< Job 23 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
Respondens autem Job, ait:
2 “Kahit ngayon ay mapait ang aking dinadaing; mas mabigat ang aking paghihirap kaysa sa aking paghihinagpis.
Nunc quoque in amaritudine est sermo meus, et manus plagæ meæ aggravata est super gemitum meum.
3 O, sana alam ko kung saan ko siya matatagpuan! O, sana makalapit ako sa kinaroroonan niya!
Quis mihi tribuat ut cognoscam et inveniam illum, et veniam usque ad solium ejus?
4 Ilalatag ko sa kaniyang harapan ang aking kaso at pupunuin ang aking bibig ng pangangatwiran.
Ponam coram eo judicium, et os meum replebo increpationibus:
5 Matututunan ko ang mga salita na isasagot niya at mauunawaan ko ang sasabihin niya sa akin.
ut sciam verba quæ mihi respondeat, et intelligam quid loquatur mihi.
6 Makikipagtalo ba siya laban sa akin sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi, pakikinggan niya ako.
Nolo multa fortitudine contendat mecum, nec magnitudinis suæ mole me premat.
7 Doon maaaring makipagtalo sa kaniya ang taong matuwid. Sa ganitong paraan mapapawalang-sala ako magpakailanman ng aking hukom.
Proponat æquitatem contra me, et perveniat ad victoriam judicium meum.
8 Tingnan ninyo, pumupunta ako pasilangan, pero wala siya roon, at pumupunta ako pakanluran, pero hindi ko siya maramdaman.
Si ad orientem iero, non apparet; si ad occidentem, non intelligam eum.
9 Sa hilaga, kung saan siya gumagawa, pero hindi ko siya makita, at sa timog, kung saan niya tinatago ang kaniyang sarili para hindi ko siya makita.
Si ad sinistram, quid agam? non apprehendam eum; si me vertam ad dexteram, non videbo illum.
10 Pero alam niya ang daanan na aking tinatahak; kapag sinubukan na niya ako, lilitaw ako tulad ng ginto.
Ipse vero scit viam meam, et probavit me quasi aurum quod per ignem transit.
11 Nanindigan ang aking mga paa sa kaniyang mga yapak; pinanatili ko ang pamamaraan niya at hindi lumihis.
Vestigia ejus secutus est pes meus: viam ejus custodivi, et non declinavi ex ea.
12 Hindi ko tinalikuran ang mga kautusan ng kaniyang mga labi; iningatan ko sa aking puso ang mga salita ng kaniyang bibig.
A mandatis labiorum ejus non recessi, et in sinu meo abscondi verba oris ejus.
13 Pero kakaiba siya, sino ang kayang magpatalikod sa kaniya? Kung ano ang ninanais niya, ginagawa niya.
Ipse enim solus est, et nemo avertere potest cogitationem ejus: et anima ejus quodcumque voluit, hoc fecit.
14 Dahil isinasakatuparan niya ang mga atas niya laban sa akin; marami ang mga tulad nito.
Cum expleverit in me voluntatem suam, et alia multa similia præsto sunt ei.
15 Kaya, natatakot ako sa kaniyang presensiya; kapag iniisip ko siya, natatakot ako sa kaniya.
Et idcirco a facie ejus turbatus sum, et considerans eum, timore sollicitor.
16 Dahil pinahina ng Diyos ang aking puso; sinindak ako ng Makapangyarihan.
Deus mollivit cor meum, et Omnipotens conturbavit me.
17 Hindi dahil sa pinutol ako ng kadiliman, ni tinatakpan ng makapal na kadiliman ang aking mukha.
Non enim perii propter imminentes tenebras, nec faciem meam operuit caligo.