< Jeremias 52 >
1 Si Zedekias ay dalawampu't isang taon nang siya ay magsimulang maghari; naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias na mula sa Libna.
Zedekiah was twenty-one years old when he became the King [of Judah]. He ruled in Jerusalem for eleven years. His mother was Hamutal, the daughter of [a man named] Jeremiah from Libnah [town].
2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at ginawa niya ang lahat ng ginawa ni Jehoiakim.
Zedekiah did [many] things that Yahweh says are evil, like [his father] Jehoiakim had done.
3 Sa galit ni Yahweh, nangyari ang lahat ng pangyayaring ito sa Jerusalem at Juda, hanggang sa itakwil niya sila sa kaniyang harapan. Pagkatapos ay naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
[The events that are summarized here happened] because Yahweh was angry with [the people of] Jerusalem and [of other places in] Judah, and finally he (exiled them/forced them to go to other countries) [and said that he did not want to have anything to do with] them any more. Zedekiah rebelled against the king of Babylon.
4 Nangyari na sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ikasampung buwan, at sa ikasampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, kasama ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo sila sa kabila nito, at nagtayo sila ng pader sa palibot nito.
[So, ] on January 15, when Zedekiah had been ruling for almost nine years, King Nebuchadnezzar of Babylon led his entire army to attack Jerusalem. They surrounded the city and built dirt ramps up to the top of the city walls [to enable them to attack the city].
5 Kaya ang lungsod ay nilusob hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Haring Zedekias.
They continued to surround Jerusalem until Zedekiah had been ruling for almost eleven years.
6 Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
When Zedekiah had been ruling for almost eleven years, by July 18 of that year, the (famine/lack of food) in the city had become very severe, and there was no [more] food for the people [to eat].
7 Pagkatapos nilusob at winasak ang lungsod, at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigma ay tumakas at lumabas sa lungsod sa gabi, dumaan sila sa tarangkahan na nasa pagitan ng dalawang pader, malapit sa hardin ng hari, kahit na ang mga Caldea ay nakapalibot sa lungsod. Kaya nagtungo sila sa direksiyon ng Araba.
Then [the soldiers of Babylonia] broke through [a section of] the city wall, and all the [Israeli] soldiers fled. But because the city was surrounded by soldiers from Babylonia, [Zedekiah and the Israeli] soldiers [waited until] it became dark. Then they left the city through the gate between the two walls behind the king’s garden. Then they ran towards the Jordan River Valley.
8 Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
But the soldiers of Babylonia pursued King Zedekiah, and they caught up with him on the plains near Jericho. [He was alone because] all his men had deserted him and had scattered.
9 Binihag nila ang hari at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan niya ibinigay ang hatol sa kaniya.
The soldiers of Babylonia took him to the king of Babylon, who was at Riblah in the Hamath [region]. There the king of Babylon told [his soldiers what] they should do to punish Zedekiah.
10 Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan, at pinatay din niya sa Ribla ang lahat ng mga pinuno ng Juda.
They forced Zedekiah to watch while they killed his sons and all the officials from Judah.
11 Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
[Then] they gouged out Zedekiah’s eyes. They fastened him with bronze chains and took him to Babylon. They put him in a prison, and he remained there until the day that he died.
12 Ngayon sa ikalimang buwan, sa ikasampung araw ng buwan, na siyang ikalabinsiyam na taon ng paghahari ni Haring Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, dumating si Nebuzaradan sa Jerusalem. Siya ang pinuno ng mga bantay ng hari at isang lingkod ng hari ng Babilonia.
On August 17 of that year, which was when King Nebuchadnezzar had been ruling for almost 19 years, Nebuzaradan, who was the captain of the king’s bodyguards and one of the king’s officials, arrived in Jerusalem.
13 Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Ganoon din sinunog niya ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
He [commanded his soldiers to] burn down the temple of Yahweh, the king’s palace, and all the houses in Jerusalem. They [also] destroyed all the important buildings [in the city].
