< Jeremias 6 >

1 Humanap kayo ng kaligtasan, mga tao mula sa tribo ni Benjamin, sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem. Hipan ang trumpeta sa Tekoa. Magbigay ng hudyat sa Beth-Hakerem, sapagkat ang kasamaan ay lumilitaw mula sa hilaga, isang matinding pagkawasak ang paparating.
העזו בני בנימן מקרב ירושלם ובתקוע תקעו שופר ועל בית הכרם שאו משאת כי רעה נשקפה מצפון ושבר גדול׃
2 Ang anak na babae ng Zion, mawawasak ang babaeng maganda at mahinhin.
הנוה והמענגה דמיתי בת ציון׃
3 Pupunta sa kanila ang mga pastol at ang kanilang mga kawan. Magtatayo sila ng mga tolda sa palibot niya, magpapastol ang bawat isa sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
אליה יבאו רעים ועדריהם תקעו עליה אהלים סביב רעו איש את ידו׃
4 Sasabihin ng mga hari, “Ilaan ninyo ang inyong mga sarili sa mga diyus-diyosan para sa labanan. Tumayo kayo, lulusob tayo sa tanghali. Napakasama nito na naglalaho ang liwanag ng araw at dumarating ang mga anino ng gabi.
קדשו עליה מלחמה קומו ונעלה בצהרים אוי לנו כי פנה היום כי ינטו צללי ערב׃
5 Ngunit lulusob tayo sa gabi at sirain ang kaniyang mga kuta.”
קומו ונעלה בלילה ונשחיתה ארמנותיה׃
6 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Putulin ang kaniyang mga puno at gumawa ng mga paglusob laban sa Jerusalem. Ito ang lungsod na dapat lusubin dahil puno ito ng pang-aapi.
כי כה אמר יהוה צבאות כרתו עצה ושפכו על ירושלם סללה היא העיר הפקד כלה עשק בקרבה׃
7 Gaya ng balon na patuloy na nagbibigay ng tubig, patuloy din na gumagawa ng kasamaan ang lungsod na ito. Narinig sa kaniya ang karahasan at kaguluhan. Patuloy sa aking harapan ang pagdurusa at salot.
כהקיר בור מימיה כן הקרה רעתה חמס ושד ישמע בה על פני תמיד חלי ומכה׃
8 Jerusalem, tanggapin mo ang pagtutuwid, kung hindi tatalikuran kita at wawasakin, isang lupain na walang maninirahan.”'
הוסרי ירושלם פן תקע נפשי ממך פן אשימך שממה ארץ לוא נושבה׃
9 Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, “Tiyak na pupulutin nila ang mga naiwan sa Israel tulad ng isang ubasan. Muli ninyong iabot ang inyong mga kamay upang pitasin ang mga ubas mula sa mga puno nito.
כה אמר יהוה צבאות עולל יעוללו כגפן שארית ישראל השב ידך כבוצר על סלסלות׃
10 Kanino ako magsasabi at magbibigay ng babala upang makinig sila? Tingnan ninyo! May takip ang kanilang mga tainga. Hindi nila kayang bigyan ng pansin! Tingnan ninyo! Dumating sa kanila ang salita ni Yahweh upang itama sila ngunit hindi nila ito nais.”
על מי אדברה ואעידה וישמעו הנה ערלה אזנם ולא יוכלו להקשיב הנה דבר יהוה היה להם לחרפה לא יחפצו בו׃
11 Ngunit napuno ako ng matinding poot ni Yahweh. Napagod ako sa pagpipigil nito. Sinabi niya sa akin, “Ibuhos mo ito sa mga bata sa mga lansangan at sa mga pangkat ng mga binata. Sapagkat kukunin ang bawat lalaki kasama ang kaniyang asawa at ang bawat matanda na nabibigatan ng mga taon.
ואת חמת יהוה מלאתי נלאיתי הכיל שפך על עולל בחוץ ועל סוד בחורים יחדו כי גם איש עם אשה ילכדו זקן עם מלא ימים׃
12 Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayundin ang kanilang mga bukirin at mga asawa. Sapagkat lulusubin ko sa pamamagitan ng aking kamay ang mga naninirahan sa lupain. Ito ang pahayag ni Yahweh.
ונסבו בתיהם לאחרים שדות ונשים יחדו כי אטה את ידי על ישבי הארץ נאם יהוה׃
13 Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya.
כי מקטנם ועד גדולם כלו בוצע בצע ומנביא ועד כהן כלו עשה שקר׃
14 Ngunit pinagaling lamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao, nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunit walang kapayapaan.
וירפאו את שבר עמי על נקלה לאמר שלום שלום ואין שלום׃
15 Nahiya ba sila nang gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi talaga sila nahiya, hindi sila nakaranas ng anumang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila kasama ng mga babagsak sa panahon na parurusahan ko sila. Ipapatapon sila,” sabi ni Yahweh.
