< Jeremias 51 >
1 “Ito ang sinasabi ni Yahweh, tingnan ninyo, pupukawin ko ang isang hangin ng pagkawasak laban sa Babilonia at laban sa mga nakatira sa Leb Kamai.
耶和華如此說: 我必使毀滅的風颳起, 攻擊巴比倫和住在立加米的人。
2 Magpapadala ako ng mga dayuhan sa Babilonia. Ikakalat nila ito at wawasaking ganap ang kaniyang lupain, sapagkat darating sila laban sa kaniya mula sa lahat ng dako sa araw ng malaking sakuna.
我要打發外邦人來到巴比倫, 簸揚她,使她的地空虛。 在她遭禍的日子, 他們要周圍攻擊她。
3 Huwag ninyong hayaang mahatak ng mga mamamana ang kanilang mga pana, huwag ninyo silang hayaang makapagsuot ng baluti. Huwag kayong magtira ng mga kabataang lalaki, itakda ninyo ang kaniyang buong hukbo sa pagkawasak.
拉弓的,要向拉弓的和貫甲挺身的射箭。 不要憐惜她的少年人; 要滅盡她的全軍。
4 Sapagkat ang mga taong sugatan ay babagsak sa mga lupain ng mga Caldeo, ang mga pinatay ay babagsak sa kaniyang mga lansangan.
他們必在迦勒底人之地被殺仆倒, 在巴比倫的街上被刺透。
5 Sapagkat ang Israel at ang Juda ay hindi pinabayaan ng kanilang Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, kahit na ang kanilang lupain ay puno ng mga ginawang paglabag laban sa Kaniya na Banal ng Israel.
以色列和猶大雖然境內充滿違背以色列聖者的罪, 卻沒有被他的上帝-萬軍之耶和華丟棄。
6 Lumayo kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, hayaang iligtas ng bawat tao ang kaniyang sarili. Huwag kayong malilipol sa kaniyang labis na malaking kasalanan. Sapagkat ito na ang panahon ng paghihiganti ni Yahweh. Pababayaran niya ang lahat ng ito sa kaniya.
你們要從巴比倫中逃奔, 各救自己的性命! 不要陷在她的罪孽中一同滅亡; 因為這是耶和華報仇的時候, 他必向巴比倫施行報應。
7 Ang Babilonia ay isang gintong kopa sa kamay ni Yahweh na naging dahilan ng pagkalasing ng buong lupain, ininom ng mga bansa ang kaniyang alak at nabaliw.
巴比倫素來是耶和華手中的金杯, 使天下沉醉; 萬國喝了她的酒就顛狂了。
8 Ang Babilonia ay biglaang babagsak at mawawasak. Tumangis para sa kaniya! Bigyan siya ng gamot para sa kaniyang karamdaman, baka sakaling siya ay gumaling.
巴比倫忽然傾覆毀壞; 要為她哀號; 為止她的疼痛, 拿乳香或者可以治好。
9 'Hinangad naming lunasan ang Babilonia ngunit hindi siya gumaling. Siya ay iwanan nating lahat at lumayo patungo sa sarili nating lupain. Sapagkat ang kaniyang pagkakasala ay umaabot na sa mga kalangitan, patung-patong ang mga ito hanggang sa mga ulap.'
我們想醫治巴比倫, 她卻沒有治好。 離開她吧!我們各人歸回本國; 因為她受的審判通於上天,達到穹蒼。
10 'Inihayag ni Yahweh ang ating kawalan ng kasalanan. Halina kayo, sabihin natin sa Zion ang mga ginawa ni Yahweh na ating Diyos.'
耶和華已經彰顯我們的公義。 來吧!我們可以在錫安 報告耶和華-我們上帝的作為。
11 Patalasin ninyo ang inyong mga palaso at kunin ang mga panangga. Pinapakilos na ni Yahweh ang espiritu ng hari ng Medes para sa layuning wasakin ang Babilonia. Ito ay para sa paghihiganti ni Yahweh, paghihiganti para sa pagkawasak ng kaniyang templo.