14 Ang mga pader naman sa palibot ng Jerusalem ay winasak ng lahat ng hukbo ng Babilonia kasama ng pinuno ng mga bantay.
Then he supervised the soldiers from Babylonia while they tore down the walls on all sides of Jerusalem.
15 At ang mga pinakamahihirap na tao, ang mga taong naiwan sa lungsod, ang mga nagsitakas patungo sa hari ng Babilonia, at ang mga nalabing manggagawa—dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng mga bantay, ang ilan sa kanila ay ipinatapon.
Then Nebuzaradan (forced to go/exiled) [to Babylon] some of the poorest people, those Israelis who had said they would support the king of Babylon, the rest of the craftsmen, and other people who had remained in Jerusalem.
16 Ngunit iniwan ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, ang ilan sa mga pinakamahihirap sa lupain upang magtrabaho sa ubasan at sa mga bukid.
But Nebuzaradan allowed some of the very poor people to remain [in Judah] to take care of the vineyards and fields.
17 Ang mga posteng tanso naman na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang dagat na tanso na nasa tahanan ni Yahweh, sinira at dinurog ng mga Caldea sa malilit na piraso ang tanso at dinala sa Babilonia.
The soldiers from Babylonia broke [into pieces] the [huge] bronze pillars that were in front of the temple, and the [large] bronze water tank, and the [ten bronze water] carts, and they took all the bronze to Babylon.
18 Ang mga palayok, mga pala, mga gunting, mga mangkok, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod sa templo ay kinuhang lahat ng mga Caldea.
They also took away the basins [for holding the ashes from the burned sacrifices], the shovels [for cleaning out the ashes], the tools for snuffing out the wicks of the lamps, the basins [for holding the blood of the sacrificed animals], the dishes [for incense], and all the [other] bronze items that were used when sacrifices were made at the temple.
19 Ang mga palanggana at ang mga sunugan ng insenso, ang mga mangkok, mga palayok, mga kandelero, at mga palanggana na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak ay kinuha rin ng kapitan ng bantay ng hari.
Nebuzaradan also [told his soldiers to] take away the small bowls, the dishes for burning incense, the basins, pots, lampstands, bowls [for incense], and the bowls used for pouring out the wine offerings. They took all the other items that were made of pure gold or silver.
20 Ang dalawang poste, ang dagat-dagatan, at ang labindalawang tansong toro na nasa ilalim ng mga patungan, ang mga bagay na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh ay naglalaman ng maraming tanso na higit sa kanilang kayang timbangin.
The bronze from the two pillars, the [large water] tank and the twelve statues of oxen that were beneath it, and the water carts, was more/heavier than they could weigh. Those things had been made for the temple during the time that Solomon was the king.
21 Ang poste ay may taas na labing walong kubit bawat isa, at ang bawat paikot ay nasukat ang bawat isa ng labindalawang kubit. Ang bawat isa ay may apat na daliri ang kapal ngunit walang laman sa loob.
Each of the pillars was (27 feet/8 meters) tall and (18 feet/5.5 meters) around. They were hollow, and each had sides/walls that were (3 in./8 cm.) thick.
22 May pangunahing tanso sa ibabaw nito. Ang sukat nito ay may limang kubit ang taas, na may palamuti at mga granada sa palibot. Ang lahat ay gawa sa tanso. Ang ibang poste at mga granada ay kapareho ng nauna.
The bronze head on the top of each pillar was (7-1/2 feet/over 2 meters) high and was decorated all around with a bronze [network of figures that represented] pomegranates.
23 Kaya mayroong siyamnapu't anim na granada sa tagiliran ng kapitel, at isandaang granada sa itaas ng nakapalibot na palamuti.
There was a total of 100 figures of pomegranates on the network at the top, 96 of which could be seen from the ground.
