< Job 27 >
1 Muling nagsalita si Job at sinabi,
Addidit quoque Iob, assumens parabolam suam, et dixit:
2 Habang nabubuhay ang Diyos, na siyang nag-alis ng aking katarungan, ang Makapangyarihan, na may gawa ng kapaitan ko sa aking buhay,
Vivit Deus, qui abstulit iudicium meum, et Omnipotens, qui ad amaritudinem adduxit animam meam.
3 na habang nasa akin pa ang aking buhay at ang hininga mula sa Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong,
Quia donec superest halitus in me, et spiritus Dei in naribus meis,
4 tunay nga hindi magsasalita ng hindi matuwid ang aking mga labi, ni magsasalita ng panlilinlang ang aking dila.
Non loquentur labia mea iniquitatem, nec lingua mea meditabitur mendacium.
5 Hinding-hindi ko matatanggap na kayo ay tama; hanggang mamatay ako, hindi ko kailanman itatanggi ang aking dangal.
Absit a me ut iustos vos esse iudicem: donec deficiam, non recedam ab innocentia mea.
6 Pinaninindigan ko ang aking pagkamatuwid at hindi ko ito bibitiwan; hindi ako susumbatan ng aking mga isipan habang ako ay nabubuhay.
Iustificationem meam, quam coepi tenere, non deseram: neque enim reprehendit me cor meum in omni vita mea.
7 Hayaang ang aking kaaway ay maging tulad ng isang masamang tao; hayaang ang lumalaban sa akin ay maging tulad ng isang makasalanang tao.
Sit ut impius, inimicus meus: et adversarius meus, quasi iniquus.
8 Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
Quae est enim spes hypocritae si avare rapiat, et non liberet Deus animam eius?
9 Maririnig ba ng Diyos ang kaniyang iyak kapag dumating ang kaguluhan sa kaniya?
Numquid Deus audiet clamorem eius cum venerit super eum angustia?
10 Kaluluguran ba niya ang Makapangyarihan at tatawag sa Diyos sa lahat ng oras?
Aut poterit in Omnipotente delectari, et invocare Deum omni tempore?
11 Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kamay ng Diyos; hindi ko itatago ang mga isipan ng Makapangyarihan.
Docebo vos per manum Dei quae Omnipotens habeat, nec abscondam.
12 Tingnan ninyo, kayong lahat mismo ang nakakita nito; kung gayon bakit ninyo sinabi ang lahat ng mga walang katuturan na ito?
Ecce, vos omnes nostis, et quid sine causa vana loquimini?
13 Ito ang kapalaran na itatakda ng Diyos para sa isang masamang tao, ang pamana na tinatanggap ng nang-aapi mula sa Makapangyarihan:
Haec est pars hominis impii apud Deum, et hereditas violentorum, quam ob Omnipotente suscipient.
14 Kapag dumami ang kaniyang mga anak, ito ay para sa tabak; ang kaniyang mga anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
Si multiplicati fuerint filii eius, in gladio erunt, et nepotes eius non saturabuntur pane.
15 Ang mga mananatiling buhay ay ililibing ng salot, at ang kanilang mga biyuda ay hindi magluluksa para sa kanila.
Qui reliqui fuerint ex eo, sepelientur in interitu, et viduae illius non plorabunt.
16 Kahit na ang masamang tao ay nagtatambak ng pilak na parang alikabok, at nagtatamabk ng kasuotan na parang luwad,
Si comportaverit quasi terram argentum, et sicut lutum praeparaverit vestimenta:
17 maaaring magyambak siya ng kasuotan, pero isusuot ito ng mga matutuwid na tao, at paghahati-hatian ng mga inosenteng tao ang pilak.
Praeparabit quidem, sed iustus vestietur illis: et argentum innocens dividet.
18 Tinatayo niya ang kaniyang bahay tulad ng isang gagamba, tulad ng isang kubo na ginagawa ng isang bantay.
Aedificavit sicut tinea domum suam, et sicut custos fecit umbraculum.
19 Mayaman siyang humihiga sa kama, pero hindi niya laging gagawin ito; imumulat niya ang kaniyang mga mata, at lahat ng bagay ay wala na.
Dives cum dormierit, nihil secum auferet: aperiet oculos suos, et nihil inveniet.
20 Inaabutan siya ng mga malalaking takot tulad ng tubig sa baha; tinatangay siya ng isang bagyo sa gabi.
Apprehendet eum quasi aqua inopia, nocte opprimet eum tempestas.
21 Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya ay nawawala; tinatangay siya nito mula sa kaniyang lugar.
Tollet eum ventus urens, et auferet, et velut turbo rapiet eum de loco suo.
22 Binabayo siya nito nang walang humpay; sinisikap niyang tumakas mula sa mga kamay nito.
Et mittet super eum, et non parcet: de manu eius fugiens fugiet.
23 Ipinapalakpak nito ang kaniyang mga kamay sa kaniya sa pangungutya; sinasagitsit siya nito mula sa kaniyang lugar.
Stringet super eum manus suas, et sibilabit super illum, intuens locum eius.