< Jeremias 8 >
1 Ito ang pahayag ni Yahweh, “Sa panahong iyon, ilalabas nila mula sa mga libingan ang mga buto ng mga hari ng Juda at ng mga opisyal nito, ang mga buto ng mga pari at ng mga propeta at ang mga buto ng mga naninirahan sa Jerusalem.
主は言われる、その時ユダの王たちの骨と、そのつかさたちの骨と、祭司たちの骨と、預言者たちの骨と、エルサレムに住む人々の骨は墓より掘り出されて、
2 Pagkatapos, ikakalat nila ang mga ito sa liwanag ng araw, ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan, ang mga bagay na ito sa langit na kanilang sinunod at pinaglingkuran, na kanilang nilapitan at hinanap at kanilang sinamba. Hindi na muling titipunin o ililibing ang mga buto. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.
彼らの愛し、仕え、従い、求め、また拝んだ、日と月と天の衆群の前にさらされる。その骨は集める者も葬る者もなく、地のおもてに糞土のようになる。
3 Sa bawat natitirang lugar kung saan ko sila ipinatapon, pipiliin nila ang kamatayan sa halip na buhay para sa kanilang mga sarili, ang lahat ng mga natitira pa mula sa masamang bansa na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
この悪しき民のうちの残っている残りの者はみな、わたしが追いやった場所で、生きることよりも死ぬことを願うようになると、万軍の主は言われる。
4 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, May tao bang nadapa at hindi bumangon? May tao bang naligaw at hindi sinubukang bumalik?
あなたは彼らに言わなければならない。主はこう仰せられる、人は倒れたならば、また起きあがらないであろうか。離れていったならば、帰ってこないであろうか。
5 Bakit ang mga taong ito, ang Jerusalem, ay tumalikod ng walang hanggang pagtalikod? Nagpatuloy sila sa pagtataksil at tumangging magsisi.
それにどうしてこの民は、常にそむいて離れていくのか。彼らは偽りを固くとらえて、帰ってくることを拒んでいる。
6 Binigyan ko sila ng pansin at pinakinggan ngunit hindi tama ang kanilang sinabi. Walang sinuman ang nagsisi sa kaniyang kasamaan, walang sinuman ang nagsabi, “Ano ang nagawa ko?” Pumupunta silang lahat kung saan nila nais, gaya ng kabayong pandigma na tumatakbo patungo sa labanan.
わたしは気をつけて聞いたが、彼らは正しくは語らなかった。その悪を悔いて、『わたしのした事は何か』という者はひとりもない。彼らはみな戦場に、はせ入る馬のように、自分のすきな道に向かう。
7 Kahit ang ibon sa langit, mga kalapati, mga layang-layang at ang mga tagak ay nalalaman ang mga tamang panahon. Pumupunta ang mga ito sa kanilang mga paglilipatan sa tamang panahon ngunit hindi alam ng aking mga tao ang mga atas ni Yahweh.
空のこうのとりでもその時を知り、山ばとと、つばめと、つるはその来る時を守る。しかしわが民は主のおきてを知らない。
8 Bakit sinasabi ninyo, “Marurunong kami! At nasa amin ang kautusan ni Yahweh?” Sa katunayan tingnan ninyo! Lumikha ng panlilinlang ang mapanlinlang na panulat ng mga eskriba.
どうしてあなたがたは、『われわれには知恵がある、主のおきてがある』と言うことができようか。見よ、まことに書記の偽りの筆がこれを偽りにしたのだ。
9 Mapapahiya ang mga marurunong na tao. Nabigo sila at nabitag. Tingnan ninyo! Itinakwil nila ang salita ni Yahweh, kaya anong silbi ng kanilang karunungan?
知恵ある者は、はずかしめられ、あわてふためき、捕えられる。見よ、彼らは主の言葉を捨てた、彼らになんの知恵があろうか。
10 Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang.
それゆえ、わたしは彼らの妻を他人に与え、その畑を征服者に与える。それは彼らが小さい者から大きい者にいたるまで、みな不正な利をむさぼり、預言者から祭司にいたるまで、みな偽りを行っているからである。
11 Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anak na babae ng aking mga tao na para bang wala itong halaga. Sinabi nila, “Kapayapaan, Kapayapaan” ngunit walang kapayapaan.
