< Job 16 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 “Narinig ko ang maraming ganoong mga bagay; kayong lahat ay nakakainis na mga tagapag-aliw.
Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
3 May katapusan ba ang mga walang saysay na mga salita? Ano ang nangyayari sa iyo na ganito ang iyong sagot?
Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
4 Maaari din akong magsalita tulad ng ginagawa mo, kung ikaw ay nasa aking kinalalagyan; maaari kong tipunin at pagsama-samahin ang mga salita laban sa iyo at ilingin ang aking ulo sa iyo nang may pangungutya.
Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
5 O, paano ko palalakasin ang loob mo gamit ang aking bibig! Paano ko mapapagaan ang iyong pighati gamit ang aking mga labi!
Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
6 Kung magsasalita ako, ang aking pighati ay hindi mababawasan; kung hindi ako magsasalita, paano ako matutulungan?
Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
7 Pero ngayon, O Diyos, pinahirapan mo ako; pinabayaan mo ang buong pamilya ko.
Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong.
8 Ginawa mo akong matuyo, na sa sarili nito ay isang saksi laban sa akin; ang pagpayat ng aking katawan ay tumatayo laban sa akin, at nagpapatotoo ito laban sa aking mukha.
At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha.
9 Sa matinding galit ng Diyos nilupig at inusig niya ako; nagngangalit siya sa akin gamit ang kaniyang ngipin; ipinako ng kaaway ang kaniyang paningin sa akin habang sinisira niya ako.
Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 Napanganga sa akin ang mga tao; sinampal niya ako nang may mapanisi sa pisngi; sila ay nagsama-samang nagtipon laban sa akin.
Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinigay ako ng Diyos sa taong hindi maka-diyos, at inihagis ako sa kamay ng masamang tao.
Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Nasa kaginhawahan ako at sinira niya ako. Tunay nga, hinalbot ako sa leeg at binasag ako ng pira-piraso; inilagay niya rin ako bilang kaniyang puntirya.
Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya.
13 Pinalibutan ako ng kaniyang tagapana; O Diyos tinusok mo ang aking laman-loob at hindi ako kinaawaan; pinalabas niya ang aking bituka sa lupa.
Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Dinurog niya ng paulit-ulit ang aking pader; tumakbo siya tulad ng isang mandirigma.
Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Tinahi ko ang sako sa aking balat; sinaksak ko sa lupa ang aking sungay.
Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Mamula-mula ang aking mukha sa pag-iyak; nasa pilik-mata ko ang anino ng kamatayan
Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
17 bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking panalangin ay dalisay.
Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis,
18 O lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo; hayaan ang aking iyak ay walang lugar ng kapahingahan.
Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing.
19 Kahit ngayon, tingnan mo, ang aking saksi ay nasa langit; siyang mananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Hinahamak ako ng aking mga kaibigan, pero umiiyak ko sa Diyos.
Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
21 Hiniling ko sa saksi ng kalangitang iyon na makipagtalo para sa taong ito kasama ang Diyos tulad ng isang tao na ginagawa sa kaniyang kapwa!
Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
22 Nang lumipas ang ilang taon, pupunta ako sa isang lugar na hindi na ako babalik.
Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.