< Job 32 >

1 Kaya tumigil sa pagsagot kay Job ang tatlong mga lalaking ito dahil siya ay matuwid sa sarili niyang paningin.
ἡσύχασαν δὲ καὶ οἱ τρεῖς φίλοι αὐτοῦ ἔτι ἀντειπεῖν Ιωβ ἦν γὰρ Ιωβ δίκαιος ἐναντίον αὐτῶν
2 Pagkatapos sumiklab ang galit ni Elihu anak ni Baraquel, apo ni Bus ng pamilya ni Ram; sumiklab ito laban kay Job dahil binigyang katwiran niya ang kaniyang sarili sa halip na ang Diyos.
ὠργίσθη δὲ Ελιους ὁ τοῦ Βαραχιηλ ὁ Βουζίτης ἐκ τῆς συγγενείας Ραμ τῆς Αυσίτιδος χώρας ὠργίσθη δὲ τῷ Ιωβ σφόδρα διότι ἀπέφηνεν ἑαυτὸν δίκαιον ἐναντίον κυρίου
3 Sumiklab din ang galit ni Elihu laban sa tatlo niyang mga kaibigan dahil wala silang nahanap na sagot kay Job, gayunman hinatulan nila si Job
καὶ κατὰ τῶν τριῶν δὲ φίλων ὠργίσθη σφόδρα διότι οὐκ ἠδυνήθησαν ἀποκριθῆναι ἀντίθετα Ιωβ καὶ ἔθεντο αὐτὸν εἶναι ἀσεβῆ
4 Ngayon naghintay si Elihu na makapagsalita kay Job dahil mas matanda sa kaniya ang tatlong ibang lalaki.
Ελιους δὲ ὑπέμεινεν δοῦναι ἀπόκρισιν Ιωβ ὅτι πρεσβύτεροι αὐτοῦ εἰσιν ἡμέραις
5 Pero, nang nakita ni Elihu na walang sagot sa bibig ng tatlong mga lalaking ito, sumiklab ang kaniyang galit.
καὶ εἶδεν Ελιους ὅτι οὐκ ἔστιν ἀπόκρισις ἐν στόματι τῶν τριῶν ἀνδρῶν καὶ ἐθυμώθη ὀργὴ αὐτοῦ
6 Pagkatapos nagsalita si Elihu na anak ni Baraquel, apo ni Bus at sinabi, “Bata pa ako, at kayo ay napakatanda na. Iyon ang kung bakit nagpigil ako at hindi nangahas na sabihin sa inyo ang aking palagay.
ὑπολαβὼν δὲ Ελιους ὁ τοῦ Βαραχιηλ ὁ Βουζίτης εἶπεν νεώτερος μέν εἰμι τῷ χρόνῳ ὑμεῖς δέ ἐστε πρεσβύτεροι διὸ ἡσύχασα φοβηθεὶς τοῦ ὑμῖν ἀναγγεῖλαι τὴν ἐμαυτοῦ ἐπιστήμην
7 Sinabi ko, “Ang haba ng mga araw ay dapat magsalita; ang maraming mga taon ay dapat magturo ng karunungan.
εἶπα δὲ ὅτι ὁ χρόνος ἐστὶν ὁ λαλῶν ἐν πολλοῖς δὲ ἔτεσιν οἴδασιν σοφίαν
8 Pero may espiritu sa isang tao; binibigyan siya ng pang-unawa ng hininga ng Makapangyarihan.
ἀλλὰ πνεῦμά ἐστιν ἐν βροτοῖς πνοὴ δὲ παντοκράτορός ἐστιν ἡ διδάσκουσα
9 Hindi lamang ang mga dakilang tao ang marunong, ni ang mga matatanda lamang ang nakakaunawa ng katarungan.
οὐχ οἱ πολυχρόνιοί εἰσιν σοφοί οὐδ’ οἱ γέροντες οἴδασιν κρίμα
10 Dahil dito sinasabi ko sa inyo, “Dinggin ninyo ako; Sasabihin ko rin sa inyo ang aking kaalaman.'
διὸ εἶπα ἀκούσατέ μου καὶ ἀναγγελῶ ὑμῖν ἃ οἶδα
11 Tingnan ninyo, naghintay ako para sa inyong mga salita; nakinig ako sa inyong mga pangangatuwiran habang iniisip ninyo tungkol sa ano ang sasabihin.