הבישו כי תועבה עשו גם בוש לא יבושו גם הכלים לא ידעו לכן יפלו בנפלים בעת פקדתים יכשלו אמר יהוה׃
16 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'
כה אמר יהוה עמדו על דרכים וראו ושאלו לנתבות עולם אי זה דרך הטוב ולכו בה ומצאו מרגוע לנפשכם ויאמרו לא נלך׃
17 Nagtalaga ako para sa inyo ng mga bantay upang pakinggan ang trumpeta. Ngunit sinabi nila, 'Hindi kami makikinig.'
והקמתי עליכם צפים הקשיבו לקול שופר ויאמרו לא נקשיב׃
18 Kaya, mga bansa, makinig kayo! Tingnan ninyo, kayong mga saksi, kung ano ang mangyayari sa kanila.
לכן שמעו הגוים ודעי עדה את אשר בם׃
19 Dinggin mo, daigdig! Tingnan mo, maghahatid ako ng sakuna sa mga tao na ito, ang bunga ng kanilang mga pag-iisip. Hindi nila binigyan ng pansin ang aking salita o kautusan, sa halip itinakwil nila ito.”
שמעי הארץ הנה אנכי מביא רעה אל העם הזה פרי מחשבותם כי על דברי לא הקשיבו ותורתי וימאסו בה׃
20 “Ano ang kahulugan para sa akin ng pag-angat ng kamanyang mula sa Sheba? O ng mga mabangong samyo na ito mula sa malayong lupain? Hindi katanggap-tanggap sa akin ang inyong mga handog na susunugin ni ang inyong mga alay.
למה זה לי לבונה משבא תבוא וקנה הטוב מארץ מרחק עלותיכם לא לרצון וזבחיכם לא ערבו לי׃
21 Kaya sinabi ito ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, maglalagay ako ng katitisuran laban sa mga taong ito. Matitisod sila dito, ang mga ama kasama ang mga anak na lalaki. Ang mga naninirahan sa lugar na iyon at ang kanilang kapwa ay mamamatay rin.
לכן כה אמר יהוה הנני נתן אל העם הזה מכשלים וכשלו בם אבות ובנים יחדו שכן ורעו יאבדו׃
22 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, dumarating ang mga tao mula sa lupain sa hilaga. Sapagkat nahikayat na pumunta ang isang dakilang bansa mula sa malayong lupain.
כה אמר יהוה הנה עם בא מארץ צפון וגוי גדול יעור מירכתי ארץ׃
23 Kukuha sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng dagundong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na nakahanay bilang mga mandirigma, anak na babae ng Zion.'”
קשת וכידון יחזיקו אכזרי הוא ולא ירחמו קולם כים יהמה ועל סוסים ירכבו ערוך כאיש למלחמה עליך בת ציון׃
24 Narinig natin ang balita tungkol sa kanila. Nabali ang ating mga kamay dahil sa kaguluhan. Napupuno tayo ng pagdadalamhati gaya ng isang babaeng magsisilang ng sanggol.
שמענו את שמעו רפו ידינו צרה החזיקתנו חיל כיולדה׃
25 Huwag kayong pupunta sa mga bukirin at huwag kayong maglakad sa mga lansangan sapagkat ang espada ng kaaway at ang matinding takot ay nasa paligid.
אל תצאי השדה ובדרך אל תלכי כי חרב לאיב מגור מסביב׃
26 Anak na babae ng aking mga tao, magsuot kayo ng damit-panluksa at gumulong sa alikabok ng isang paglilibing para sa kaisa-isang anak. Magsagawa kayo ng mapait na paglilibing para sa inyong mga sarili sapagkat biglang darating sa atin ang taga-wasak.
בת עמי חגרי שק והתפלשי באפר אבל יחיד עשי לך מספד תמרורים כי פתאם יבא השדד עלינו׃
27 “Ginawa kita, Jeremias, na susubok sa aking bayan tulad ng isang tao na sumusubok sa metal, kaya sisiyasatin mo at susubukin ang kanilang mga kaparaanan.
בחון נתתיך בעמי מבצר ותדע ובחנת את דרכם׃
28 Silang lahat ang pinakamatitigas ang ulo na patuloy na sinisiraan ang iba. Silang lahat ay mga tanso at bakal na nandaraya.
כלם סרי סוררים הלכי רכיל נחשת וברזל כלם משחיתים המה׃
29 Ang pang-ihip ay pinainit sa pamamagitan ng apoy na sumusunog sa kanila. Natunaw sa apoy ang tingga. Patuloy ang pagdalisay sa kanila, ngunit wala itong saysay dahil hindi natanggal ang kasamaan.
נחר מפח מאשתם עפרת לשוא צרף צרוף ורעים לא נתקו׃
30 Tatawagin silang mga itinakwil na pilak sapagkat itinakwil sila ni Yahweh.”
כסף נמאס קראו להם כי מאס יהוה בהם׃

< Jeremias 6 >