< Job 13 >
1 Tingnan mo, nakikita ko ang lahat; Nakikinig at nauunawaan ko ito.
Ecce omnia hæc vidit oculus meus, et audivit auris mea, et intellexi singula.
2 Kung ano ang alam mo, alam ko rin; hindi ako mas mababa sa iyo.
Secundum scientiam vestram et ego novi: nec inferior vestri sum.
3 Gayunman, mas gugustuhin ko na lang na makipag-usap sa Makapangyarihan; aking hihilingin na makapagdahilan sa Diyos.
Sed tamen ad Omnipotentem loquar, et disputare cum Deo cupio:
4 Pero inyong pinagtakpan ang katotohanan ng kasinungalingan; kayo ay manggagamot na walang silbi.
Prius vos ostendens fabricatores mendacii, et cultores perversorum dogmatum.
5 O, nais mo bang hawakang mabuti ang iyong kapayapaan! Iyon ang inyong karunungan.
Atque utinam taceretis, ut putaremini esse sapientes.
6 Pakinggan mo ang aking mga paliwanag; pakinggan mo ang panawagan ng aking mga labi.
Audite ergo correptionem meam, et iudicium labiorum meorum attendite.
7 Magsasabi ka ba ng hindi matuwid sa Diyos, at magsasalita ka ba ng mapanlinlang sa kaniya?
Numquid Deus indiget vestro mendacio, ut pro illo loquamini dolos?
8 Dapat mo ba talagang ipakita ang kabaitan sa kaniya? Ginusto mo ba talagang makipagtalo sa hukuman bilang mga manananggol para sa Diyos?
Numquid faciem eius accipitis, et pro Deo iudicare nitimini?
9 Makabubuti ba talaga sa iyo kung siya na hukom ay titingnan at suriin ka? O tulad ng ibang nangloloko ng iba, talaga bang magiging maling kinatawan sa kaniya sa hukuman?
Aut placebit ei quem celare nihil potest? aut decipietur ut homo, vestris fraudulentiis?
10 Siguradong susumbatan ka niya kung lihim mong ipapakita ang pagtatangi sa kaniya.
Ipse vos arguet, quoniam in abscondito faciem eius accipitis.
11 Hindi ka ba magawang matakot ng kaniyang kamahalan? Hindi ba babagsak ang pagkatakot niya sa iyo?
Statim ut se commoverit, turbabit vos, et terror eius irruet super vos.
12 Hindi malilimutang kasabihan mo ay kawikaan na gawa sa mga abo; ang mga panananggol mo ay panananggol na gawa sa putik.
Memoria vestra comparabitur cineri, et redigentur in lutum cervices vestræ.
13 Manahimik ka muna, hayaan mo muna ako, para makapagsalita ako, dumating na kung anuman ang nararapat sa akin.
Tacete paulisper ut loquar quodcumque mihi mens suggesserit.
14 Kukunin ko ang sarili kong laman sa aking ngipin; kukunin ko ang aking buhay sa aking mga kamay.
Quare lacero carnes meas dentibus meis, et animam meam porto in manibus meis?
15 Tingnan mo, kung papatayin niya ako, mawawalan ako ng pag-asa; gayon pa man, ipagtatanggol ko ang aking mga pamamaraan sa harapan mo.
Etiam si occiderit me, in ipso sperabo: verumtamen vias meas in conspectu eius arguam.
16 Ito ang magiging dahilan ko para sa aking pagpapawalang-sala, hindi na ako pupunta sa harapan mo tulad ng isang taong walang diyos.
Et ipse erit salvator meus: non enim veniet in conspectu eius omnis hypocrita.
17 O Diyos, pakinggan ng mabuti ang aking sasabihin; hayaan mong madinig ng iyong mga tainga ang aking pagpapahayag.
Audite sermonem meum, et ænigmata percipite auribus vestris.
18 Tingnan mo ngayon, inilagay ko ang aking tanggulan sa ayos; Alam ko na ako ay inosente.
Si fuero iudicatus, scio quod iustus inveniar.
19 Sinong maaaring makipagtalo sa akin laban sa akin sa hukuman? Kung pupunta ka para gawin iyon, at kung mapapatunayan mong mali ako, kung gayon mananahimik at isusuko ko ang aking buhay.
Quis est qui iudicetur mecum? veniat: quare tacens consumor?
20 O Diyos, gumawa ka ng dalawang bagay para sa akin, at pagkatapos hindi ko na itatago ang aking sarili sa iyong mukha:
Duo tantum ne facias mihi, et tunc a facie tua non abscondar:
21 babawiin mo ang mapang-aping kamay mo, at huwag mong hayaan ang iyong mga paninindak para takutin ako.
Manum tuam longe fac a me, et formido tua non me terreat.
22 Pagkatapos tatawag ka, at tutugon ako; O hayaan mong ako ay magsalita, at iyong tugunin.
Voca me, et ego respondebo tibi: aut certe loquar, et tu responde mihi.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at kasalanan? Hayaan mong malaman ko ang aking pagsuway at kasalanan.
Quantas habeo iniquitates et peccata, scelera mea et delicta ostende mihi.
24 Bakit mo itinatago ang iyong mukha sa akin at itinuturing mo akong tulad ng iyong kaaway?
Cur faciem tuam abscondis, et arbitraris me inimicum tuum?
25 Uusigin mo ba ang isang tinangay na dahon? Hahabulin mo ba ang tuyong dayami?
Contra folium, quod vento rapitur, ostendis potentiam tuam, et stipulam siccam persequeris:
26 Dahil sumulat ka ng mga mapapait na mga bagay laban sa akin; ipinamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan.
Scribis enim contra me amaritudines, et consumere me vis peccatis adolescentiæ meæ.
27 Inilagay mo rin ang aking paa sa mga kandadong kahoy; tinitingnan mong mabuti ang lahat ng aking mga landas; sinusuri mo ang lupa kung saan ang mga nilakaran ng talampakan ng aking paa
Posuisti in nervo pedem meum, et observasti omnes semitas meas, et vestigia pedum meorum considerasti:
28 bagaman tulad ako ng isang mabahong bagay na nabubulok, tulad ng isang damit na kinakain ng gamugamo.
Qui quasi putredo consumendus sum, et quasi vestimentum quod comeditur a tinea.