你們要磨尖了箭頭, 抓住盾牌。 耶和華定意攻擊巴比倫,將她毀滅,所以激動了米底亞君王的心;因這是耶和華報仇,就是為自己的殿報仇。
12 Itaas ninyo ang bandila sa ibabaw ng mga pader ng Babilonia at ilagay sa pwesto ang mga taga-bantay. Italaga ninyo ang mga magbabantay at ikubli ang mga kawal upang hulihin ang sinumang tumatakbo mula sa lungsod, sapagkat gagawin ni Yahweh ang kaniyang mga plano. Gagawin niya ang kaniyang ipinahayag laban sa mga naninirahan sa Babilonia.
你們要豎立大旗, 攻擊巴比倫的城牆; 要堅固瞭望臺, 派定守望的設下埋伏; 因為耶和華指着巴比倫居民所說的話、 所定的意,他已經作成。
13 Kayong mga taong naninirahan sa maraming dumadaloy na tubig, kayong mga taong sagana sa kayamanan, dumating na ang inyong katapusan. Ang mitsa ng inyong buhay ngayon ay pinaikli na.
住在眾水之上多有財寶的啊, 你的結局到了! 你貪婪之量滿了!
14 Si Yahweh ng mga hukbo ay nanumpa ayon sa kaniyang sariling buhay, “Pupunuin ko kayo ng inyong mga kalaban, katulad ng isang salot ng mga balang, isisigaw sila ng isang pandigma laban sa iyo.”
萬軍之耶和華指着自己起誓說: 我必使敵人充滿你,像螞蚱一樣; 他們必吶喊攻擊你。
15 Ginawa niya ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, inilagay niya sa kaayusan ang mundo ayon sa kaniyang karunungan. Sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, pinalawak niya ang kalangitan.
耶和華用能力創造大地, 用智慧建立世界, 用聰明鋪張穹蒼。
16 Kapag ginagawa niya ang mga kulog, mayroong dagundong ng mga tubig sa mga kalangitan, sapagkat itinataas niya ang ambon mula sa mga hangganan ng sanlibutan. Gumagawa siya ng kidlat para sa ulan at nagpapadala ng hangin mula sa kaniyang mga kamalig.
他一發聲,空中便有多水激動; 他使雲霧從地極上騰。 他造電隨雨而閃, 從他府庫中帶出風來。
17 Ang bawat tao ay nagiging tulad ng isang hayop na walang kaalaman, ang bawat manggagawa ng bakal ay ipinapahiya ng kaniyang mga diyus-diyosan. Sapagkat ang inanyuang mga imahe ay mga panlilinlang, walang buhay sa kanila.
各人都成了畜類,毫無知識。 各銀匠都因他的偶像羞愧; 他所鑄的偶像本是虛假的, 其中並無氣息,
18 Wala silang pakinabang, gawa ng mga manloloko, malilipol sila sa oras ng kanilang kaparusahan.
都是虛無的,是迷惑人的工作, 到追討的時候,必被除滅。
19 Ngunit ang Diyos na kabahagi ni Jacob ay hindi katulad ng mga ito, sapagkat siya ang humuhubog sa lahat ng bagay. Ang Israel ang tribu ng kaniyang mana. Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
雅各的分不像這些, 因他是造作萬有的主; 以色列也是他產業的支派。 萬軍之耶和華是他的名。
20 Ikaw ang aking martilyong pandigma, ang aking sandata sa labanan. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga bansa at sisirain ang mga kaharian.
你是我爭戰的斧子和打仗的兵器; 我要用你打碎列國, 用你毀滅列邦;
21 Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga kabayo at ang kanilang mga sakay. Sa pamamagitan mo dudurugin ko ang mga pandigmang karwahe pati ang nagpapatakbo nito.
用你打碎馬和騎馬的; 用你打碎戰車和坐在其上的;
22 Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang bawat lalaki at babae, sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang matanda at bata. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga binata at mga babaeng birhen.
