< Job 11 >

1 Pagkatapos sumagot si Zofar ang Naamita at nagsabi,
Then Zophar the Naamathite made answer and said,
2 Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
Are all these words to go unanswered? and is a man seen to be right because he is full of talk?
3 Nararapat ba na ang iyong pagmamagaling ay nagpapanatili sa iba na manahimik? Kapag kinutya mo ang aming katuruan, wala bang sinuman na magpapahiya sa iyo?
Are your words of pride to make men keep quiet? and are you to make sport, with no one to put you to shame?
4 Dahil sinasabi mo sa Diyos, 'Ang aking mga paniniwala ay dalisay, ako ay walang kasalanan sa iyong mga mata.
You may say, My way is clean, and I am free from sin in your eyes.
5 Pero, kung sana lang magsalita ang Diyos at buksan ang kaniyang bibig laban sa iyo;
But if only God would take up the word, opening his lips in argument with you;
6 na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
And would make clear to you the secrets of wisdom, and the wonders of his purpose!
7 Maiintindihan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap sa kania? Maaari mo bang mauunawaan ang Makapangyarihan nang lubusan?
Are you able to take God's measure, to make discovery of the limits of the Ruler of all?
8 Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo? (Sheol h7585)
They are higher than heaven; what is there for you to do? deeper than the underworld, and outside your knowledge; (Sheol h7585)
9 Ang kaniyang sukat ay mas mahaba pa kaysa daigdig, mas malawak pa kaysa dagat.
Longer in measure than the earth, and wider than the sea.
10 Kung siya ay dumadaan at ikinukulong ang sinuman, kung tinatawag ang sinuman sa hukuman, sa gayon sino ang makakapigil sa kaniya?
If he goes on his way, shutting a man up and putting him to death, who may make him go back from his purpose?
11 Sapagkat kilala niya ang mga taong mapagpanggap; kapag nakakakita ng kasamaan, hindi ba niya napapansin ito?
For in his eyes men are as nothing; he sees evil and takes note of it.
12 Pero ang mga taong hangal ay walang pang-unawa; Makukuha nila ito kapag ang isang ligaw na asno ay magsilang ng isang tao.
And so a hollow-minded man will get wisdom, when a young ass of the field gets teaching.
13 Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;
But if you put your heart right, stretching out your hands to him;
14 ipagpalagay mo na ang kasamaan ay nasa iyong mga kamay, kung gayon ilayo mo ito mula sa iyo, at hindi hinayaan ang kasamaan na manahan sa iyong mga tolda.
If you put far away the evil of your hands, and let no wrongdoing have a place in your tent;
15 Sa gayon ay tiyak na maitataas mo ang iyong mukha na walang tanda ng kahihiyan; tunay nga, magiging matatag ka at hindi matatakot.
Then truly your face will be lifted up, with no mark of sin, and you will be fixed in your place without fear:
16 Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
For your sorrow will go from your memory, like waters flowing away:
17 Ang iyong buhay ay magiging mas maliwanag kaysa katanghaliang tapat; kahit na mayroong kadiliman, ito ay magiging gaya ng umaga.
And your life will be brighter than day; though it is dark, it will become like the morning.
18 Magiging ligtas ka dahil may pag-asa; sa katunayan, matatagpuan mo ang iyong kaligtasan at ikaw ay makapagpapahinga nang ligtas.
And you will be safe because there is hope; after looking round, you will take your rest in quiet;
19 At walang pwedeng tumakot sa iyo; tunay, marami ang lalapit sa iyo para humingi ng pabor.
Sleeping with no fear of danger; and men will be desiring to have grace in your eyes;
20 Pero ang mga mata ng mga masasamang tao ay mabibigo; wala silang paraan para tumakas. Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay.”
But the eyes of the evil-doers will be wasting away; their way of flight is gone, and their only hope is the taking of their last breath.

< Job 11 >