< Job 15 >
1 Pagkatapos sumagot si Elifaz ang Temanita at sinabi,
2 Nararapat bang sumagot ang isang matalinong tao nang walang kabuluhang kaalaman at pupunuin ba ng kaniyang sarili ng hanging silangan?
3 Nararapat ba siyang magdahilan nang walang pakinabang na pakikipag-usap o mga pananalita na maaaring hindi makakagawa sa kaniya ng mabuti?
4 Tunay nga, inalis mo ang paggalang para sa Diyos; pinigilan mo ang debosyon para sa kaniya,
5 dahil ang iyong kasalanan ang nagtuturo sa iyong bibig; pinili mong magkaroon ka ng dila ng isang taong mapanlinlang.
6 Ang sarili mong bibig ang sumusumpa sa iyo, hindi sa akin; sa katunayan nga, ang sarili mong mga labi ang nagpapatunay laban sa iyo.
7 Ikaw ba ang unang taong ipinanganak? Dinala ka ba na mabuhay bago ang mga burol?
8 Narinig mo ba ang lihim na kaalaman ng Diyos? Nilimitahan mo ba ang karunungan sa iyong sarili?
9 Anong nalalaman mo na hindi namin nalalaman? Anong nauunawaan mo na wala rin sa amin?
10 Kasama namin ang kapwa puti ang buhok at napakatandang tao na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.
11 Ang mga kaaliwan ba ng Diyos ay napakaliit para sa iyo, ang mga salitang mahinahon sa iyo?
12 Bakit ka nadaig ng iyong puso? Bakit ang iyong mga mata ay nanglilisik,
13 sa gayon ibaling mo ang iyong espiritu laban sa Diyos at maglabas ka ng ganoong mga salita mula sa iyong bibig?
14 Ano ang tao na siya ay dapat maging malinis? Ano siya na ipinanganak ng isang babae na dapat maging matuwid?
15 Tingnan mo, hindi nagtitiwala ang Diyos kahit sa kaniyang mga hinirang; sa katunayan nga, ang kalangitan ay hindi malinis sa kaniyang paningin;
16 gaano kaunti ang isang malinis na karumal-dumal at makasalanan, isang tao na umiinom ng kasalanan tulad ng tubig!
17 Ipapakita ko sa iyo; pakinggan mo ako; ipapahayag ko sa iyo ang mga bagay na aking nakita,
18 ang mga bagay na ipinasa ng mga taong matatalino mula sa kanilang mga ama, ang mga bagay na hindi itinago ng kanilang mga ninuno.
19 Ang mga ito ay kanilang mga ninuno, sa nag-iisang binigyan ng lupain, at sa kanilang kalagitnaan ay walang dayuhan ang dumaan.
20 Ang masasamang tao na namimilipit sa sakit sa lahat ng araw niya, ang bilang ng mga taon na inilaan para sa taong mapang-api para magdusa.
21 Isang kalila-kilabot na tunog ay nasa kaniyang mga tainga; habang siya ay nasa kasaganaan, ang tagapagwasak ay darating sa kanila.
22 Hindi niya naiisip na babalik siya sa kadiliman; nakaabang ang espada para sa kaniya.
23 Gumagala siya sa iba-ibang mga lugar dahil sa tinapay, na sinasabing, 'Nasaan na ito?' Nalalaman niya ang araw ng kadiliman ay malapit na.
24 Ang pagdadalamhati at pagkahapis ay ginagawa siyang takot; nagwagi sila laban sa kaniya, tulad ng isang hari na handa sa labanan.
25 Dahil inabot niya ng kaniyang kamay laban sa Diyos at kumikilos nang may pagmamalaki laban sa Makapangyarihan,
26 ang masamang taong ito na lumalaban sa Diyos na may matigas na leeg, na may isang makapal na kalasag.
27 Totoo ito, kahit tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at mataba rin ang kaniyang mga pigi,
28 at nanirahan sa mga wasak na lungsod; sa mga bahay na walang taong nakatira ngayon at handa nang maging mga tambakan.
29 Hindi siya magiging mayaman; hindi magtatagal ang kaniyang yaman; kahit ang kaniyang anino ay hindi magtatagal sa daigdig.
30 Hindi siya umalis sa kadiliman; isang apoy ang magtutuyo sa kaniyang mga sanga; at sa hininga ng bibig ng Diyos siya ay papanaw.
31 Huwag siyang hayaang magtiwala sa mga walang kabuluhang bagay, nililinlang niya ang kaniyang sarili; dahil ang walang pakinabang ang kaniyang magiging gantimpala.
32 Mangyayari ito bago ang panahon ng kaniyang kamatayan; ang kaniyang sanga ay hindi magiging luntian.
33 Ihuhulog niya ang kaniyang mga hilaw na ubas tulad ng puno ng ubas; itatapon niya ang kaniyang mga bulaklak tulad ng puno ng olibo.
34 Dahil ang mga kasamahan ng hindi maka-diyos na tao ay hindi mamumunga; tutupukin ng apoy ang kanilang mga tolda ng panunuhol.
35 Nagbubuntis sila ng kasamaan at nanganganak ng kasalanan; sa kanilang sinapupunan ay nagbubuntis ng panlilinlang.”