用你打碎男人和女人; 用你打碎老年人和少年人; 用你打碎壯丁和處女;
23 Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga nagpapastol at ang kanilang mga kawan, Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga nag-aararo at ang kanilang mga kasama. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga namumuno at ang mga opisyal.
用你打碎牧人和他的群畜; 用你打碎農夫和他一對牛; 用你打碎省長和副省長。
24 Para sa inyong paningin, pagbabayarin ko ang Babilonia at lahat ng naninirahan sa Caldea dahil sa lahat ng masamang ginawa nila sa Zion— Ito ang pahayag ni Yahweh.”
耶和華說:「我必在你們眼前報復巴比倫人和迦勒底居民在錫安所行的諸惡。」
25 “Tingnan mo, ako ay laban sa iyo, sa iyo na bundok, sa iyo na pumatay sa ibang tao—ito ang pahayag ni Yahweh—na winawasak ang lahat sa mundo. Hahampasin kita sa pamamagitan ng aking kamay at ihuhulog ka sa mga bangin. Pagkatapos ay gagawin kitang bundok na lubusang nasunog.
耶和華說: 你這行毀滅的山哪, 就是毀滅天下的山, 我與你反對。 我必向你伸手, 將你從山巖滾下去, 使你成為燒毀的山。
26 Upang hindi sila kailanman kukuha ng mga bato mula sa iyo upang gumawa ng pundasyon ng isang gusali, dahil magiging ganap kang kasiraan magpakailanman—ito ang pahayag ni Yahweh.”
人必不從你那裏取石頭為房角石, 也不取石頭為根基石; 你必永遠荒涼。 這是耶和華說的。
27 “Magtaas kayo ng isang bandila sa mundo. Hipan ninyo ang trumpeta sa lahat ng mga bansa. Italaga ninyo ang mga bansa upang lusubin siya. Ipamalita ninyo sa mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz ang tungkol sa kaniya, magtalaga kayo ng isang pinuno ng mga kawal upang salakayin siya, magdala kayo ng mga kabayo tulad ng napakaraming balang.
要在境內豎立大旗, 在各國中吹角, 使列國預備攻擊巴比倫, 將亞拉臘、米尼、亞實基拿各國招來攻擊她; 又派軍長來攻擊她, 使馬匹上來如螞蚱,
28 Italaga ninyo ang mga bansa upang salakayin siya, ang mga hari ng Medes at ang kaniyang mga namumuno, lahat ng mga opisyal at lahat ng mga lupain sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
使列國和米底亞君王,與省長和副省長, 並他們所管全地之人,都預備攻擊她。
29 Sapagkat ang lupain ay mayayanig at labis na malulungkot, sapagkat patuloy ang plano ni Yahweh laban sa Babilonia, upang gawing kaparangan ang lupain ng Babilonia kung saan walang naninirahan.
地必震動而瘠苦; 因耶和華向巴比倫所定的旨意成立了, 使巴比倫之地荒涼,無人居住。
30 Tumigil na sa pakikipagdigma ang mga kawal ng Babilonia, nanatili sila sa kanilang mga tanggulan. Ang kanilang lakas ay nanghina na, sila ay naging mga babae na—ang kaniyang mga tahanan ay tinutupok na ng apoy, at ang mga rehas ng kaniyang tarangkahan ay nasira na.
巴比倫的勇士止息爭戰, 藏在堅壘之中。 他們的勇力衰盡,好像婦女一樣。 巴比倫的住處有火着起, 門閂都折斷了。
31 Ang isang mensahero ay tumatakbo upang ipahayag sa iba pang mensahero, at ipinapahayag ng mananakbo sa iba pang mananakbo sa Hari ng Babilonia na ang kaniyang lungsod ay nasakop na sa magkabilang dulo.
跑報的要彼此相遇, 送信的要互相迎接, 報告巴比倫王說: 城的四方被攻取了,
32 Kaya hinuhuli ang lahat ng mga tumatawid sa ilog, sinusunog ng kaaway ang mga tuyong tambo sa mga sapa, at ang mga lalaking mandirigma ng Babilonia ay nalito na.”
