< Job 2 >

1 Muling dumating ang araw para humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, pumunta rin si Satanas para iharap ang kaniyang sarili kay Yahweh.
또 하루는 하나님의 아들들이 와서 여호와 앞에 서고 사단도 그들 가운데 와서 여호와 앞에 서니
2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, “Saan ka naman nanggaling ngayon?” Sumagot si Satanas, “Galing ako sa paglalakad sa lupa nang pabalik-balik.”
여호와께서 사단에게 이르시되 네가 어디서 왔느냐? 사단이 여호와께 대답하여 가로되 `땅에 두루 돌아 여기 저기 다녀 왔나이다'
3 Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan.”
여호와께서 사단에게 이르시되 네가 내 종 욥을 유의하여 보았느냐? 그와 같이 순전하고 정직하여 하나님을 경외하며 악에서 떠난 자가 세상에 없느니라 네가 나를 격동하여 까닭없이 그를 치게 하였어도 그가 오히려 자기의 순전을 굳게 지켰느니라
4 Sumagot si Satanas kay Yahweh at sinabing, “Balat sa balat naman; kayang ibigay ng tao ang lahat-lahat ng pag-aari niya para lamang siya mabuhay.
사단이 여호와께 대답하여 가로되 `가죽으로 가죽을 바꾸오니 사람이 그 모든 소유물로 자기의 생명을 바꾸올지라
5 Pero subukan mong iunat ang iyong kamay at galawin ang kaniyang mga buto at katawan, tingnan mo kung hindi ka niya isumpa nang harapan.”
이제 주의 손을 펴서 그의 뼈와 살을 치소서 그리하시면 정녕 대면하여 주를 욕하리이다'
6 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, “Sige, siya ay nasa iyong mga kamay, pero huwag mo lang siyang babawian ng buhay.”
여호와께서 사단에게 이르시되 내가 그를 네 손에 붙이노라 오직 그의 생명은 해하지 말지니라!
7 Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan.
사단이 이에 여호와 앞에서 물러가서 욥을 쳐서 그 발바닥에서 정수리까지 악창이 나게 한지라
8 Pumulot si Job ng isang piraso ng basag na palayok para kayurin ang sarili gamit nito, saka siya umupo sa ibabaw ng mga abo.
욥이 재 가운데 앉아서 기와 조각을 가져다가 몸을 긁고 있더니
9 Saka sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, “Panghahawakan mo pa rin ba ang iyong integridad? Isumpa mo na ang Diyos at mamatay ka na.”
그 아내가 그에게 이르되 `당신이 그래도 자기의 순전을 굳게 지키느뇨 하나님을 욕하고 죽으라'
10 Pero sinabi niya sa kaniyang asawa, “Kung makapagsalita ka parang wala kang isip, hindi mo ba naisip na hindi lang kabutihan ang maaari nating maranasan sa kamay ng Diyos at maaari rin tayong makaranas ng masama?” Sa lahat ng pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job sa kaniyang mga labi.
그가 이르되 `그대의 말이 어리석은 여자 중 하나의 말 같도다 우리가 하나님께 복을 받았은즉 재앙도 받지 아니하겠느뇨' 하고 이 모든 일에 욥이 입술로 범죄치 아니하니라
11 Ngayon naman, nabalitaan ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat ng masamang nangyari sa kaniya, nilisan nila ang kani-kanilang lugar para puntahan si Job: Si Eliphaz na Temaneo, Bildad na Shuhita, at Zophar na Naamita. Naglaan sila ng panahon para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya.
때에 욥의 친구 세 사람이 그에게 이 모든 재앙이 임하였다 함을 듣고 각각 자기 처소에서부터 이르렀으니 곧 데만 사람 엘리바스와 수아 사람 빌닷과 나아마 사람 소발이라 그들이 욥을 조문하고 위로하려 하여 상약하고 오더니
12 Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
눈을 들어 멀리 보매 그 욥인 줄 알기 어렵게 되었으므로 그들이 일제히 소리질러 울며 각각 자기의 겉옷을 찢고 하늘을 향하여 티끌을 날려 자기 머리에 뿌리고
13 Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
칠일 칠야를 그와 함께 땅에 앉았으나 욥의 곤고함이 심함을 보는고로 그에게 한 말도 하는 자가 없었더라

< Job 2 >