< Job 12 >

1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
ויען איוב ויאמר׃
2 walang pag-aalinlangan na kayo ang bayan; ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
אמנם כי אתם עם ועמכם תמות חכמה׃
3 Pero mayroon din akong pang-unawa na kagaya ninyo; Hindi ako mas mababa kaysa sa inyo. Sa katunayan, sino ang hindi nakaka-alam ng mga bagay na gaya nito?
גם לי לבב כמוכם לא נפל אנכי מכם ואת מי אין כמו אלה׃
4 Ako ay isang katatawanan para sa aking kapwa —ako, na siyang tumawag sa Diyos at kaniyang sinagot! Ako, isang taong makatarungan at walang kasalanan—ako ngayon ay isa nang katatawanan.
שחק לרעהו אהיה קרא לאלוה ויענהו שחוק צדיק תמים׃
5 Sa isip ng isang taong matiwasay, may paglait para sa kasawian; Iniisip niya sa paraang magdadala nang mas marami pang kasawian sa mga nadudulas ang paa.
לפיד בוז לעשתות שאנן נכון למועדי רגל׃
6 Sumasagana ang mga tolda ng mga manloloob, at ang mga nagpapagalit sa Diyos ay dama ang katiyakan; ang kanilang mga sariling mga kamay ang kanilang mga diyos.
ישליו אהלים לשדדים ובטחות למרגיזי אל לאשר הביא אלוה בידו׃
7 Pero ngayon tanungin mo ang mga mababangis na hayop; at tuturuan ka nila; Tanungin mo ang mga ibon sa mga himpapawid at sasabihin nila sa iyo.
ואולם שאל נא בהמות ותרך ועוף השמים ויגד לך׃
8 O magsalita ka sa lupa, at ikaw ay tuturuan; Ang mga isda sa dagat ay magpapahayag sa iyo.
או שיח לארץ ותרך ויספרו לך דגי הים׃
9 Alin sa mga hayop ang hindi alam na ang kamay ni Yahweh ang gumawa nito—ang nagbigay sa kanila ng buhay—
מי לא ידע בכל אלה כי יד יהוה עשתה זאת׃
10 Yahweh, sa kaninong kamay ang bawat bagay na may buhay at ang hininga ng sangkatauhan?
אשר בידו נפש כל חי ורוח כל בשר איש׃
11 Hindi ba ang tainga ang sumusuri sa mga salita gaya ng dila na tumitikim sa pagkain?
הלא אזן מלין תבחן וחך אכל יטעם לו׃
12 Sa mga taong may edad ay karunungan; sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.
בישישים חכמה וארך ימים תבונה׃
13 Sa Diyos ay may karunungan at kalakasan; mayroon siyang mabuting kaisipan at pang-unawa.
עמו חכמה וגבורה לו עצה ותבונה׃
14 Tingnan mo, siya ay nasisira, at hindi na ito maitatayong muli; kung ikinukulong niya ang isang tao, hindi na maaring palayain.
הן יהרוס ולא יבנה יסגר על איש ולא יפתח׃
15 Masdan mo, kung pinipigil niya ang mga tubig, natutuyo ang mga ito, at kung pakakawalan ang mga ito, natatabunan nila ang lupain.
הן יעצר במים ויבשו וישלחם ויהפכו ארץ׃
16 Nasa kaniya ang kalakasan at karunungan; ang mga taong nilinlang at ang mga luminlang ay parehong nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan.
עמו עז ותושיה לו שגג ומשגה׃
17 Pinapangunahan niyang ilayo ang mga tagapayo ng nakayapak sa kalungkutan; inililiko niya ang mga hukom para maging hangal.
מוליך יועצים שולל ושפטים יהולל׃
18 Tinatanggal niya ang hanay ng kapangyarihan mula sa mga hari; binabalutan niya ng tela ang kanilang mga baywang.
מוסר מלכים פתח ויאסר אזור במתניהם׃
19 Pinapangunahan niyang ilayo ang mga pari na nakayapak sa kalungkutan at patalsikin ang mga makapangyarihang tao.
מוליך כהנים שולל ואתנים יסלף׃
20 Inalis niya ang pananalita ng mga taong mapagkakatiwalaan at inaalis niya ang pang-unawa ng mga matatanda.
מסיר שפה לנאמנים וטעם זקנים יקח׃
21 Ibinubuhos niya ang paghamak sa mga prinsipe at kinanakalas niya ang sinturon ng mga malalakas na tao.
שופך בוז על נדיבים ומזיח אפיקים רפה׃
22 Inilalantad niya ang mga malalalim na bagay mula sa kadiliman at inilalabas sa liwanag ang mga anino kung saan naroon ang mga patay.
מגלה עמקות מני חשך ויצא לאור צלמות׃
23 Ginagawa niyang malakas ang mga bansa, at winawasak din niya ang mga ito. Pinapalawak niya ang mga bansa, at dinadadala din niya ang mga ito bilang mga bihag.
משגיא לגוים ויאבדם שטח לגוים וינחם׃
24 Tinatanggal niya ang pang-unawa mula sa mga pinuno ng mga bayan sa daigdig; Idinudulot niyang magpaikot-ikot sila sa ilang kung saan walang daan.
מסיר לב ראשי עם הארץ ויתעם בתהו לא דרך׃
25 Nangangapa sila sa dilim na walang liwanag; Ginagawa silang parang lasing na pasuray-suray.
ימששו חשך ולא אור ויתעם כשכור׃

< Job 12 >