渡口被佔據了, 葦塘被火燒了, 兵丁也驚慌了。
33 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang babaeng anak ng Babilonia ay katulad ng isang giikan. Panahon na upang tapak-tapakan siya. Hindi magtatagal at sasapit na sa kaniya ang oras ng anihan.
萬軍之耶和華-以色列的上帝如此說: 巴比倫城好像踹穀的禾場; 再過片時,收割她的時候就到了。
34 Sinasabi ng Jerusalem, 'Nilamon ako ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Piniga niya ako hanggang sa matuyo at ginawa niya akong banga na walang laman. Nilunok niya ako na tulad ng isang dragon. Binusog niya ang kaniyang tiyan ng masarap kong pagkain at ako ay kaniyang isinuka.'
以色列人說: 巴比倫王尼布甲尼撒吞滅我,壓碎我, 使我成為空虛的器皿。 他像大魚將我吞下, 用我的美物充滿他的肚腹, 又將我趕出去。
35 Sasabihin ng mga taga-Zion, 'Maibalik nawa laban sa Babilonia ang pagmamalupit na ginawa sa akin at sa aking pamilya.' Sasabihin ng Jerusalem, 'Maibalik nawa laban sa mga naninirahan sa Caldea ang kanilang kasalanan nang dumanak ang aking dugo.'”
錫安的居民要說: 巴比倫以強暴待我, 損害我的身體, 願這罪歸給她。 耶路撒冷人要說: 願流我們血的罪歸到迦勒底的居民。
36 Kaya nga, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ipagtatanggol ko kayo sa inyong kalagayan at ipaghihiganti ko kayo. Sapagkat tutuyuin ko ang mga tubig sa Babilonia at tutuyuin ko ang kaniyang mga bukal.
所以,耶和華如此說: 我必為你伸冤,為你報仇; 我必使巴比倫的海枯竭,使她的泉源乾涸。
37 Ang Babilonia ay magiging bunton ng mga durog na bato, pugad ng mga asong-gubat, isang katatakutan at tampulan ng panunutsot, kung saan walang maninirahan.
巴比倫必成為亂堆,為野狗的住處, 令人驚駭、嗤笑, 並且無人居住。
38 Ang mga taga-Babilonia ay sama-samang aatungal katulad ng mga batang leon. Sila ay aangil na tulad ng mga batang leon.
他們要像少壯獅子咆哮, 像小獅子吼叫。
39 Kapag sila ay uminit sa kanilang kasakiman, gagawa ako ng handaan para sa kanila. Lalasingin ko sila upang sumaya sila, at pagkatapos ay matutulog sila nang walang katapusan at hindi na magigising pa—ito ang pahayag ni Yahweh.
他們火熱的時候, 我必為他們設擺酒席, 使他們沉醉,好叫他們快樂, 睡了長覺,永不醒起。 這是耶和華說的。
40 Ipadadala ko sila na tulad ng mga batang tupa sa katayan, tulad ng mga lalaking tupa na may kasamang mga lalaking kambing.
我必使他們像羊羔、 像公綿羊和公山羊下到宰殺之地。
41 Paanong nasakop ang Babilonia! Kaya ang papuri ng mundo ay inagaw. Paanong ang Babilonia ay naging wasak na lugar na lamang sa lahat ng bansa.
示沙克何竟被攻取? 天下所稱讚的何竟被佔據? 巴比倫在列國中何竟變為荒場?
42 Sinakluban na ng dagat ang Babilonia. Natakpan na ito ng kaniyang mga umuugong na alon.
海水漲起,漫過巴比倫; 她被許多海浪遮蓋。
43 Ang kaniyang mga lungsod ay pinabayaan na, isang tuyong lupain at ilang, isang lupain na walang naninirahan, at walang taong dumaraan.
