< Job 24 >
1 Bakit hindi tinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghahatol sa masasamang tao? Bakit hindi nakikita ng mga tapat sa Diyos ang paparating na panahon ng kaniyang paghuhukom?
Perché non sono dall’Onnipotente fissati dei tempi in cui renda la giustizia? Perché quelli che lo conoscono non veggono quei giorni?
2 Mayroong mga masasama na tinatanggal ang mga hangganan ng tagamarka; mayroong mga masasama na pilit kinukuha ang mga kawan at nilalagay sa sarili nilang mga pastulan.
Gli empi spostano i termini, rapiscono greggi e li menano a pascere;
3 Tinataboy nila ang alagang asno ng mga taong walang ama; kinukuha nila ang kapong baka ng balo bilang kasiguraduhan.
portano via l’asino dell’orfano, prendono in pegno il bove della vedova;
4 Pinapalayas nila ang mga nangangailangan sa kanilang dinaraanan; tinatago ng mga mahihirap sa mundo ang sarili nila mula sa kanila.
mandano via dalla strada i bisognosi, i poveri del paese si nascondo tutti insieme.
5 Tingnan ninyo, pumupunta ang mga mahihirap na ito sa kanilang trabaho gaya ng mga ligaw na asno sa ilang, maingat na naghahanap ng pagkain; marahil pagkakalooban sila ng pagkain ng Araba para sa kanilang mga anak.
Eccoli, che come onàgri del deserto escono al lor lavoro in cerca di cibo; solo il deserto dà pane a’ lor figliuoli.
6 Umaani sa gabi ang mga mahihirap sa palayan ng ibang tao; namumulot sila ng mga ubas mula sa inani ng mga masasama.
Raccolgono nei campi la loro pastura, raspollano nella vigna dell’empio;
7 Buong gabi silang hubad na nakahiga nang walang damit; wala silang panakip sa lamig.
passan la notte ignudi, senza vestito, senza una coperta che li ripari dal freddo.
8 Basa sila ng mga ambon ng mga bundok; nahihiga sila sa tabi ng malalaking bato dahil wala silang masisilungan.
Bagnati dagli acquazzoni di montagna, per mancanza di rifugio, si stringono alle rocce.
9 Mayroong masasama na kinukuha ang mga ulila mula sa dibdib ng kanilang ina, at masasamang tao na kinukuha ang mga bata bilang kasiguraduhan mula sa mga mahihirap.
Ce n’è di quelli che strappano dalla mammella l’orfano, che prendono pegni da poveri!
10 Pero naglilibot ang mga mahihirap nang walang damit; bagaman sila ay nagugutom, dinadala nila ang bungkos ng mga butil ng iba.
E questi se ne vanno, ignudi, senza vestiti; hanno fame, e portano i covoni.
11 Gumagawa ng langis ang mga mahihirap sa loob ng mga pader ng masasama. Tinatapakan nila ang pampiga ng ubas ng masasama, pero sila mismo ay nagdudusa ng kauhawan.
Fanno l’olio nel recinto dell’empio; calcan l’uva nel tino e patiscon la sete.
12 Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
Sale dalle città il gemito de’ morenti; l’anima de’ feriti implora aiuto, e Dio non si cura di codeste infamie!
13 Ang ilan sa masasama ay naghihimagsik laban sa liwanag; hindi nila alam ang pamamaraan nito, ni nagpapatuloy sa daan nito.
Ve ne son di quelli che si ribellano alla luce, non ne conoscono le vie, non ne battono i sentieri.
14 Bumabangon ang mamamatay-tao kasabay ng liwanag; pinapatay niya ang mahihirap at nangangailangan; sa gabi ay tulad siya ng magnanakaw.
L’assassino si leva sul far del giorno, e ammazza il meschino e il povero; la notte fa il ladro.
15 Gayundin, inaabangan ng mata ng nakikiapid ang takipsilim, sinasabi niya, 'Walang mata ang makakakita sa akin'. Tinatago niya ang kaniyang mukha.
L’occhio dell’adultero spia il crepuscolo, dicendo: “Nessuno mi vedrà!” e si copre d’un velo la faccia.
16 Sa kadiliman ay nagbubungkal sa loob ng bahay ang mga masasama; pero kinukulong nila ang kanilang sarili sa araw; wala silang pakialam sa liwanag.
I ladri, di notte, sfondano le case; di giorno, si tengono rinchiusi; non conoscono la luce.
17 Dahil ang umaga para sa kanilang lahat ay gaya ng makapal na kadiliman; maginhawa sila sa mga katakot-takot na mga bagay sa makapal na kadiliman.
Il mattino è per essi come ombra di morte; appena lo scorgono provano i terrori del buio.
18 Pero, mabilis silang lumilipas gaya ng bula sa ibabaw ng mga tubig; may sumpa ang bahagi ng kanilang lupa; walang nagtatrabaho sa kanilang ubasan.
Voi dite: “L’empio è una festuca sulla faccia dell’acque; la sua parte sulla terra è maledetta; non prenderà più la via delle vigne.
19 Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala. (Sheol )
Come la siccità e il calore assorbon le acque della neve, così il soggiorno de’ morti inghiottisce chi ha peccato. (Sheol )
20 Makakalimutan siya ng sinapupunang nagdala sa kaniya; matamis siyang kakainin ng mga uod, hindi na siya maaalala magpakailanman; sa ganitong paraan, mababali ang kasamaan gaya ng puno.
Il seno che lo portò l’oblia; i vermi ne fanno il loro pasto delizioso, nessuno più lo ricorda.
21 Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
L’iniquo sarà troncato come un albero: ei che divorava la sterile, priva di figli, e non faceva del bene alla vedova!”
22 Pero tinatangay ng Diyos ang makapangyarihang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; bumabangon siya at hindi pinalalakas ang kanilang buhay.
Invece, Iddio con la sua forza prolunga i giorni dei prepotenti, i quali risorgono, quand’ormai disperavan della vita.
23 Hinahayaan ng Diyos na isipin nila na ligtas sila, at masaya sila roon, pero ang mata niya ay nasa kanilang mga kinikilos.
Dà loro sicurezza, fiducia, e i suoi occhi vegliano sul loro cammino.
24 Tinatanghal ang mga taong ito; pero, sa ilang sandali lamang, maglalaho sila; tunay nga, ibababa sila; titipunin sila gaya ng ilan; mapuputol sila gaya ng dulo ng butil ng palay.
Salgono in alto, poi scompaiono ad un tratto; cadono, son mietuti come gli altri mortali; son falciati come le spighe del grano maturo.
25 Kung hindi ito totoo, sino ang makapagpapatunay na sinungaling ako; sino ang makapagpapawalang-bisa ng aking mga salita?”
Se così non è, chi mi smentirà, chi annienterà il mio dire?”