< Jeremias 9 >

1 Kung maaari lamang magpalabas ng tubig ang aking ulo at maging bukal ng luha ang aking mga mata! Sapagkat nais kong umiyak sa umaga at gabi para sa mga anak ng aking mga tao na pinatay.
但愿我的头为水, 我的眼为泪的泉源, 我好为我百姓中被杀的人昼夜哭泣。
2 Kung may makapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilang na para sa mga manlalakbay upang panirahan, na aking mapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kung maaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid silang lahat, isang pangkat ng mga taksil!
惟愿我在旷野有行路人住宿之处, 使我可以离开我的民出去; 因他们都是行奸淫的, 是行诡诈的一党。
3 Ipinahayag ni Yahweh, “Nagsasabi ang kanilang mga dila ng mga kasinungalingan, na kanilang mapanlinlang na sandata, ngunit hindi sila dakila sa katapatan sa lupa. Patuloy silang gumagawa ng masama sa iba. Hindi nila ako kilala.”
他们弯起舌头像弓一样, 为要说谎话。 他们在国中增长势力, 不是为行诚实, 乃是恶上加恶, 并不认识我。 这是耶和华说的。
4 Bantayan ng bawat isa sa inyo ang inyong kapwa at huwag magtiwala sa sinumang kapatid. Sapagkat mandaraya ang bawat kapatid at namumuhay sa paninirang-puri ang bawat kapwa.
你们各人当谨防邻舍, 不可信靠弟兄; 因为弟兄尽行欺骗, 邻舍都往来谗谤人。
5 Kinukutya ng bawat isa ang kaniyang kapwa at hindi nagsasabi ng katotohanan. Nagtuturo ng mga mapanlinlang na bagay ang kanilang mga dila. Pagod na pagod sila sa paggawa ng malaking kasalanan.
他们各人欺哄邻舍,不说真话; 他们教舌头学习说谎, 劳劳碌碌地作孽。
6 Namuhay kayo sa gitna ng pandaraya. Sa kanilang panlilinlang, tinanggihan nila akong kilalanin. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
你的住处在诡诈的人中; 他们因行诡诈,不肯认识我。 这是耶和华说的。
7 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Tingnan ninyo, susubukin at susuriin ko sila. Ano pa ang aking gagawin para sa anak ng babae ng aking mga tao?
所以万军之耶和华如此说: 看哪,我要将他们熔化熬炼; 不然,我因我百姓的罪该怎样行呢?
8 Matatalas na palaso ang kanilang mga dila at nagsasalita sila ng mga bagay na kasinungalingan. Sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, naghahayag sila ng kapayapaan sa kanilang kapwa, ngunit sa kanilang mga puso inaabangan nila sila.
他们的舌头是毒箭,说话诡诈; 人与邻舍口说和平话, 心却谋害他。
9 Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito at hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa bansang tulad nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
耶和华说:我岂不因这些事讨他们的罪呢? 岂不报复这样的国民呢?
10 Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.
我要为山岭哭泣悲哀, 为旷野的草场扬声哀号; 因为都已干焦,甚至无人经过。 人也听不见牲畜鸣叫, 空中的飞鸟和地上的野兽都已逃去。
11 Kaya gagawin kong bunton ng pagkasira ang Jerusalem, isang taguan ng mga asong-gubat. Gagawin kong mga wasak na lugar ang mga lungsod ng Juda na walang maninirahan.
我必使耶路撒冷变为乱堆,为野狗的住处, 也必使犹大的城邑变为荒场,无人居住。
12 Sino ang matalinong tao na makauunawa nito? Ano ang ipinahayag ni Yahweh sa kaniya upang maaari niya itong iulat? Bakit nawasak ang kalupaan? Nawasak ito tulad ng ilang, kung saan walang sinuman ang makadadaan dito.
谁是智慧人,可以明白这事?耶和华的口向谁说过,使他可以传说?遍地为何灭亡,干焦好像旷野,甚至无人经过呢?
13 Sinasabi ni Yahweh, “Dahil ito sa pagtalikod nila sa kautusan na aking ibinigay sa kanila at dahil hindi nila pinakinggan ang aking tinig o ipinamuhay ito.
耶和华说:“因为这百姓离弃我在他们面前所设立的律法,没有遵行,也没有听从我的话;
14 Ito ay dahil namuhay sila sa pamamagitan ng kanilang mga matitigas na puso at sa pagsunod sa mga Baal tulad ng itinuro sa kanila ng kanilang mga ama na gagawin nila.
