< Jeremias 52 >

1 Si Zedekias ay dalawampu't isang taon nang siya ay magsimulang maghari; naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias na mula sa Libna.
西底家登基的时候年二十一岁,在耶路撒冷作王十一年。他母亲名叫哈慕她,是立拿人耶利米的女儿。
2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at ginawa niya ang lahat ng ginawa ni Jehoiakim.
西底家行耶和华眼中看为恶的事,是照约雅敬一切所行的。
3 Sa galit ni Yahweh, nangyari ang lahat ng pangyayaring ito sa Jerusalem at Juda, hanggang sa itakwil niya sila sa kaniyang harapan. Pagkatapos ay naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
因此耶和华的怒气在耶路撒冷和犹大发作,以致将人民从自己的面前赶出。
4 Nangyari na sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ikasampung buwan, at sa ikasampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, kasama ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo sila sa kabila nito, at nagtayo sila ng pader sa palibot nito.
西底家背叛巴比伦王。他作王第九年十月初十日,巴比伦王尼布甲尼撒率领全军来攻击耶路撒冷,对城安营,四围筑垒攻城。
5 Kaya ang lungsod ay nilusob hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Haring Zedekias.
于是城被围困直到西底家王十一年。
6 Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
四月初九日,城里有大饥荒,甚至百姓都没有粮食。
7 Pagkatapos nilusob at winasak ang lungsod, at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigma ay tumakas at lumabas sa lungsod sa gabi, dumaan sila sa tarangkahan na nasa pagitan ng dalawang pader, malapit sa hardin ng hari, kahit na ang mga Caldea ay nakapalibot sa lungsod. Kaya nagtungo sila sa direksiyon ng Araba.
城被攻破,一切兵丁就在夜间从靠近王园两城中间的门,出城逃跑;迦勒底人正在四围攻城。他们就往亚拉巴逃去。
8 Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
迦勒底的军队追赶西底家王,在耶利哥的平原追上他。他的全军都离开他四散了。
9 Binihag nila ang hari at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan niya ibinigay ang hatol sa kaniya.
迦勒底人就拿住王,带他到在哈马地利比拉的巴比伦王那里;巴比伦王便审判他。
10 Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan, at pinatay din niya sa Ribla ang lahat ng mga pinuno ng Juda.
巴比伦王在西底家眼前杀了他的众子,又在利比拉杀了犹大的一切首领,
11 Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
并且剜了西底家的眼睛,用铜链锁着他,带到巴比伦去,将他囚在监里,直到他死的日子。
12 Ngayon sa ikalimang buwan, sa ikasampung araw ng buwan, na siyang ikalabinsiyam na taon ng paghahari ni Haring Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, dumating si Nebuzaradan sa Jerusalem. Siya ang pinuno ng mga bantay ng hari at isang lingkod ng hari ng Babilonia.
巴比伦王尼布甲尼撒十九年五月初十日,在巴比伦王面前侍立的护卫长尼布撒拉旦进入耶路撒冷,
13 Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Ganoon din sinunog niya ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
用火焚烧耶和华的殿和王宫,又焚烧耶路撒冷的房屋,就是各大户家的房屋。
14 Ang mga pader naman sa palibot ng Jerusalem ay winasak ng lahat ng hukbo ng Babilonia kasama ng pinuno ng mga bantay.
跟从护卫长迦勒底的全军就拆毁耶路撒冷四围的城墙。
15 At ang mga pinakamahihirap na tao, ang mga taong naiwan sa lungsod, ang mga nagsitakas patungo sa hari ng Babilonia, at ang mga nalabing manggagawa—dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng mga bantay, ang ilan sa kanila ay ipinatapon.
那时护卫长尼布撒拉旦将民中最穷的和城里所剩下的百姓,并已经投降巴比伦王的人,以及大众所剩下的人,都掳去了。
16 Ngunit iniwan ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, ang ilan sa mga pinakamahihirap sa lupain upang magtrabaho sa ubasan at sa mga bukid.
但护卫长尼布撒拉旦留下些民中最穷的,使他们修理葡萄园,耕种田地。
17 Ang mga posteng tanso naman na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang dagat na tanso na nasa tahanan ni Yahweh, sinira at dinurog ng mga Caldea sa malilit na piraso ang tanso at dinala sa Babilonia.
耶和华殿的铜柱并殿内的盆座和铜海,迦勒底人都打碎了,将那铜运到巴比伦去了,
18 Ang mga palayok, mga pala, mga gunting, mga mangkok, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod sa templo ay kinuhang lahat ng mga Caldea.
又带去锅、铲子、蜡剪、盘子、调羹,并所用的一切铜器、
19 Ang mga palanggana at ang mga sunugan ng insenso, ang mga mangkok, mga palayok, mga kandelero, at mga palanggana na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak ay kinuha rin ng kapitan ng bantay ng hari.
