< Job 19 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
そこでヨブは答えて言った、
2 “Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan at babasagin ng pira-piraso na may mga salita?
「あなたがたはいつまでわたしを悩まし、言葉をもってわたしを打ち砕くのか。
3 Sampung beses ninyo na akong pinagsasabihan; hindi kayo nahihiya na pinagmamalupitan ninyo ako.
あなたがたはすでに十度もわたしをはずかしめ、わたしを悪くあしらってもなお恥じないのか。
4 Kung totoo nga na nagkasala ako, mananatiling panagutan ko ang aking pagkakamali.
たといわたしが、まことにあやまったとしても、そのあやまちは、わたし自身にとどまる。
5 Kung totoo nga na magmamalaki kayo laban sa akin at mapaniwala ang lahat ng mga tao na nagkasala ako,
もしあなたがたが、まことにわたしに向かって高ぶり、わたしの恥を論じるならば、
6 kung gayon dapat alam ninyo na ginawan ako ng mali ng Diyos at nahuli ako sa kaniyang lambat.
『神がわたしをしえたげ、その網でわたしを囲まれたのだ』と知るべきだ。
7 Tingnan ninyo, sumisigaw ako na ginawan ako ng mali, pero hindi ako narinig; nanawagan ako ng tulong, pero walang katarungan.
見よ、わたしが『暴虐』と叫んでも答えられず、助けを呼び求めても、さばきはない。
8 Pinaderan niya ang aking daanan para hindi ako makatawid, at pinadilim niya ang aking nilalakaran.
彼はわたしの道にかきをめぐらして、越えることのできないようにし、わたしの行く道に暗やみを置かれた。
9 Hinubad niya ang aking karangalan, at kinuha niya ang korona mula sa ulo ko.
彼はわたしの栄えをわたしからはぎ取り、わたしのこうべから冠を奪い、
10 Giniba niya ako sa bawat dako, at naglaho na ako; binunot niya ang aking mga pag-asa katulad ng isang puno.
四方からわたしを取りこわして、うせさせ、わたしの望みを木のように抜き去り、
11 Pinasiklab din niya ang kaniyang galit laban sa akin; tinuturing niya ako bilang isa sa kaniyang mga kaaway.
わたしに向かって怒りを燃やし、わたしを敵のひとりのように思われた。
12 Nagtitipon ang mga hukbo niya, nagtayo sila ng tungtungan na panlusob laban sa akin at nagkampo sa paligid ng aking tolda.
その軍勢がいっせいに来て、塁を築いて攻め寄せ、わたしの天幕のまわりに陣を張った。
13 Nilayo niya mula sa akin ang mga kapatid ko, nilayo niya ako mula sa aking mga kakilala.
彼はわたしの兄弟たちをわたしから遠く離れさせられた。わたしを知る人々は全くわたしに疎遠になった。
14 Binigo ako ng aking mga kamag-anak; kinalimutan na ako ng malapit kong mga kaibigan.
わたしの親類および親しい友はわたしを見捨て、
15 Ang mga taong minsang tumuloy sa bahay ko bilang panauhin pati na ang mga lingkod kong babae ay itinuring akong ibang tao; isa akong dayuhan sa paningin nila.
わたしの家に宿る者はわたしを忘れ、わたしのはしためらはわたしを他人のように思い、わたしは彼らの目に他国人となった。
16 Nananawagan ako sa aking lingkod, pero hindi niya ako tinutugon kahit na nagmamakaawa ako sa pamamagitan ng aking bibig.
わたしがしもべを呼んでも、彼は答えず、わたしは口をもって彼に請わなければならない。
17 Nakasusulasok sa asawa ko ang aking paghinga; nakapandidiri ang aking panawagan sa sariling kong mga kapatid na lalaki at babae.
わたしの息はわが妻にいとわれ、わたしは同じ腹の子たちにきらわれる。
18 Kahit ang mga bata ay kinasusuklaman ako; kung babangon ako para magsalita, pinagsasalitaan nila ako.
わらべたちさえもわたしを侮り、わたしが起き上がれば、わたしをあざける。
19 Kinamumuhian ako ng lahat ng aking mga kaibigan; tinalikuran ako ng lahat ng mga minamahal ko.
親しい人々は皆わたしをいみきらい、わたしの愛した人々はわたしにそむいた。
20 Nakakapit ang mga buto ko sa aking balat at laman; buto't balat na lamang ang natitira sa akin.
わたしの骨は皮と肉につき、わたしはわずかに歯の皮をもってのがれた。
21 Maawa kayo sa akin, maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil hinawakan ako ng kamay ng Diyos. Bakit ninyo ako inaapi na parang kayo ang Diyos?
わが友よ、わたしをあわれめ、わたしをあわれめ、神のみ手がわたしを打ったからである。
22 Bakit hindi pa kayo nasisiyahan sa pag-ubos ng laman ko?
あなたがたは、なにゆえ神のようにわたしを責め、わたしの肉をもって満足しないのか。
23 O, sana ay maisulat na ngayon ang mga sinasabi ko! O, sana maitala sa aklat ang mga ito!
どうか、わたしの言葉が、書きとめられるように。どうか、わたしの言葉が、書物にしるされるように。
24 O, sana ay magpakailanmang maiukit ito ng bakal na panulat at tingga sa isang bato!
鉄の筆と鉛とをもって、ながく岩に刻みつけられるように。
25 Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;
わたしは知る、わたしをあがなう者は生きておられる、後の日に彼は必ず地の上に立たれる。
26 pagkatapos mawasak ang balat ko, iyon ay, ang aking katawan, saka makikita ko ang Diyos sa aking pangangatawan.
わたしの皮がこのように滅ぼされたのち、わたしは肉を離れて神を見るであろう。
27 Makikita ko siya, ako mismo ang makakakita sa kaniya sa aking tabi; makikita siya ng aking mga mata, at hindi bilang isang dayuhan. Bibigay ang lamang-loob ko.
しかもわたしの味方として見るであろう。わたしの見る者はこれ以外のものではない。わたしの心はこれを望んでこがれる。
28 Kung sinasabi ninyo, 'Paano natin siya pahihirapan! Nasa kaniya ang ugat ng kaniyang mga kaguluhan',
あなたがたがもし『われわれはどうして彼を責めようか』と言い、また『事の根源は彼のうちに見いだされる』と言うならば、
29 matakot kayo sa espada, dahil ang poot ang nagdadala ng kaparusahan ng espada, para malaman ninyo na mayroong paghahatol.”
つるぎを恐れよ、怒りはつるぎの罰をきたらすからだ。これによって、あなたがたは、さばきのあることを知るであろう」。