< Job 30 >
1 Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
νυνὶ δὲ κατεγέλασάν μου ἐλάχιστοι νῦν νουθετοῦσίν με ἐν μέρει ὧν ἐξουδένουν πατέρας αὐτῶν οὓς οὐχ ἡγησάμην εἶναι ἀξίους κυνῶν τῶν ἐμῶν νομάδων
2 Tunay nga, ang lakas ng mga kamay ng kanilang mga ama - paano nito ako matutulungan - mga lalaki na kung saan ang lakas ng kanilang kaganapan sa gulang ay naglaho na?
καί γε ἰσχὺς χειρῶν αὐτῶν ἵνα τί μοι ἐπ’ αὐτοὺς ἀπώλετο συντέλεια
3 Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman, ngumangatngat sila sa tuyong lupa sa kadiliman ng ilang at kapanglawan.
ἐν ἐνδείᾳ καὶ λιμῷ ἄγονος οἱ φεύγοντες ἄνυδρον ἐχθὲς συνοχὴν καὶ ταλαιπωρίαν
4 Namitas sila ng halaman ng soltwot at mga dahon ng palumpong; ang mga ugat ng puno ng tambo ang kanilang pagkain.
οἱ περικλῶντες ἅλιμα ἐπὶ ἠχοῦντι οἵτινες ἅλιμα ἦν αὐτῶν τὰ σῖτα ἄτιμοι δὲ καὶ πεφαυλισμένοι ἐνδεεῖς παντὸς ἀγαθοῦ οἳ καὶ ῥίζας ξύλων ἐμασῶντο ὑπὸ λιμοῦ μεγάλου
5 Pinalayas sila mula sa mga tao na sumigaw sa kanila na parang isang tao na sinisigawan ang isang magnanakaw.
ἐπανέστησάν μοι κλέπται
6 Kaya kinailangan nilang manirahan sa ilog lambak, sa mga lungga ng lupa at ng mga bato.
ὧν οἱ οἶκοι αὐτῶν ἦσαν τρῶγλαι πετρῶν
7 Sa mga palumpong, umungal sila tulad ng mga asno; sa ilalim ng mga palumpong nagtitipon-tipon sila.
ἀνὰ μέσον εὐήχων βοήσονται οἳ ὑπὸ φρύγανα ἄγρια διῃτῶντο
8 Sila ay mga inapo ng mga hangal; tunay nga, na walang kwentang mga tao; pinalayas sila sa lupain sa pamamagitan ng mga pamalo.
ἀφρόνων υἱοὶ καὶ ἀτίμων ὄνομα καὶ κλέος ἐσβεσμένον ἀπὸ γῆς
9 Pero ngayon, para sa kanilang mga anak, naging paksa ako ng isang kanta ng pangungutya; tunay nga, naging isang katatawanan ako sa kanila.
νυνὶ δὲ κιθάρα ἐγώ εἰμι αὐτῶν καὶ ἐμὲ θρύλημα ἔχουσιν
10 Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
ἐβδελύξαντο δέ με ἀποστάντες μακράν ἀπὸ δὲ προσώπου μου οὐκ ἐφείσαντο πτύελον
11 Dahil tinanggal ng Diyos ang lubid ng aking pana at pinahirapan ako, kaya sa harapan ko ay nawawala ang lahat ng pagpipigil sa sarili ng mga taong ito.
ἀνοίξας γὰρ φαρέτραν αὐτοῦ ἐκάκωσέν με καὶ χαλινὸν τοῦ προσώπου μου ἐξαπέστειλαν
12 Sa aking kanang kamay naghimagsik ang magulong pulutong ng mga tao; itinaboy nila ako at itinambak laban sa akin ang kanilang punso ng paglusob.
ἐπὶ δεξιῶν βλαστοῦ ἐπανέστησαν πόδα αὐτῶν ἐξέτειναν καὶ ὡδοποίησαν ἐπ’ ἐμὲ τρίβους ἀπωλείας αὐτῶν
13 Sinisira nila ang aking landas; Itinutulak nila ang kapahamakan para sa akin, mga lalaki na walang sinumang makapipigil.
ἐξετρίβησαν τρίβοι μου ἐξέδυσεν γάρ μου τὴν στολήν
14 Sinasalakay nila ako tulad ng isang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking butas sa pader ng lungsod; sa gitna ng pagkawasak gumulong sila sa akin.
βέλεσιν αὐτοῦ κατηκόντισέν με κέχρηταί μοι ὡς βούλεται ἐν ὀδύναις πέφυρμαι
15 Nilukuban ako ng malaking takot; itinaboy ang aking karangalan na parang ng hangin; naglaho ang aking kasaganaan na parang isang ulap.
