< Job 27 >

1 Muling nagsalita si Job at sinabi,
And Job addeth to lift up his simile, and saith: —
2 Habang nabubuhay ang Diyos, na siyang nag-alis ng aking katarungan, ang Makapangyarihan, na may gawa ng kapaitan ko sa aking buhay,
God liveth! He turned aside my judgment, And the Mighty — He made my soul bitter.
3 na habang nasa akin pa ang aking buhay at ang hininga mula sa Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong,
For all the while my breath [is] in me, And the spirit of God in my nostrils.
4 tunay nga hindi magsasalita ng hindi matuwid ang aking mga labi, ni magsasalita ng panlilinlang ang aking dila.
My lips do not speak perverseness, And my tongue doth not utter deceit.
5 Hinding-hindi ko matatanggap na kayo ay tama; hanggang mamatay ako, hindi ko kailanman itatanggi ang aking dangal.
Pollution to me — if I justify you, Till I expire I turn not aside mine integrity from me.
6 Pinaninindigan ko ang aking pagkamatuwid at hindi ko ito bibitiwan; hindi ako susumbatan ng aking mga isipan habang ako ay nabubuhay.
On my righteousness I have laid hold, And I do not let it go, My heart doth not reproach me while I live.
7 Hayaang ang aking kaaway ay maging tulad ng isang masamang tao; hayaang ang lumalaban sa akin ay maging tulad ng isang makasalanang tao.
As the wicked is my enemy, And my withstander as the perverse.
8 Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
For what [is] the hope of the profane, When He doth cut off? When God doth cast off his soul?
9 Maririnig ba ng Diyos ang kaniyang iyak kapag dumating ang kaguluhan sa kaniya?
His cry doth God hear, When distress cometh on him?
10 Kaluluguran ba niya ang Makapangyarihan at tatawag sa Diyos sa lahat ng oras?
On the Mighty doth he delight himself? Call God at all times?
11 Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kamay ng Diyos; hindi ko itatago ang mga isipan ng Makapangyarihan.
I shew you by the hand of God, That which [is] with the Mighty I hide not.
12 Tingnan ninyo, kayong lahat mismo ang nakakita nito; kung gayon bakit ninyo sinabi ang lahat ng mga walang katuturan na ito?
Lo, ye — all of you — have seen, And why [is] this — ye are altogether vain?
13 Ito ang kapalaran na itatakda ng Diyos para sa isang masamang tao, ang pamana na tinatanggap ng nang-aapi mula sa Makapangyarihan:
This [is] the portion of wicked man with God, And the inheritance of terrible ones From the Mighty they receive.
14 Kapag dumami ang kaniyang mga anak, ito ay para sa tabak; ang kaniyang mga anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
If his sons multiply — for them [is] a sword. And his offspring [are] not satisfied [with] bread.
15 Ang mga mananatiling buhay ay ililibing ng salot, at ang kanilang mga biyuda ay hindi magluluksa para sa kanila.
His remnant in death are buried, And his widows do not weep.
16 Kahit na ang masamang tao ay nagtatambak ng pilak na parang alikabok, at nagtatamabk ng kasuotan na parang luwad,
If he heap up as dust silver, And as clay prepare clothing,
17 maaaring magyambak siya ng kasuotan, pero isusuot ito ng mga matutuwid na tao, at paghahati-hatian ng mga inosenteng tao ang pilak.
He prepareth — and the righteous putteth [it] on, And the silver the innocent doth apportion.
18 Tinatayo niya ang kaniyang bahay tulad ng isang gagamba, tulad ng isang kubo na ginagawa ng isang bantay.
He hath built as a moth his house, And as a booth a watchman hath made.
19 Mayaman siyang humihiga sa kama, pero hindi niya laging gagawin ito; imumulat niya ang kaniyang mga mata, at lahat ng bagay ay wala na.
Rich he lieth down, and he is not gathered, His eyes he hath opened, and he is not.
20 Inaabutan siya ng mga malalaking takot tulad ng tubig sa baha; tinatangay siya ng isang bagyo sa gabi.
Overtake him as waters do terrors, By night stolen him away hath a whirlwind.
21 Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya ay nawawala; tinatangay siya nito mula sa kaniyang lugar.
Take him up doth an east wind, and he goeth, And it frighteneth him from his place,
22 Binabayo siya nito nang walang humpay; sinisikap niyang tumakas mula sa mga kamay nito.
And it casteth at him, and doth not spare, From its hand he diligently fleeth.
23 Ipinapalakpak nito ang kaniyang mga kamay sa kaniya sa pangungutya; sinasagitsit siya nito mula sa kaniyang lugar.
It clappeth at him its hands, And it hisseth at him from his place.

< Job 27 >