24 Dinalang bihag ng pinuno ng bantay si Seraias, na pinakapunong pari, kasama si Zepanias, na pangalawang pari, at ang tatlong bantay ng tarangkahan.
When Nebuzaradan [returned to Babylon], he took [with him as prisoners] Seraiah the Supreme Priest, Zephaniah who was Seraiah’s deputy, and the three men who guarded the entrances [to the temple].
25 Mula sa lungsod dinala niyang bihag ang isang opisyal na namamahala sa mga kawal, at pitong mga kalalakihan na tagapayo ng hari, na nananatili sa lungsod. Kinuha din niyang bilanggo ang opisyal ng hukbo ng hari na tumatawag sa mga kalalakihan para maging kawal, kasama ang animnapung mahahalagang mga kalalakihan mula sa lupain na nasa lungsod.
He found [some other] people who were [hiding] in the city. [So] from them he took a commander of the army [of Judah], seven of the king’s advisors, the army commander’s chief secretary who was in charge of recruiting [soldiers for the army], and 60 [other] soldiers.
26 Pagkatapos kinuha at dinala sila ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, sa hari ng Babilonia sa Ribla.
Nebuzaradan took them all to the king of Babylon, [who was still] at Riblah.
27 Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan lumabas ang Juda sa lupain nito sa pagpapatapon.
There at Riblah in the Hamath region, the king of Babylon commanded that they [all] be executed. [Many of the people of] Judah were (forced to leave/exiled from) their own land.
28 Ito ang mga taong dinalang bihag ni Haring Nebucadnezar: sa ikapitong taon ay 3, 023 na mga taga-Judea.
The number of people who were captured and sent to Babylon at that time, when Nebuchadnezzar had been ruling for almost seven years, was 3,023.
29 Sa ikalabing-walong taon ni haring Nebucadnezar kinuha niya ang 832 mga tao mula sa Jerusalem.
Then, when he had been ruling for almost 18 years, his [soldiers] took 832 [more Israeli people to Babylonia].
30 Sa ikadalawampu't tatlong taon ni Nebucadnezar, dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay ng hari ang 745 na mga Judio. Ang lahat ng kabuuan ng mga taong ipinatapon ay 4, 600.
When he had been ruling almost 23 years, he sent Nebuzaradan [to Jerusalem again], and he brought back 745 [more Israelis to Babylonia]. That was a total of 4,600 Israelis [who were taken to Babylonia].
31 Nangyari na sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagpapatapon kay Jehoiakin, na hari ng Juda, sa ikalabindalawang buwan, sa ikadalawampu't limang araw ng buwan, na pinalaya ni Evil-merodac na hari ng Babilonia si haring Jehoiakin mula sa kulungan. Nangyari ito sa taon nang simulang maghari si Evil-merodac.
After King Jehoiachin of Judah had been in prison [in Babylon] for almost thirty-seven years, Evil-Merodach became the king of Babylon. He was kind to Jehoiachin and ordered that he be released from prison. That was on March 31 of the year that Evil-Merodach became king.
32 Siya ay nagsalita ng kagandahang loob at binigyan siya ng upuan na mas kagalang-galang kaysa sa ibang hari na kasama niya sa Babilonia.
He [always] spoke kindly to Jehoiachin and gave him a position in which he was honored more than [all] the other kings [who had been exiled/taken to Babylon].
33 Inalis ni Evil-merodac ang damit pangbilanggo ni Jehoiakin at palaging kumakain si Jehoiakin sa hapag ng hari sa natirang taon ng kaniyang buhay.
He [supplied new clothes] for Jehoiachin, to replace the clothes that he had been wearing in prison. [He also allowed] Jehoiachin to eat with him every day, all during the rest of his life.
34 At binigyan ng pagkain sa araw-araw sa natitira pang taon ng kaniyang buhay hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
Every day, the King [of Babylon] gave him some money [to buy the things that he needed. That continued] until the day that Jehoiachin died.