< Job 21 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabing,
约伯回答说:
2 “Pakinggang mabuti ang aking sasabihin, at hayaan ninyong maging tulong ninyo ito sa akin.
你们要细听我的言语, 就算是你们安慰我。
3 Pagtiisan ako, at magsasalita rin ako; pagkatapos kong magsalita, ipagpatuloy ninyo ang inyong panlalait.
请宽容我,我又要说话; 说了以后,任凭你们嗤笑吧!
4 Para sa akin, sa tao ba dapat ako magreklamo? Bakit hindi dapat ako mainip?
我岂是向人诉冤? 为何不焦急呢?
5 Tingnan ninyo ako at mabigla, at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong mga bibig.
你们要看着我而惊奇, 用手捂口。
6 Kapag iniisp ko ang aking mga paghihirap, ako ay nababagabag, at nananaig ang takot sa aking laman.
我每逢思想,心就惊惶, 浑身战兢。
7 Bakit patuloy pang nabubuhay ang masasamang tao, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay?
恶人为何存活, 享大寿数,势力强盛呢?
8 Natatatag ang mga kaapu-apuhan nila sa kanilang paningin, at natatatag ang kanilang mga anak sa harap ng kanilang mga mata.
他们眼见儿孙, 和他们一同坚立。
9 Ligtas ang tahanan nila mula sa takot; kahit sa pamalo ng Diyos sa kanila.
他们的家宅平安无惧; 神的杖也不加在他们身上。
10 Nanganganak ang kanilang mga toro, at hindi nabibigo ang mga ito; nanganganak ang kanilang mga baka at hindi namamatay ang guya nito dahil sa maagang pagkapanganak nito.
他们的公牛孳生而不断绝; 母牛下犊而不掉胎。
11 Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito.
他们打发小孩子出去,多如羊群; 他们的儿女踊跃跳舞。
12 Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.
他们随着琴鼓歌唱, 又因箫声欢喜。
13 Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol. (Sheol )
他们度日诸事亨通, 转眼下入阴间。 (Sheol )
14 Sinasabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo.
他们对 神说:离开我们吧! 我们不愿晓得你的道。
15 Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?'
全能者是谁,我们何必事奉他呢? 求告他有什么益处呢?
16 Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao.
看哪,他们亨通不在乎自己; 恶人所谋定的离我好远。
17 Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masasamang tao, o dumadating ang kapahamakan sa kanila? Gaano kadalas kinakalat ng Diyos ang kalungkutan sa kanila dahil sa kaniyang galit?
恶人的灯何尝熄灭? 患难何尝临到他们呢? 神何尝发怒,向他们分散灾祸呢?
18 Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?
他们何尝像风前的碎秸, 如暴风刮去的糠秕呢?
19 Sinasabi ninyo, 'Nilalaan ng Diyos ang kasalanan ng tao para pagbayaran ng kaniyang mga anak'. Hayaan mo siyang pagbayaran ito mismo, para malaman niya kung ano ang kasalanan niya.
你们说: 神为恶人的儿女积蓄罪孽; 我说:不如本人受报,好使他亲自知道。
20 Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan.
愿他亲眼看见自己败亡, 亲自饮全能者的忿怒。
21 Dahil ano ang pakialam niya sa kaniyang pamilya kapag naputol na ang kaniyang mga araw?
他的岁月既尽, 他还顾他本家吗?
22 Mayroon bang makapagtuturo ng kaalaman sa Diyos dahil siya ang humahatol kahit ng mga nasa nakatataas?
神既审判那在高位的, 谁能将知识教训他呢?
23 Namamatay ang isang tao habang malakas pa siya, nang payapa at panatag.
有人至死身体强壮, 尽得平靖安逸;
24 Puno ang katawan niya ng gatas, at matibay ang kaniyang mga buto at nasa mabuting kalagayan.
他的奶桶充满, 他的骨髓滋润。
25 Ang iba naman ay namamatay nang may kapaitan sa kaniyang kaluluwa, ang siyang hindi pa nakararanas ng kahit anong mabuti.
有人至死心中痛苦, 终身未尝福乐的滋味;
26 Pareho silang nahihiga sa alikabok; pareho silang binabalutan ng mga uod.
他们一样躺卧在尘土中, 都被虫子遮盖。
27 Tingnan ninyo, alam ko ang nasa isip ninyo, alam ko ang mga paraan kung paano ninyo ako nais hamakin.
我知道你们的意思, 并诬害我的计谋。
28 Dahil sinasabi ninyo, 'Nasaan na ngayon ang tahanan ng prinsipe? Nasaan na ang tolda na minsang pinapamahayan ng masama?'
你们说:霸者的房屋在哪里? 恶人住过的帐棚在哪里?
29 Hindi ninyo pa ba tinatanong ang mga manlalakbay? Hindi ninyo ba alam ang katibayan na kaya nilang sabihin,
你们岂没有询问过路的人吗? 不知道他们所引的证据吗?
30 na ang masamang tao ay iniingatan mula sa araw ng kapahamakan, at nilalayo siya mula sa araw ng poot?
就是恶人在祸患的日子得存留, 在发怒的日子得逃脱。
31 Sino ang hahatol sa kaniya nang harapan dahil sa masasama niyang pamamaraan? Sino ang maghihiganti sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginawa?
他所行的,有谁当面给他说明? 他所做的,有谁报应他呢?
32 Pero ililibing siya; babantayan ng mga tao ang kaniyang puntod.
然而他要被抬到茔地; 并有人看守坟墓。
33 Magiging matamis sa kaniya ang mga tipak ng lambak; susundan siya ng lahat ng mga tao, dahil hindi mabilang ang tao na nauna sa kaniya.
他要以谷中的土块为甘甜; 在他以先去的无数, 在他以后去的更多。
34 Paano ninyo ako ngayon aaliwin sa pamamagitan ng walang kabuluhan, dahil walang mabuti sa mga sagot ninyo kung hindi puro kasinungalingan?”
你们对答的话中既都错谬, 怎么徒然安慰我呢?