彼らは手軽に、わたしの民の傷をいやし、平安がないのに、『平安、平安』と言っている。
12 Nahihiya ba sila kapag gumagawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi sila nahihiya. Wala silang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila sa panahon ng kanilang kaparusahan kasama ng mga bumagsak na. Ibabagsak sila, sabi ni Yahweh.
彼らは憎むべきことをして、恥じたであろうか。すこしも恥ずかしいとは思わず、また恥じることを知らなかった。それゆえ彼らは倒れる者と共に倒れる。わたしが彼らを罰するとき、彼らは倒れると、主は言われる。
13 Ganap ko silang aalisin, ito ang pahayag ni Yahweh, hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, ni magkakaroon ng mga igos sa mga puno ng igos. Sapagkat malalanta ang mga dahon at mawawala ang ibinigay ko sa kanila.
主は言われる、わたしが集めようと思うとき、ぶどうの木にぶどうはなく、いちじくの木に、いちじくはなく、葉さえ、しぼんでいる。わたしが彼らに与えたものも、彼らを離れて、うせ去った」。
14 Bakit tayo nakaupo dito? Magsama-sama tayo, pumunta tayo sa mga matitibay na lungsod at magiging tahimik ang ating kamatayan doon. Sapagkat patatahimikin tayo ni Yahweh na ating Diyos. Paiinumin niya tayo ng lason yamang nagkasala tayo laban sa kaniya.
どうしてわれわれはなす事もなく座しているのか。集まって、堅固な町にはいり、そこでわれわれは滅びよう。われわれが主に罪を犯したので、われわれの神、主がわれわれを滅ぼそうとして、毒の水を飲ませられるのだ。
15 Umaasa tayo para sa kapayapaan ngunit walang magiging mabuti. Umaasa tayo sa oras ng kagalingan, ngunit tingnan ninyo, magkakaroon ng kaguluhan.
われわれは平安を望んだが、良い事はこなかった。いやされる時を望んだが、かえって恐怖が来た。
16 Narinig mula sa Dan ang pagsinghal ng kaniyang mga kabayong lalaki. Nayayanig ang buong daigdig sa tunog ng halinghing ng kaniyang mga malalakas na kabayo. Sapagkat darating sila at kukunin ang lupain at ang kayamanan nito, ang lungsod at ang mga naninirahan dito.
「彼らの馬のいななきはダンから聞えてくる。彼らの強い馬の声によって全地は震う。彼らは来て、この地と、ここにあるすべてのもの、町と、そのうちに住む者とを食い滅ぼす。
17 Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako sa inyo ng mga ahas, mga ulupong na hindi ninyo kayang paamuhin. Tutuklawin kayo ng mga ito, ito ang pahayag ni Yahweh.”
見よ、魔法をもってならすことのできない、へびや、まむしをあなたがたのうちにつかわす。それはあなたがたをかむ」と主は言われる。
18 Walang katapusan ang aking kalungkutan at nasasaktan ang aking puso.
わが嘆きはいやしがたく、わが心はうちに悩む。
19 Pakinggan ninyo! Ang hiyaw ng anak na babae ng aking mga tao mula sa malayong lupain! Hindi ba nasa Zion si Yahweh? O hindi ba nasa kaniya ang kaniyang hari? Bakit kaya nila sinasaktan ang aking damdamin sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen at mga walang kabuluhang diyus-diyosan ng mga dayuhan?
聞け、地の全面から、わが民の娘の声があがるのを。「主はシオンにおられないのか、シオンの王はそのうちにおられないのか」。「なぜ彼らはその彫像と、異邦の偶像とをもって、わたしを怒らせたのか」。
20 Lumipas na ang anihan, tapos na ang tag-init. Ngunit hindi tayo naligtas.
「刈入れの時は過ぎ、夏もはや終った、しかしわれわれはまだ救われない」。
21 Nasaktan ako dahil sa sakit na naramdaman ng anak na babae ng aking mga tao. Nagluksa ako dahil sa mga katakot-takot na bagay na nangyari sa kaniya, pinanghinaan ako ng loob.
わが民の娘の傷によって、わが心は痛む。わたしは嘆き、うろたえる。
22 Wala bang lunas sa Galaad? Wala bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagaling ang anak ng aking mga tao?
ギレアデに乳香があるではないか。その所に医者がいるではないか。それにどうしてわが民の娘はいやされることがないのか。