< Job 11 >

1 Pagkatapos sumagot si Zofar ang Naamita at nagsabi,
Entonces Zofar, el naamita, respondió,
2 Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
“¿No hay que responder a la multitud de palabras? ¿Debe justificarse un hombre lleno de palabrería?
3 Nararapat ba na ang iyong pagmamagaling ay nagpapanatili sa iba na manahimik? Kapag kinutya mo ang aming katuruan, wala bang sinuman na magpapahiya sa iyo?
¿Deberían tus fanfarronadas hacer que los hombres callen? Cuando te burles, ¿nadie te avergonzará?
4 Dahil sinasabi mo sa Diyos, 'Ang aking mga paniniwala ay dalisay, ako ay walang kasalanan sa iyong mga mata.
Porque tú dices: “Mi doctrina es pura”. Estoy limpio a tus ojos’.
5 Pero, kung sana lang magsalita ang Diyos at buksan ang kaniyang bibig laban sa iyo;
Pero, oh, que Dios hable, y abrir sus labios contra ti,
6 na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
¡que te muestre los secretos de la sabiduría! Porque la verdadera sabiduría tiene dos caras. Sabed, pues, que Dios os exige menos de lo que vuestra iniquidad merece.
7 Maiintindihan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap sa kania? Maaari mo bang mauunawaan ang Makapangyarihan nang lubusan?
“¿Puedes comprender el misterio de Dios? ¿O puedes sondear los límites del Todopoderoso?
8 Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo? (Sheol h7585)
Son altos como el cielo. ¿Qué pueden hacer? Son más profundos que el Seol. ¿Qué puedes saber? (Sheol h7585)
9 Ang kaniyang sukat ay mas mahaba pa kaysa daigdig, mas malawak pa kaysa dagat.
Su medida es más larga que la tierra, y más amplio que el mar.
10 Kung siya ay dumadaan at ikinukulong ang sinuman, kung tinatawag ang sinuman sa hukuman, sa gayon sino ang makakapigil sa kaniya?
Si pasa o confina, o convoca un tribunal, entonces ¿quién puede oponerse a él?
11 Sapagkat kilala niya ang mga taong mapagpanggap; kapag nakakakita ng kasamaan, hindi ba niya napapansin ito?
Porque conoce a los hombres falsos. También ve la iniquidad, aunque no la considere.
12 Pero ang mga taong hangal ay walang pang-unawa; Makukuha nila ito kapag ang isang ligaw na asno ay magsilang ng isang tao.
Un hombre con la cabeza vacía se vuelve sabio cuando un hombre nace como un potro de asno salvaje.
13 Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;
“Si pones tu corazón en orden, Extiende tus manos hacia él.
14 ipagpalagay mo na ang kasamaan ay nasa iyong mga kamay, kung gayon ilayo mo ito mula sa iyo, at hindi hinayaan ang kasamaan na manahan sa iyong mga tolda.
Si la iniquidad está en tu mano, ponla lejos. No dejes que la injusticia habite en tus tiendas.
15 Sa gayon ay tiyak na maitataas mo ang iyong mukha na walang tanda ng kahihiyan; tunay nga, magiging matatag ka at hindi matatakot.
Seguramente entonces levantarás tu rostro sin mancha. Sí, estarás firme y no temerás,
16 Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
porque olvidarás tu miseria. Lo recordarás como las aguas que han pasado.
17 Ang iyong buhay ay magiging mas maliwanag kaysa katanghaliang tapat; kahit na mayroong kadiliman, ito ay magiging gaya ng umaga.
La vida será más clara que el mediodía. Aunque haya oscuridad, será como la mañana.
18 Magiging ligtas ka dahil may pag-asa; sa katunayan, matatagpuan mo ang iyong kaligtasan at ikaw ay makapagpapahinga nang ligtas.
Estarás seguro, porque hay esperanza. Sí, buscarás y descansarás con seguridad.
19 At walang pwedeng tumakot sa iyo; tunay, marami ang lalapit sa iyo para humingi ng pabor.
También te acostarás, y nadie te hará temer. Sí, muchos cortejarán su favor.
20 Pero ang mga mata ng mga masasamang tao ay mabibigo; wala silang paraan para tumakas. Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay.”
Pero los ojos de los malvados fallarán. No tendrán forma de huir. Su esperanza será la entrega del espíritu”.

< Job 11 >