< Job 19 >

1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
Respondens autem Job, dixit:
2 “Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan at babasagin ng pira-piraso na may mga salita?
[Usquequo affligitis animam meam, et atteritis me sermonibus?
3 Sampung beses ninyo na akong pinagsasabihan; hindi kayo nahihiya na pinagmamalupitan ninyo ako.
En decies confunditis me, et non erubescitis opprimentes me.
4 Kung totoo nga na nagkasala ako, mananatiling panagutan ko ang aking pagkakamali.
Nempe etsi ignoravi, mecum erit ignorantia mea.
5 Kung totoo nga na magmamalaki kayo laban sa akin at mapaniwala ang lahat ng mga tao na nagkasala ako,
At vos contra me erigimini, et arguitis me opprobriis meis.
6 kung gayon dapat alam ninyo na ginawan ako ng mali ng Diyos at nahuli ako sa kaniyang lambat.
Saltem nunc intelligite quia Deus non æquo judicio afflixerit me, et flagellis suis me cinxerit.
7 Tingnan ninyo, sumisigaw ako na ginawan ako ng mali, pero hindi ako narinig; nanawagan ako ng tulong, pero walang katarungan.
Ecce clamabo, vim patiens, et nemo audiet; vociferabor, et non est qui judicet.
8 Pinaderan niya ang aking daanan para hindi ako makatawid, at pinadilim niya ang aking nilalakaran.
Semitam meam circumsepsit, et transire non possum: et in calle meo tenebras posuit.
9 Hinubad niya ang aking karangalan, at kinuha niya ang korona mula sa ulo ko.
Spoliavit me gloria mea, et abstulit coronam de capite meo.
10 Giniba niya ako sa bawat dako, at naglaho na ako; binunot niya ang aking mga pag-asa katulad ng isang puno.
Destruxit me undique, et pereo: et quasi evulsæ arbori abstulit spem meam.
11 Pinasiklab din niya ang kaniyang galit laban sa akin; tinuturing niya ako bilang isa sa kaniyang mga kaaway.
Iratus est contra me furor ejus, et sic me habuit quasi hostem suum.
12 Nagtitipon ang mga hukbo niya, nagtayo sila ng tungtungan na panlusob laban sa akin at nagkampo sa paligid ng aking tolda.
Simul venerunt latrones ejus, et fecerunt sibi viam per me, et obsederunt in gyro tabernaculum meum.
13 Nilayo niya mula sa akin ang mga kapatid ko, nilayo niya ako mula sa aking mga kakilala.
Fratres meos longe fecit a me, et noti mei quasi alieni recesserunt a me.
14 Binigo ako ng aking mga kamag-anak; kinalimutan na ako ng malapit kong mga kaibigan.
Dereliquerunt me propinqui mei, et qui me noverant obliti sunt mei.
15 Ang mga taong minsang tumuloy sa bahay ko bilang panauhin pati na ang mga lingkod kong babae ay itinuring akong ibang tao; isa akong dayuhan sa paningin nila.
Inquilini domus meæ et ancillæ meæ sicut alienum habuerunt me, et quasi peregrinus fui in oculis eorum.
16 Nananawagan ako sa aking lingkod, pero hindi niya ako tinutugon kahit na nagmamakaawa ako sa pamamagitan ng aking bibig.
Servum meum vocavi, et non respondit: ore proprio deprecabar illum.
17 Nakasusulasok sa asawa ko ang aking paghinga; nakapandidiri ang aking panawagan sa sariling kong mga kapatid na lalaki at babae.
Halitum meum exhorruit uxor mea, et orabam filios uteri mei.
18 Kahit ang mga bata ay kinasusuklaman ako; kung babangon ako para magsalita, pinagsasalitaan nila ako.
Stulti quoque despiciebant me: et cum ab eis recessissem, detrahebant mihi.
19 Kinamumuhian ako ng lahat ng aking mga kaibigan; tinalikuran ako ng lahat ng mga minamahal ko.
Abominati sunt me quondam consiliarii mei, et quem maxime diligebam, aversatus est me.
20 Nakakapit ang mga buto ko sa aking balat at laman; buto't balat na lamang ang natitira sa akin.
Pelli meæ, consumptis carnibus, adhæsit os meum, et derelicta sunt tantummodo labia circa dentes meos.
21 Maawa kayo sa akin, maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil hinawakan ako ng kamay ng Diyos. Bakit ninyo ako inaapi na parang kayo ang Diyos?
Miseremini mei, miseremini mei saltem vos, amici mei, quia manus Domini tetigit me.
22 Bakit hindi pa kayo nasisiyahan sa pag-ubos ng laman ko?
Quare persequimini me sicut Deus, et carnibus meis saturamini?
23 O, sana ay maisulat na ngayon ang mga sinasabi ko! O, sana maitala sa aklat ang mga ito!
Quis mihi tribuat ut scribantur sermones mei? quis mihi det ut exarentur in libro
24 O, sana ay magpakailanmang maiukit ito ng bakal na panulat at tingga sa isang bato!
stylo ferreo et plumbi lamina, vel celte sculpantur in silice?
25 Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;
Scio enim quod redemptor meus vivit, et in novissimo die de terra surrecturus sum:
26 pagkatapos mawasak ang balat ko, iyon ay, ang aking katawan, saka makikita ko ang Diyos sa aking pangangatawan.
et rursum circumdabor pelle mea, et in carne mea videbo Deum meum:
27 Makikita ko siya, ako mismo ang makakakita sa kaniya sa aking tabi; makikita siya ng aking mga mata, at hindi bilang isang dayuhan. Bibigay ang lamang-loob ko.
quem visurus sum ego ipse, et oculi mei conspecturi sunt, et non alius: reposita est hæc spes mea in sinu meo.
28 Kung sinasabi ninyo, 'Paano natin siya pahihirapan! Nasa kaniya ang ugat ng kaniyang mga kaguluhan',
Quare ergo nunc dicitis: Persequamur eum, et radicem verbi inveniamus contra eum?
29 matakot kayo sa espada, dahil ang poot ang nagdadala ng kaparusahan ng espada, para malaman ninyo na mayroong paghahatol.”
Fugite ergo a facie gladii, quoniam ultor iniquitatum gladius est: et scitote esse judicium.]

< Job 19 >