< Job 26 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
2 Ganoon mo natulungan ang isang walang kapangyarihan! Ganoon mo iniligtas ang bisig na walang kalakasan!
3 Ganoon mo pinayuhan ang isang walang karunungan at ipinahayag sa kaniya ang tamang kaalaman!
4 Kaninong tulong ang tinutukoy mo? Kaninong espiritu ang lumabas mula sa iyo?
5 Tumugon si Bildad, “Ang mga namatay, ang mga kaluluwa, ay nanginginig, ang mga naninirahan sa ilalim ng karagatan.
6 Hubad ang Sheol sa harap ng Diyos; mismong ang pagkawasak ay walang panakip laban sa kaniya. (Sheol )
7 Inuunat niya ang hilaga sa walang laman na kalawakan at ibinibitin ang daigdig sa gitna ng kawalan.
8 Binibigkis niya ang mga tubig sa kaniyang mga makapal na ulap, pero hindi sumasabog ang mga ulap sa ilalim nila.
9 Tinatakpan niya ang mukha ng buwan at inilalatag dito ang kaniyang mga ulap.
10 Umukit siya ng isang pabilog na hangganan sa ibabaw ng mga tubig bilang guhit sa pagitan ng liwanag at kadiliman.
11 Nanginginig ang mga haligi ng langit at nabibigla sa kaniyang pagsasaway.
12 Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab.
13 Sa pamamagitan ng kaniyang hininga, pinagliwanag niya ang kalangitan mula sa mga bagyo; ang mga kalangitan ay pinagliwanag mula sa mga bagyo; sinaksak ng kaniyang kamay ang tumatakas na ahas.
14 Tingnan mo, ang mga ito ay mga palawit lamang ng kaniyang mga pamamaraan; kay hinang bulong ang naririing natin mula sa kaniya! Sino ang makakaunawa sa kulog ng kaniyang kapangyarihan?