< Job 17 >
1 Ang aking espiritu ay naubos, at ang aking mga araw ay tapos na; handa na ang libingan para sa akin.
2 Tunay nga na mayroong mangungutyang kasama ko; lagi ko dapat makita ang kanilang pagtatangka.
3 Ibigay ngayon ang isang pangako, maging isang tagapanagot para sa akin sa iyong sarili; sino pa roon ang tutulong sa akin?
4 Dahil sa iyo, O Diyos, iningatan mo ang kanilang mga puso na maunawaan ito; kaya, hindi mo sila maitatas nang higit sa akin.
5 Siyang bumabatikos sa kaniyang mga kaibigan para sa isang gantimpala, sa mata ng kaniyang mga anak ay hindi magtatagumpay.
6 Pero ginawa niya akong isang usap-usapan ng mga tao; dinuraan nila ang aking mukha.
7 Malabo na rin ang aking mata dahil sa kalungkutan; payat na ang buong katawan ko gaya ng mga anino.
8 Sinisindak nito ang mga matutuwid; ang inosente ay ginugulo ang kaniyang sarili laban sa taong hindi maka-diyos.
9 Nag-iingat ang taong matuwid sa kaniyang landas; siyang may malinis na mga kamay ay lalakas nang lalakas.
10 Pero para sa inyong lahat, halika ka ngayon; hindi ako makakakita ng matalinong tao sa kalagitnaan ninyo.
11 Lumipas na ang mga araw ko, tapos na ang mga plano ko, kahit ang mga kahilingan ng aking puso.
12 Ang mga taong ito, ang mga mangungutya, pinalitan ang gabi ng araw; ang liwanag, sinabi nila, malapit na sa kadiliman.
13 Nang tumingin ako sa sheol bilang aking tahanan; mula nang lumaganap ang aking higaan sa kadiliman; (Sheol )
14 mula nang sinabi ko sa hukay, 'ikaw ang aking ama,' at sa uod, 'ikaw ang aking ina o aking kapatid na babae,'
15 nasaan na ngayon ang aking pag-asa?, dahil sa aking pag-asa, sinong makakakita ng anuman?
16 Ang pag-asa ba ay bababa sa tarangkahan ng sheol kapag kami ay pumanaog sa alabok? (Sheol )