< Job 2 >

1 Muling dumating ang araw para humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, pumunta rin si Satanas para iharap ang kaniyang sarili kay Yahweh.
And there came a certain day when the sons of God entered in, to present themselves unto Yahweh—so the accuser also entered in their midst, to present himself unto Yahweh.
2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, “Saan ka naman nanggaling ngayon?” Sumagot si Satanas, “Galing ako sa paglalakad sa lupa nang pabalik-balik.”
And Yahweh said unto the accuser, Whence comest thou? And the accuser answered Yahweh, and said, From going to and fro in the earth, and from wandering about therein.
3 Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan.”
And Yahweh said unto the accuser, Hast thou applied thy heart unto my servant Job, that there is none like him in the earth, a man blameless and upright, one who revereth God, and avoideth evil; and still he is holding fast his integrity, although thou movedst me against him, to swallow him up without cause.
4 Sumagot si Satanas kay Yahweh at sinabing, “Balat sa balat naman; kayang ibigay ng tao ang lahat-lahat ng pag-aari niya para lamang siya mabuhay.
Then the accuser answered Yahweh, and said, Skin for skin, and so, all that a man hath, will he give for his life.
5 Pero subukan mong iunat ang iyong kamay at galawin ang kaniyang mga buto at katawan, tingnan mo kung hindi ka niya isumpa nang harapan.”
In very deed, put forth, I pray thee thy hand, and smite unto his bone, and unto his flesh, —verily, unto thy face, will he curse thee.
6 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, “Sige, siya ay nasa iyong mga kamay, pero huwag mo lang siyang babawian ng buhay.”
And Yahweh said unto the accuser, Behold him! in thy hand, —only, his life, preserve thou!
7 Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan.
So the accuser went forth from the presence of Yahweh, —and smote Job with a sore boil, from the sole of his foot, unto his crown.
8 Pumulot si Job ng isang piraso ng basag na palayok para kayurin ang sarili gamit nito, saka siya umupo sa ibabaw ng mga abo.
And he took him a potsherd, to scrape himself therewith; he being seated in the midst of ashes.
9 Saka sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, “Panghahawakan mo pa rin ba ang iyong integridad? Isumpa mo na ang Diyos at mamatay ka na.”
Then said his wife unto him, Art thou still holding fast thine integrity? Curse God, and die!
10 Pero sinabi niya sa kaniyang asawa, “Kung makapagsalita ka parang wala kang isip, hindi mo ba naisip na hindi lang kabutihan ang maaari nating maranasan sa kamay ng Diyos at maaari rin tayong makaranas ng masama?” Sa lahat ng pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job sa kaniyang mga labi.
And he said unto her, As one of the base women speaketh, speakest thou? Blessing, shall we accept from God, and, misfortune, shall we not accept? In all this, Job sinned not with his lips.
11 Ngayon naman, nabalitaan ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat ng masamang nangyari sa kaniya, nilisan nila ang kani-kanilang lugar para puntahan si Job: Si Eliphaz na Temaneo, Bildad na Shuhita, at Zophar na Naamita. Naglaan sila ng panahon para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya.
Now when the three friends of Job heard of all this misfortune which had befallen him, —they came, every man from his own place, Eliphaz the Temanite, and Bildad the Shuhite, and Zophar the Naamathite, —for they had by appointment met together to come to shew sympathy with him, and to comfort him.
12 Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
And, when they lifted up their eyes afar off, and knew him not, they lifted up their voice, and wept—and rent, every one his robe, and sprinkled dust upon their heads, toward the heavens.
13 Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
And they sat with him upon the ground, seven days and seven nights, —and none was speaking unto him a word, for they saw that, exceeding great, was the stinging pain.

< Job 2 >