只随从自己顽梗的心行事,照他们列祖所教训的随从众巴力。”
15 Kaya, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel. 'Tingnan ninyo, pakakainin ko ang mga taong ito ng mapapait na halaman at paiinumin ng nakalalasong tubig.
所以万军之耶和华—以色列的 神如此说:“看哪,我必将茵 给这百姓吃,又将苦胆水给他们喝。
16 At ikakalat ko sila sa mga bansa na hindi nila nakikilala maging ng kanilang mga ninuno. Magpapadala ako ng espadang tutugis sa kanila hanggang sa ganap ko silang mawasak.”'
我要把他们散在列邦中,就是他们和他们列祖素不认识的列邦。我也要使刀剑追杀他们,直到将他们灭尽。”
17 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Unawain ninyo ito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing at hayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaeng mahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit.
万军之耶和华如此说: 你们应当思想, 将善唱哀歌的妇女召来, 又打发人召善哭的妇女来,
18 Madaliin sila at paawitin ng awiting panluksa sa atin, upang dumaloy ang luha sa ating mga mata at daluyan ng tubig ang talukap ng ating mga mata.
叫她们速速为我们举哀, 使我们眼泪汪汪, 使我们的眼皮涌出水来。
19 Sapagkat narinig sa Zion ang hiyaw ng panaghoy. 'Ganap kaming nawasak. Labis kaming nahiya, sapagkat nilisan namin ang lupain matapos nilang gibain ang aming mga tahanan.'
因为听见哀声出于锡安,说: 我们怎样败落了! 我们大大地惭愧! 我们撇下地土; 人也拆毁了我们的房屋。
20 Kaya kayong mga kababaihan, pakinggan ang salita ni Yahweh, bigyang pansin ang mga mensahe na nagmula sa kaniyang bibig. At turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng awiting panluksa at sa kapwa babae ng awiting panlibing.
妇女们哪,你们当听耶和华的话, 领受他口中的言语; 又当教导你们的儿女举哀, 各人教导邻舍唱哀歌。
21 Sapagkat dumating na ang kamatayan sa ating mga bintana, pupunta ito sa ating mga palasyo, pupuksain nito ang mga bata na nasa labas at mga kabataang nasa mga pamilihan ng lungsod.
因为死亡上来, 进了我们的窗户, 入了我们的宫殿; 要从外边剪除孩童, 从街上剪除少年人。
22 'Ito ang pahayag ni Yahweh. 'Ipahayag ninyo ito, Malalaglag ang mga bangkay ng mga tao tulad ng dumi sa kabukiran at tulad ng mga tangkay ng butil sa likod ng manggagapas at walang sinuman ang magtitipon sa kanila.'”
你当说,耶和华如此说: 人的尸首必倒在田野像粪土, 又像收割的人遗落的一把禾稼, 无人收取。
23 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Huwag ninyong hayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilang karunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan. Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang tao sa kaniyang kayamanan.
耶和华如此说:“智慧人不要因他的智慧夸口,勇士不要因他的勇力夸口,财主不要因他的财物夸口。
24 Sapagkat kung magyayabang ang isang tao sa anumang bagay, ito dapat ang mayroon sa kaniya, na mayroon siyang pang-unawa at pagkilala sa akin. Sapagkat ako si Yahweh, na gumagawa ng matapat na kasunduan, katarungan at katuwiran sa sanlibutan. Sapagkat ito ang mga bagay na aking kinagagalak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
夸口的却因他有聪明,认识我是耶和华,又知道我喜悦在世上施行慈爱、公平,和公义,以此夸口。这是耶和华说的。”
25 Tingnan ninyo, darating ang mga araw na parurusahan ko ang lahat ng tuli lamang sa kanilang mga katawan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
耶和华说:“看哪,日子将到,我要刑罚一切受过割礼、心却未受割礼的,
26 Parurusahan ko ang Egipto, Juda, Edom, mga tao sa Ammon, Moab at lahat ng tao na nagpaputol ng kanilang mga buhok sa ulo, na naninirahan sa disyerto. Sapagkat hindi tuli ang lahat ng bansang ito at matigas ang puso ng lahat ng nasa sambahayan ng Israel.”
就是埃及、犹大、以东、亚扪人、摩押人,和一切住在旷野剃周围头发的;因为列国人都没有受割礼,以色列人心中也没有受割礼。”

< Jeremias 9 >