ἐπιστρέφονται δέ μου αἱ ὀδύναι ᾤχετό μου ἡ ἐλπὶς ὥσπερ πνεῦμα καὶ ὥσπερ νέφος ἡ σωτηρία μου
16 Ngayon ang buhay ko ay ibinubuhos mula sa akin. Hinawakan ako ng maraming araw ng pagdurusa.
καὶ νῦν ἐπ’ ἐμὲ ἐκχυθήσεται ἡ ψυχή μου ἔχουσιν δέ με ἡμέραι ὀδυνῶν
17 Sa gabi sinasaksak ang aking mga buto sa loob ng aking katawan; ang mga sakit na nagpapahirap sa akin ay walang kapahingahan.
νυκτὶ δέ μου τὰ ὀστᾶ συγκέκαυται τὰ δὲ νεῦρά μου διαλέλυται
18 Hinablot ng malakas na pwersa ng Diyos ang aking kasuotan; binalutan ako nito tulad ng kwelyo ng aking tunika.
ἐν πολλῇ ἰσχύι ἐπελάβετό μου τῆς στολῆς ὥσπερ τὸ περιστόμιον τοῦ χιτῶνός μου περιέσχεν με
19 Inihagis niya ako sa putik; Naging tulad ako ng alabok at mga abo.
ἥγησαι δέ με ἴσα πηλῷ ἐν γῇ καὶ σποδῷ μου ἡ μερίς
20 Umiiyak ako sa iyo, Diyos, pero hindi mo ako sinasagot; tumatayo ako pero tinitingnan mo lang ako.
κέκραγα δὲ πρὸς σὲ καὶ οὐκ εἰσακούεις μου ἔστησαν καὶ κατενόησάν με
21 Nagbago ka na at naging malupit sa akin; sa kapangyarihan ng iyong kamay ay pinapahirapan mo ako.
ἐπέβης δέ μοι ἀνελεημόνως χειρὶ κραταιᾷ με ἐμαστίγωσας
22 Itinaas mo ako sa hangin at dinulot na tangayin ako nito; tinutunaw mo ako sa bagyo.
ἔταξας δέ με ἐν ὀδύναις καὶ ἀπέρριψάς με ἀπὸ σωτηρίας
23 Dahil alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga buhay na bagay.
οἶδα γὰρ ὅτι θάνατός με ἐκτρίψει οἰκία γὰρ παντὶ θνητῷ γῆ
24 Pero, wala bang umaabot ng kaniyang kamay para humingi ng tulong kapag siya ay bumabagsak? Wala bang nasa kaguluhan na nagmakaawa para sa tulong?
εἰ γὰρ ὄφελον δυναίμην ἐμαυτὸν χειρώσασθαι ἢ δεηθείς γε ἑτέρου καὶ ποιήσει μοι τοῦτο
25 Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan?
ἐγὼ δὲ ἐπὶ παντὶ ἀδυνάτῳ ἔκλαυσα ἐστέναξα δὲ ἰδὼν ἄνδρα ἐν ἀνάγκαις
26 Nang naghanap ako ng kabutihan, ang dumating ay kasamaan; nang ako ay naghintay para sa liwanag, sa halip ay dumating ang kadiliman.
ἐγὼ δὲ ἐπέχων ἀγαθοῖς ἰδοὺ συνήντησάν μοι μᾶλλον ἡμέραι κακῶν
27 Naguguluhan ang aking puso at hindi nagpapahinga; mga araw ng dalamhati ang dumating sa akin.
ἡ κοιλία μου ἐξέζεσεν καὶ οὐ σιωπήσεται προέφθασάν με ἡμέραι πτωχείας
28 Patuloy na nangingitim ang aking balat hindi dahil sa araw; tumatayo ako sa kapulungan at humihingi ng tulong.
στένων πεπόρευμαι ἄνευ φιμοῦ ἕστηκα δὲ ἐν ἐκκλησίᾳ κεκραγώς
29 Ako ay kapatid ng asong gubat, isang kasama ng mga ostrich.
ἀδελφὸς γέγονα σειρήνων ἑταῖρος δὲ στρουθῶν
30 Maitim ang aking balat at natutuklap; nasunog sa init ang aking mga buto.
τὸ δὲ δέρμα μου ἐσκότωται μεγάλως τὰ δὲ ὀστᾶ μου ἀπὸ καύματος
31 Kaya ang aking alpa ay nakatono para sa mga kanta ng pagluluksa, ang aking plauta para sa pagkanta ng mga nananaghoy.
ἀπέβη δὲ εἰς πάθος μου ἡ κιθάρα ὁ δὲ ψαλμός μου εἰς κλαυθμὸν ἐμοί