hindi, makinig ka sa akin; manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan.”
אם אין אתה שמע לי החרש ואאלפך חכמה׃

< Job 33 >