< Job 3 >

1 Pagkatapos nito, binuksan ni Job ang kaniyang bibig at isinumpa ang araw ng kapanganakan niya.
此後約伯開口詛咒自己的生日。
2 Sinabi niya,
約伯開始說:
3 “Sana napuksa na lang ang araw na ipinanganak ako, ang gabi na binalitang 'isang sanggol na lalaki ang ipinanganak.'
願我誕生的那日消逝,願報告「懷了男胎」的那夜滅亡。
4 Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon, huwag na sana itong maalala ng Diyos, o kaya sikatan pa ito ng araw.
願那日成為黑暗,願天主從上面不再尋覓它,再沒有光燭照它。
5 Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan; balutan na lang ng madilim na ulap at ang lahat na nagpapadilim sa umaga ay gawing mas kalagim-lagim.
願黑暗和陰影玷污它,濃雲遮蓋它,白晝失光的晦暗驚嚇它。
6 At sa gabing iyon, hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot dito: huwag na itong hayaan na magalak sa mga araw ng taon, huwag na itong paabutin sa hustong bilang ng mga buwan.
願那夜常為黑暗所制,不讓它列入年歲中,不讓它算在月分裏。
7 Masdan mo, sana naging baog na lang ang gabing iyon, at walang masayang tinig ang narinig.
願那夜孤寂煢獨,毫無歡呼之聲。
8 Hayaan na lang na isumpa ang araw na iyon ng mga marunong gumising sa Leviatan.
願那詛咒白日者,有術召喚海怪者,前來詛咒那夜。
9 Hayaan na ang mga bituin sa hating-gabi ay magdilim. Hayaan na maghanap ng liwanag ang araw na iyon pero walang matagpuan, o kaya ang mga talukap ng mga mata ay huwag nang makakita ng bukang liwayway,
願晨星昏暗,期待光明而光明不至,也不見晨光熹微,
10 dahil hindi nito sinara ang pintuan ng sinapupunan ng aking ina, ni itinago ang kaguluhan mula sa aking mga mata.
因為它沒有關閉我母胎之門,遮住我眼前的愁苦。
11 Bakit hindi pa ako namatay noong ako ay lumabas sa sinapupunan? Bakit hindi ko pa isinuko ang aking espiritu noong ako ay ipinagbubuntis pa lang ng aking ina?
我為何一出母胎沒有立即死去﹖為何我一離母腹沒有斷氣﹖
12 Bakit pa ako kinandong sa kaniyang mga tuhod? O tinanggap ng kaniyang didbdib para ako ay makasuso?
為何兩膝接住我﹖為何兩乳哺養我﹖
13 Dapat sana tahimik na akong nakahiga ngayon, nakatulog na sana ako at namamahinga
不然現今我早已臥下安睡了,早已永眠獲得安息了,
14 kasama ng mga hari at taga-payo sa lupa, na nagtayo ng mga puntod para sa kanilang mga sarili na ngayon ay gumuho na.
與那些為自己建陵墓的國王和百官,
15 O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
與那些金銀滿堂的王侯同眠;
16 O kaya, patay na ako nang ipinanganak, tulad ng mga sanggol na hindi na nasilayan ang liwanag.
或者像隱沒的流產兒,像未見光明的嬰孩;
17 Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan, at ang mga pagod ay nakakapagpahinga.
在那裏惡人停止作亂,在那裏勞悴者得享安寧;
18 Na kung saan ang mga bilanggo ay nagkakasundo, hindi na nila maririnig ang boses ng mga tagapamahala sa kanila.
囚徒相安無事,再不聞督工的呼叱聲,
19 Ang mga karaniwan at mga tanyag na tao ay naroroon, ang lingkod doon ay malaya mula sa kayang amo.
在那裏大小平等,奴隸脫離主人。
20 Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
為何賜不幸者以光明,賜心中憂苦者以生命﹖
21 ang taong gusto nang mamatay pero hindi mamatay-matay, ang taong naghahanap ng kamatayan higit pa sa paghahanap ng kayamanan?
這些人渴望死,而死不至;尋求死亡勝於寶藏,
22 Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong lubos na masaya at nagagalak kung hinahanap naman niya ay libingan?
見到墳墓,感覺歡樂,且喜樂達於極點!
23 Bakit ibinibigay ang liwanag sa isang taong inililihim ang kaniyang pamamaraan, isang tao kung saan naglagay ang Diyos ng mga bakod?
人的道路,既如此渺茫,天主為何賜給他生命,又把他包圍﹖
24 Dahil mas nangyayari ang aking hikbi kaysa kumain; ang aking panaghoy ay ibinubuhos na parang tubig.
歎習成了我的食物,不停哀嘆有如流水。
25 Dahil ang bagay na kinatatakutan ko ay dumating na sa akin; kung ano ang ikinatatakot ko ay narito na.
我所畏懼的,偏偏臨於我身;我所害怕的,卻迎面而來。
26 Wala akong kaginhawaan, katahimikan at kapahingahan bagkus ang dumating sa akin ay kabalisahan.
我沒有安寧,也沒有平靜,得不到休息,而只有煩惱。

< Job 3 >