杯、火鼎、碗、盆、灯台、调羹、爵,无论金的银的,护卫长也都带去了。
20 Ang dalawang poste, ang dagat-dagatan, at ang labindalawang tansong toro na nasa ilalim ng mga patungan, ang mga bagay na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh ay naglalaman ng maraming tanso na higit sa kanilang kayang timbangin.
所罗门为耶和华殿所造的两根铜柱、一个铜海,并座下的十二只铜牛,这一切的铜多得无法可称。
21 Ang poste ay may taas na labing walong kubit bawat isa, at ang bawat paikot ay nasukat ang bawat isa ng labindalawang kubit. Ang bawat isa ay may apat na daliri ang kapal ngunit walang laman sa loob.
这一根柱子高十八肘,厚四指,是空的,围十二肘。
22 May pangunahing tanso sa ibabaw nito. Ang sukat nito ay may limang kubit ang taas, na may palamuti at mga granada sa palibot. Ang lahat ay gawa sa tanso. Ang ibang poste at mga granada ay kapareho ng nauna.
柱上有铜顶,高五肘;铜顶的周围有网子和石榴,都是铜的。那一根柱子照此一样,也有石榴。
23 Kaya mayroong siyamnapu't anim na granada sa tagiliran ng kapitel, at isandaang granada sa itaas ng nakapalibot na palamuti.
柱子四面有九十六个石榴,在网子周围,共有一百石榴。
24 Dinalang bihag ng pinuno ng bantay si Seraias, na pinakapunong pari, kasama si Zepanias, na pangalawang pari, at ang tatlong bantay ng tarangkahan.
护卫长拿住大祭司西莱雅、副祭司西番亚,和三个把门的,
25 Mula sa lungsod dinala niyang bihag ang isang opisyal na namamahala sa mga kawal, at pitong mga kalalakihan na tagapayo ng hari, na nananatili sa lungsod. Kinuha din niyang bilanggo ang opisyal ng hukbo ng hari na tumatawag sa mga kalalakihan para maging kawal, kasama ang animnapung mahahalagang mga kalalakihan mula sa lupain na nasa lungsod.
又从城中拿住一个管理兵丁的官,并在城里所遇常见王面的七个人和检点国民军长的书记,以及城里所遇见的国民六十个人。
26 Pagkatapos kinuha at dinala sila ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, sa hari ng Babilonia sa Ribla.
护卫长尼布撒拉旦将这些人带到利比拉的巴比伦王那里。
27 Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan lumabas ang Juda sa lupain nito sa pagpapatapon.
巴比伦王就把他们击杀在哈马地的利比拉。这样,犹大人被掳去离开本地。
28 Ito ang mga taong dinalang bihag ni Haring Nebucadnezar: sa ikapitong taon ay 3, 023 na mga taga-Judea.
尼布甲尼撒所掳的民数记在下面:在他第七年掳去犹大人三千零二十三名;
29 Sa ikalabing-walong taon ni haring Nebucadnezar kinuha niya ang 832 mga tao mula sa Jerusalem.
尼布甲尼撒十八年从耶路撒冷掳去八百三十二人;
30 Sa ikadalawampu't tatlong taon ni Nebucadnezar, dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay ng hari ang 745 na mga Judio. Ang lahat ng kabuuan ng mga taong ipinatapon ay 4, 600.
尼布甲尼撒二十三年,护卫长尼布撒拉旦掳去犹大人七百四十五名;共有四千六百人。
31 Nangyari na sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagpapatapon kay Jehoiakin, na hari ng Juda, sa ikalabindalawang buwan, sa ikadalawampu't limang araw ng buwan, na pinalaya ni Evil-merodac na hari ng Babilonia si haring Jehoiakin mula sa kulungan. Nangyari ito sa taon nang simulang maghari si Evil-merodac.
犹大王约雅斤被掳后三十七年,巴比伦王以未·米罗达元年十二月二十五日,使犹大王约雅斤抬头,提他出监,
32 Siya ay nagsalita ng kagandahang loob at binigyan siya ng upuan na mas kagalang-galang kaysa sa ibang hari na kasama niya sa Babilonia.
又对他说恩言,使他的位高过与他一同在巴比伦众王的位,
33 Inalis ni Evil-merodac ang damit pangbilanggo ni Jehoiakin at palaging kumakain si Jehoiakin sa hapag ng hari sa natirang taon ng kaniyang buhay.
给他脱了囚服。他终身在巴比伦王面前吃饭。
34 At binigyan ng pagkain sa araw-araw sa natitira pang taon ng kaniyang buhay hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
巴比伦王赐他所需用的食物,日日赐他一分,终身是这样,直到他死的日子。

< Jeremias 52 >