< Job 14 >

1 Ang mga tao, na ipinanganak ng babae, na nabubuhay ng kaunting araw at puno ng kaguluhan.
Man, born of woman! Of few days, and full of trouble!
2 Umuusbong siya mula sa lupa tulad ng isang bulaklak at pinuputol; tumatakas siya tulad ng isang anino at hindi nagtatagal.
As a flower he hath gone forth, and is cut off, And he fleeth as a shadow and standeth not.
3 Tumitingin ka ba alinman sa mga ito? Dinadala mo ba ako sa paghatol kasama mo?
Also — on this Thou hast opened Thine eyes, And dost bring me into judgment with Thee.
4 Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
Who giveth a clean thing out of an unclean? not one.
5 Ang mga araw ng tao ay tiyak; Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nasa iyo; itinakda mo ang kaniyang mga hangganan para hindi siya makalampas.
If determined are his days, The number of his months [are] with Thee, His limit Thou hast made, And he passeth not over;
6 Lumayo ka mula sa kaniya para siya ay maaaring makapahinga, sa gayon siya ay maaaring masiyahan sa kaniyang araw tulad ng isang inupahang tao kung magagawa niya.
Look away from off him that he may cease, Till he enjoy as an hireling his day.
7 Maaaring magkaroon ng pag-asa roon para sa isang puno; kung puputulin ito, maaaring sumibol muli, itong sariwang sanga ay hindi matatapos.
For there is of a tree hope, if it be cut down, That again it doth change, That its tender branch doth not cease.
8 Kahit tumanda na ang ugat nito sa lupa, at ang mga tangkay nito ay mamatay sa lupa,
If its root becometh old in the earth, And its stem doth die in the dust,
9 kahit na ito ay nakakaamoy ng tubig lamang, uusbong ito at magkakasanga tulad ng isang halaman.
From the fragrance of water it doth flourish, And hath made a crop as a plant.
10 Pero ang tao ay namamatay; nagiging mahina; sa katunayan nga, nalalagutan ng hininga ang tao, at kung gayon nasaan siya?
And a man dieth, and becometh weak, And man expireth, and where [is] he?
11 Gaya ng tubig na nawawala sa isang lawa, at tulad ng isang ilog na nauubusan ng tubig at natutuyo,
Waters have gone away from a sea, And a river becometh waste and dry.
12 gayundin ang mga tao ay humimlay at hindi na bumangon muli. Hanggang mawala ang kalangitan, hindi na sila gigising ni magigising man sa kanilang pagkakatulog.
And man hath lain down, and riseth not, Till the wearing out of the heavens they awake not, Nor are roused from their sleep.
13 O, nais mo akong itagong palayo sa sheol na malayo mula sa mga kaguluhan, at nais mo akong panatilihing itago hanggang matapos ang iyong poot, nais mo akong ilagay sa takdang panahon para manatili doon at pagkatapos alalahanin mo ako! (Sheol h7585)
O that in Sheol Thou wouldest conceal me, Hide me till the turning of Thine anger, Set for me a limit, and remember me. (Sheol h7585)
14 Kung ang isang tao ay mamamatay, mabubuhay ba siyang muli? Kung gayon, hinahangad kong maghintay sa nakakapagod na panahon doon hanggang dumating ang aking paglaya.
If a man dieth — doth he revive? All days of my warfare I wait, till my change come.
15 Tatawag ka, at sasagutin kita. Nais mong magkaroon ng hangarin para sa gawa ng iyong mga kamay.
Thou dost call, and I — I answer Thee; To the work of Thy hands Thou hast desire.
16 Binilang mo at iningatan ang aking mga yapak; hindi mo nais panatilihin ang bakas ng aking kasalanan.
But now, my steps Thou numberest, Thou dost not watch over my sin.
17 Ang aking mga kasalanan ay itinago sa isang lalagyan; nais mong takpan ang aking kasalanan.
Sealed up in a bag [is] my transgression, And Thou sewest up mine iniquity.
18 Pero kahit ang mga bundok ay gumuguho at nawawala; kahit ang mga bato ay nilipat sa kanilang lugar;
And yet, a falling mountain wasteth away, And a rock is removed from its place.
19 sinisira ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha ang mga alikabok sa lupa. Tulad nito, winawasak mo ang pag-asa ng tao.
Stones have waters worn away, Their outpourings wash away the dust of earth, And the hope of man Thou hast destroyed.
20 Lagi mo siyang tinatalo, at siya ay pumapanaw; pinalitan mo ang kaniyang mukha at pinalayas mo siya para mamatay.
Thou prevailest [over] him for ever, and he goeth, He is changing his countenance, And Thou sendest him away.
21 Ang kaniyang mga anak na lalaki ay maaaring dumating para magparangal, pero hindi niya ito nalalaman; maaari silang ibaba, pero hindi niya ito nakikitang nangyayari.
Honoured are his sons, and he knoweth not; And they are little, and he attendeth not to them.
22 Nararamdaman lamang niya ang kirot sa kaniyang sariling katawan, at siya ay nagdadalamhati para sa kaniyang sarili.
Only — his flesh for him is pained, And his soul for him doth mourn.'

< Job 14 >