< Job 30 >
1 Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
А сада смеју ми се млађи од мене, којима отаца не бих хтео метнути са псима стада свог.
2 Tunay nga, ang lakas ng mga kamay ng kanilang mga ama - paano nito ako matutulungan - mga lalaki na kung saan ang lakas ng kanilang kaganapan sa gulang ay naglaho na?
А на шта би ми и била сила руку њихових? У њима беше пропала старост.
3 Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman, ngumangatngat sila sa tuyong lupa sa kadiliman ng ilang at kapanglawan.
Од сиромаштва и глади самоћаваху бежећи од сува, мрачна, пуста и опустошена места;
4 Namitas sila ng halaman ng soltwot at mga dahon ng palumpong; ang mga ugat ng puno ng tambo ang kanilang pagkain.
Који браху лободу по честама, и смреково корење беше им храна.
5 Pinalayas sila mula sa mga tao na sumigaw sa kanila na parang isang tao na sinisigawan ang isang magnanakaw.
Између људи беху изгоњени и викаше се за њима као за лупежом.
6 Kaya kinailangan nilang manirahan sa ilog lambak, sa mga lungga ng lupa at ng mga bato.
Живљаху по страшним увалама, по јамама у земљи и у камену.
7 Sa mga palumpong, umungal sila tulad ng mga asno; sa ilalim ng mga palumpong nagtitipon-tipon sila.
По грмовима рикаху, под трњем се скупљаху.
8 Sila ay mga inapo ng mga hangal; tunay nga, na walang kwentang mga tao; pinalayas sila sa lupain sa pamamagitan ng mga pamalo.
Беху људи никакви и без имена, мање вредни него земља.
9 Pero ngayon, para sa kanilang mga anak, naging paksa ako ng isang kanta ng pangungutya; tunay nga, naging isang katatawanan ako sa kanila.
И њима сам сада песма, и постах им прича.
10 Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
Гаде се на ме, иду далеко од мене и не устежу се пљувати ми у лице.
11 Dahil tinanggal ng Diyos ang lubid ng aking pana at pinahirapan ako, kaya sa harapan ko ay nawawala ang lahat ng pagpipigil sa sarili ng mga taong ito.
Јер је Бог одапео моју тетиву и муке ми задао те збацише узду преда мном.
12 Sa aking kanang kamay naghimagsik ang magulong pulutong ng mga tao; itinaboy nila ako at itinambak laban sa akin ang kanilang punso ng paglusob.
С десне стране устајаху момци, поткидаху ми ноге, и насипају пут к мени да ме упропасте.
13 Sinisira nila ang aking landas; Itinutulak nila ang kapahamakan para sa akin, mga lalaki na walang sinumang makapipigil.
Раскопаше моју стазу, умножише ми муке, не треба нико да им помаже.
14 Sinasalakay nila ako tulad ng isang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking butas sa pader ng lungsod; sa gitna ng pagkawasak gumulong sila sa akin.
Као широким проломом навиру, и наваљују преко развалина.
15 Nilukuban ako ng malaking takot; itinaboy ang aking karangalan na parang ng hangin; naglaho ang aking kasaganaan na parang isang ulap.
Страхоте навалише на ме, и као ветар терају душу моју, и као облак прође срећа моја.
16 Ngayon ang buhay ko ay ibinubuhos mula sa akin. Hinawakan ako ng maraming araw ng pagdurusa.
И сада се душа моја разлива у мени, стигоше ме дани мучни.
17 Sa gabi sinasaksak ang aking mga buto sa loob ng aking katawan; ang mga sakit na nagpapahirap sa akin ay walang kapahingahan.
Ноћу пробада ми кости у мени, и жиле моје не одмарају се.
18 Hinablot ng malakas na pwersa ng Diyos ang aking kasuotan; binalutan ako nito tulad ng kwelyo ng aking tunika.
Од тешке силе променило се одело моје, и као огрлица у кошуље моје стеже ме.
19 Inihagis niya ako sa putik; Naging tulad ako ng alabok at mga abo.
Бацио ме је у блато, те сам као прах и пепео.
20 Umiiyak ako sa iyo, Diyos, pero hindi mo ako sinasagot; tumatayo ako pero tinitingnan mo lang ako.
Вичем к Теби, а Ти ме не слушаш; стојим пред Тобом, а Ти не гледаш на ме.
21 Nagbago ka na at naging malupit sa akin; sa kapangyarihan ng iyong kamay ay pinapahirapan mo ako.
Претворио си ми се у љута непријатеља; силом руке своје супротиш ми се.
22 Itinaas mo ako sa hangin at dinulot na tangayin ako nito; tinutunaw mo ako sa bagyo.
Подижеш ме у ветар, посађујеш ме на њ, и растапаш у мени све добро.
23 Dahil alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga buhay na bagay.
Јер знам да ћеш ме одвести на смрт и у дом одређени свима живима.
24 Pero, wala bang umaabot ng kaniyang kamay para humingi ng tulong kapag siya ay bumabagsak? Wala bang nasa kaguluhan na nagmakaawa para sa tulong?
Али неће пружити руке своје у гроб; кад их стане потирати, они неће викати.
25 Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan?
Нисам ли плакао ради оног који беше у злу? Није ли душа моја жалосна бивала ради убогог?
26 Nang naghanap ako ng kabutihan, ang dumating ay kasamaan; nang ako ay naghintay para sa liwanag, sa halip ay dumating ang kadiliman.
Кад се добру надах, дође ми зло; и кад се надах светлости, дође мрак.
27 Naguguluhan ang aking puso at hindi nagpapahinga; mga araw ng dalamhati ang dumating sa akin.
Утроба је моја узаврела, и не може да се умири, задесише ме дани мучни.
28 Patuloy na nangingitim ang aking balat hindi dahil sa araw; tumatayo ako sa kapulungan at humihingi ng tulong.
Ходим црн, не од сунца, устајем и вичем у збору.
29 Ako ay kapatid ng asong gubat, isang kasama ng mga ostrich.
Брат постах змајевима и друг совама.
30 Maitim ang aking balat at natutuklap; nasunog sa init ang aking mga buto.
Поцрнела је кожа на мени и кости моје посахнуше од жеге.
31 Kaya ang aking alpa ay nakatono para sa mga kanta ng pagluluksa, ang aking plauta para sa pagkanta ng mga nananaghoy.
Гусле се моје претворише у запевку, и свирала моја у плач.