< Job 20 >
1 Pagkatapos sumagot si Zofar ang taga-Naaman,
Zophar aus Naama antwortete und sprach:
2 “Mabilis akong pinapasagot ng aking kaisipan dahil sa aking pag-aalala.
Darum antworten mir meine Gedanken, und weil es in mir mächtig stürmt:
3 Nakarinig ako mula sa iyo ng isang pagsaway na nagpahiya sa akin, pero tinutugon ako ng espiritu na higit sa aking pang-unawa.
mich beschimpfende Rüge muß ich hören, und der Geist giebt mir Antwort aus meiner Einsicht.
4 Hindi mo ba alam ang katotohanan na ito noong sinaunang panahon, nang nilagay ng Diyos ang tao sa lupa:
Kennst du denn nicht die alte Wahrheit - so alt, als Menschen auf der Erde leben, -
5 saglit lang ang katagumpayan ng masama, at ang kagalakan ng taong hindi naniniwala diyos ay hindi nagtatagal?
daß der Gottlosen Jubel nicht lange währt, und des Ruchlosen Freude nur einen Augenblick?
6 Bagaman umabot sa kalangitan ang tangkad niya, at umabot ang ulo niya sa kaulapan,
Oba auch sein hoher Mut sich bis zum Himmel erhebt, und sein Haupt bis an die Wolken reicht,
7 pero maglalaho ang taong iyon katulad ng kaniyang dumi; sasabihin ng mga nakakita sa kaniya, 'Nasaan siya?'
gleich seinem Kote schwindet er für immer; die ihn sahen, sprechen: Wo ist er?
8 Lilipad siya palayo tulad ng panaginip at hindi na masusumpungan; itataboy siya palayo katulad ng pangitain sa gabi.
Wie ein Traum verfliegt er spurlos und wird verscheucht wie ein Nachtgesicht.
9 Hindi na siya muling makikita ng mga mata na nakakita sa kaniya; hindi na siya muling makikita ng pinanggalingan niya.
Das Auge, das ihn geschaut, schaut ihn nicht wieder, und seine Stätte sieht ihn nimmermehr.
10 Hihingi ng kapatawaran ang mga anak niya sa mga dukha, ibabalik ng mga kamay niya ang kaniyang kayamanan.
Seine Kinder müssen die Armen begütigen, seine Hände das Gut herausgeben.
11 Puno ng kasiglahan ang kaniyang mga buto, pero kasama niya itong hihiga sa kaniya sa alabok.
Ist auch sein Gebein voll Jugendkraft, sie muß sich mit ihm in die Erde betten.
12 Bagaman matamis ang kasamaan sa kaniyang bibig, bagaman itinatago niya ito sa ilalim ng kaniyang dila,
Wenn seinem Munde süß das Böse schmeckt, wenn er es unter seiner Zunge birgt,
13 bagaman pinipigilan niya ito at hindi pinapakawalan pero pinapanatili pa rin ito sa kaniyang bibig—
es spart und nicht fahren lassen will und es inmitten seines Gaumens zurückhält:
14 magiging mapait ang pagkain sa kaniyang bituka, magiging kamandag ito ng mga ahas sa loob niya.
seine Speise verwandelt sich in seinen Eingeweiden, - zu Natterngalle in seinem Inneren.
15 Nilulunok niya ang kaniyang mga kayamanan, pero isusuka niya ulit ito; palalabasin ito ng Diyos mula sa kaniyang tiyan.
Hab und Gut verschlang er - er muß es ausspeien: aus seinem Bauche treibt es Gott.
16 Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
Natterngift sog er ein, es tötet ihn der Viper Zunge.
17 Hindi siya mabubuhay para magalak sa panonood ng mga ilog at dumadaloy na agos ng pulot at mantikilya.
Nicht darf er sich der Bäche freun, der flutenden Ströme von Honig und Dickmilch.
18 Pagbabayaran niya ang kaniyang mga pinaghirapan; hindi niya ito lulunukin; hindi siya magagalak sa kayamanan na nakuha niya.
Heraus giebt er das Erarbeitete, verschluckt es nicht, des eingetauschten Guts wird er nicht froh.
19 Dahil inapi niya at pinabayaan ang mga dukha; sapilitan niyang inagaw ang mga bahay na hindi niya itinayo.
Denn er schlug Arme nieder, ließ sie liegen - ein Haus riß er an sich, aber er baut es nicht aus.
20 Dahil hindi siya makahanap ng kasiyahan sa kaniyang sarili, hindi niya maliligtas ang kahit anong bagay na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan.
Denn er kannte keine Ruhe in seinem Bauche; doch mit dem, woran er hängt, entkommt er nicht.
21 Walang naiwang bagay ang hindi niya nilamon; kaya hindi magtatagal ang kaniyang kasaganaan.
Nichts entging seiner Gier, darum hat sein Gut keinen Bestand.
22 Sa kasaganaan ng kaniyang kayamanan siya ay mahuhulog sa kaguluhan; darating sa kaniya ang kamay ng lahat ng nasa kahirapan.
In der Fülle seines Überflusses wird ihm Angst, die ganze Gewalt des Elends kommt über ihn.
23 Kapag naghahanda na siyang magpakabusog, ibubuhos ng Diyos ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon; papaulanin niya ito sa kaniya habang kumakain siya.
Dann geschieht's: um seinen Bauch zu füllen, entsendet er in ihn seines Zornes Glut und läßt auf ihn regnen in sein Gedärm hinein.
24 Bagaman tatakas ang taong iyon sa bakal na sandata, patatamaan siya ng isang tanso na pana.
Flieht er vor der eisernen Rüstung, so durchbohrt ihn der eherne Bogen.
25 Tatagos ang palaso mula sa likod niya; tunay nga, lalabas mula sa atay niya ang kumikinang na dulo nito; katakot-takot na mga bagay ang darating sa kaniya.
Er sieht, da kommt's aus dem Rücken, und der blitzende Stahl geht aus seiner Galle - über ihm lagern Schrecken!
26 Nakalaan ang ganap na kadiliman para sa kaniyang mga kayamanan; lalamunin siya ng apoy na hindi naapula; lalamunin nito kung ano ang nalabi sa kaniyang tolda.
Alles Unglück ist aufgespart seinen Schätzen, ein Feuer verzehrt ihn, das nicht angefacht ward; es weidet ab den Überrest in seinem Zelt.
27 Ipapakita ng kalangitan ang kaniyang mga kasalanan, at babangon ang kalupaan laban sa kaniya bilang isang saksi.
Der Himmel deckt seine Schuld auf, und die Erde erhebt sich feindselig wider ihn.
28 Maglalaho ang kayamanan ng kaniyang bahay; aanurin ang kaniyang mga kalakal sa araw ng poot ng Diyos.
Ins Elend geht seines Hauses Ertrag, zerrinnendes Wasser an seinem Zornestag.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Diyos, ang pamana ng Diyos na nakalaan para sa kaniya.”
Das ist das Los des gottlosen Menschen von seiten Gottes, und das Erbteil das ihm vom Höchsten beschieden ward!