< Job 29 >
1 Muling nagsalita si Job at sinabi,
Og Job vedblev at fremsætte sit Tankesprog:
2 “O, na ako ay parang noong mga nakalipas na mga buwan nang pinapangalagaan ako ng Diyos,
Ak, havde jeg det som tilforn, som dengang Gud tog sig af mig,
3 nang lumiwanag ang kaniyang ilawan sa aking ulo, at nang lumakad ako sa kadilimang ginagabayan ng kaniyang liwanag.
da hans Lampe lyste over mit Hoved, og jeg ved hans Lys vandt frem i Mørke,
4 O, kung katulad lang sana ako noong nasa kahinugan pa ng aking mga araw nang ang pagkakaibigan ng Diyos ay nasa aking tolda,
som i mine modne Aar, da Guds Fortrolighed var over mit Telt,
5 nang kapiling ko pa ang Makapangyarihan, at ang aking mga anak ay nakapaligid sa akin,
da den Almægtige end var hos mig og mine Drenge var om mig,
6 nang ang aking landas ay umaapaw sa gatas, at ibinubuhos sa akin ng bato ang mga batis ng langis!
da mine Fødder vaded i Fløde, og Olie strømmede, hvor jeg stod,
7 Nang lumabas ako patungo sa tarangkahan ng lungsod, nang naupo ako sa aking lugar sa plasa,
da jeg gik ud til Byens Port og rejste mit Sæde paa Torvet.
8 natanaw ako ng mga kabataang lalaki at pinanatili ang kanilang distansya mula sa akin bilang tanda ng paggalang, at ang mga matatanda ay tumindig at tumayo para sa akin.
Naar Ungdommen saa mig, gemte den sig, Oldinge rejste sig op og stod,
9 Dati ay itinitigil ng mga prinsipe ang kanilang usapan kapag dumadating ako; tinatakpan nila ng kanilang kamay ang kanilang mga bibig.
Høvdinger standsed i Talen og lagde Haand paa Mund,
10 Tumahimik ang mga boses ng mga maharlilka, at kumapit ang kanilang dila sa bubong ng kanilang mga bibig.
Stormænds Røst forstummed, deres Tunge klæbed til Ganen;
11 Dahil matapos akong marinig ng kanilang mga tainga, pagpapalain nila ako; matapos akong makita ng kanilang mga mata, nagpapatotoo sila at sumasang-ayon sa akin
Øret hørte og priste mig lykkelig, Øjet saa og tilkendte mig Ære.
12 dahil dati ay sinasagip ko ang taong mahirap na sumisigaw, pati na ang lahat ng mga walang ama, na walang sinumang tutulong sa kaniya.
Thi jeg redded den arme, der skreg om Hjælp, den faderløse, der savned en Hjælper;
13 Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan.
den, det gik skævt, velsignede mig, jeg frydede Enkens Hjerte;
14 Sinuot ko ang katuwiran, at dinamitan ako nito; ang katarungan ko ay tulad ng isang kasuotan at isang turban.
jeg klædte mig i Retfærd, og den i mig, i Ret som Kappe og Hovedbind.
15 Naging mga mata ako ng mga bulag; naging mga paa ako ng mga pilay.
Jeg var den blindes Øje, jeg var den lammes Fod;
16 Naging isang ama ako ng mga nangangailangan; sinusuri ko ang kaso kahit na ng isang hindi ko kilala.
jeg var de fattiges Fader, udreded den mig ukendtes Sag;
17 Binasag ko ang mga panga ng masama; hinalbot ko ang biktima mula sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.
den lovløses Tænder brød jeg, rev Byttet ud af hans Gab.
18 Pagkatapos sinabi ko, “Mamamatay ako sa aking pugad; pararamihin ko ang aking mga araw tulad ng mga butil ng buhangin.
Saa tænkte jeg da: »Jeg skal dø i min Rede, leve saa længe som Føniksfuglen;
19 Umaabot ang aking mga ugat sa mga tubig, at nasa mga sanga ko ang hamog buong gabi.
min Rod kan Vand komme til, Duggen har Nattely i mine Grene;
20 Ang parangal sa akin ay laging sariwa, at ang pana ng aking kalakasan ay laging bago sa aking kamay;
min Ære er altid ny, min Bue er altid ung i min Haand!«
21 Sa akin nakinig ang mga tao; hinintay nila ako; nanatili silang tahimik para marinig ang aking payo.
Mig hørte de paa og bied, var tavse, mens jeg gav Raad;
22 Matapos kong sabihin ang aking mga salita, hindi na sila muling nagsalita; ang aking pananalita ay pumatak sa kanila tulad ng tubig.
ingen tog Ordet, naar jeg havde talt, mine Ord faldt kvægende paa dem;
23 Lagi nila akong hinihintay na parang paghintay nila sa ulan; ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang aking mga salita, gaya ng ginagawa nila para sa ulan sa panahon ng tag-araw.
de bied paa mig som paa Regn, spærred Munden op efter Vaarregn.
24 Ngumiti ako sa kanila nang hindi nila ito inasahan; hindi nila tinanggihan ang liwanag ng aking mukha.
Mistrøstige smilte jeg til, mit Aasyns Lys fik de ej til at svinde.
25 Pinili ko ang kanilang landas at umupo bilang kanilang hepe; namuhay akong tulad ng isang hari sa kaniyang hukbo, tulad ng isang umaaliw sa mga taong nagdadalamhati sa isang libing.
Vejen valgte jeg for dem og sad som Høvding, troned som Konge blandt Hærmænd, som den, der gav sørgende Trøst.