ἐνωτίζεσθέ μου τὰ ῥήματα ἐρῶ γὰρ ὑμῶν ἀκουόντων ἄχρι οὗ ἐτάσητε λόγους
12 Tunay nga, nakinig akong mabuti sa inyo, pero, tingnan ninyo, wala isa man sa inyo ang makakumbinsi kay Job o makatugon sa kaniyang mga salita.
καὶ μέχρι ὑμῶν συνήσω καὶ ἰδοὺ οὐκ ἦν τῷ Ιωβ ἐλέγχων ἀνταποκρινόμενος ῥήματα αὐτοῦ ἐξ ὑμῶν
13 Ingatan ninyong huwag sabihing, “Natagpuan namin ang karunungan! Kailangang daigin ng Diyos si Job; hindi ito magagawa ng tao lamang.
ἵνα μὴ εἴπητε εὕρομεν σοφίαν κυρίῳ προσθέμενοι
14 Dahil hindi itinuon ni Job ang kaniyang mga salita laban sa akin, kaya hindi ko siya sasagutin gamit ang inyong mga salita.
ἀνθρώπῳ δὲ ἐπετρέψατε λαλῆσαι τοιαῦτα ῥήματα
15 Hindi makaimik ang tatlong mga lalaking ito; hindi na nila masagot si Job; ni isang salita ay wala na silang masabi.
ἐπτοήθησαν οὐκ ἀπεκρίθησαν ἔτι ἐπαλαίωσαν ἐξ αὐτῶν λόγους
16 Dapat ba akong maghintay dahil hindi sila nagsasalita, dahil nakatayo sila doon nang tahimik at hindi na sumasagot?
ὑπέμεινα οὐ γὰρ ἐλάλησαν ὅτι ἔστησαν οὐκ ἀπεκρίθησαν
17 Hindi, sasagot din ako sa aking panig; sasabihin ko rin sa kanila ang aking nalalaman.
ὑπολαβὼν δὲ Ελιους λέγει
18 Puno ako ng mga salita; itinutulak ako ng espiritung nasa akin.
πάλιν λαλήσω πλήρης γάρ εἰμι ῥημάτων ὀλέκει γάρ με τὸ πνεῦμα τῆς γαστρός
19 Tingnan ninyo, ang aking dibdib ay tulad ng nangangasim na alak na walang singawan; tulad ng bagong mga sisidlan ng alak, handa nang pumutok.
ἡ δὲ γαστήρ μου ὥσπερ ἀσκὸς γλεύκους ζέων δεδεμένος ἢ ὥσπερ φυσητὴρ χαλκέως ἐρρηγώς
20 Magsasalita ako para ako ay maginhawahan; ibubuka ko ang aking mga labi at sasagot.
λαλήσω ἵνα ἀναπαύσωμαι ἀνοίξας τὰ χείλη
21 Hindi ako magpapakita ng pagtatangi; hindi rin ako magbibigay kaninuman ng titulo ng panggalang.
ἄνθρωπον γὰρ οὐ μὴ αἰσχυνθῶ ἀλλὰ μὴν οὐδὲ βροτὸν οὐ μὴ ἐντραπῶ
22 Dahil hindi ko alam kung paano magbigay ng ganoong titulo; kung ginawa ko iyon, maaga akong kukunin ng aking Tagalikha.
οὐ γὰρ ἐπίσταμαι θαυμάσαι πρόσωπον εἰ δὲ μή καὶ ἐμὲ σῆτες ἔδονται

< Job 32 >