她的城邑變為荒場、旱地、沙漠, 無人居住,無人經過之地。
44 Kaya parurusahan ko si Bel sa Babilonia, ilalabas ko mula sa kaniyang bibig ang kaniyang nilunok, at hindi na muling dadaloy sa kaniya ang handog ng mga bansa. Babagsak ang mga pader ng Babilonia.
我必刑罰巴比倫的彼勒, 使他吐出所吞的。 萬民必不再流歸他那裏; 巴比倫的城牆也必坍塌了。
45 Umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan, aking bayan. Iligtas ninyo ang sarili ninyong buhay mula sa bangis ng aking galit.
我的民哪,你們要從其中出去! 各人拯救自己,躲避耶和華的烈怒。
46 Huwag ninyong hayaan na manghina ang inyong mga puso o matakot sa mga narinig ninyong mga balita sa lupain, sapagkat ang mga balita ay darating sa isang taon. Pagkatapos nito, sa susunod na taon ay magkakaroon ng mga balita at darating ang mga karahasan sa lupain. Maglalaban-laban ang mga namumuno.
你們不要心驚膽怯, 也不要因境內所聽見的風聲懼怕; 因為這年有風聲傳來; 那年也有風聲傳來, 境內有強暴的事, 官長攻擊官長。
47 Kaya nga tingnan, darating ang mga araw na parurusahan ko ang mga inukit na diyus-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang lahat ng kaniyang lupain at lahat ng kaniyang mga pinatay ay mahuhulog sa kaniyang kalagitnaan.
日子將到,我必刑罰巴比倫雕刻的偶像。 她全地必然抱愧; 她被殺的人必在其中仆倒。
48 Magdiriwang ang kalangitan at ang lupa, ang lahat ng nilalaman nito ay magagalak sa Babilonia. Sapagkat darating sa kaniya ang mga maninira mula sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh.
那時,天地和其中所有的, 必因巴比倫歡呼, 因為行毀滅的要從北方來到她那裏。 這是耶和華說的。
49 “Gaya ng ginawa ng Babilonia, kung saan pinabagsak niya ang kaniyang mga pinatay sa Israel, kaya ang mga namatay sa kaniyang lupain ay babagsak din sa Babilonia.”
巴比倫怎樣使以色列被殺的人仆倒, 照樣她全地被殺的人也必在巴比倫仆倒。
50 Kayong mga nakaligtas mula sa espada, lumayo kayo. Huwag kayong manatili. Tumawag kayo kay Yahweh mula sa malayo, isipin ninyo ang Jerusalem.
你們躲避刀劍的要快走, 不要站住! 要在遠方記念耶和華, 心中追想耶路撒冷。
51 Tayo ay napahiya sapagkat nakarinig tayo ng pang-iinsulto, nabalot ng pagsisisi ang ating mga mukha sapagkat ang mga dayuhan ay pumasok sa mga banal na dako ng templo ni Yahweh.
我們聽見辱罵就蒙羞,滿面慚愧, 因為外邦人進入耶和華殿的聖所。
52 Samakatuwid, tingnan ninyo, dumarating na ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na parurusahan ko ang kaniyang mga inukit na diyus-diyosan at ang mga taong sugatan ay tatangis sa lahat ng kaniyang lupain, ito ang pahayag ni Yahweh.
耶和華說: 日子將到,我必刑罰巴比倫雕刻的偶像, 通國受傷的人必唉哼。
53 Sapagkat kahit na pupunta sa kalangitan ang Babilonia o patibayin pa niya ang kaniyang mga pinakamataas na tanggulan, darating ang mga wawasak sa kaniya mula sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
巴比倫雖升到天上, 雖使她堅固的高處更堅固, 還有行毀滅的從我這裏到她那裏。 這是耶和華說的。
54 Isang sigaw ng pagkabahala ang manggagaling sa Babilonia, isang malaking pagguho mula sa lupain ng mga Caldeo.
有哀號的聲音從巴比倫出來; 有大毀滅的響聲從迦勒底人之地發出。
55 Sapagkat winawasak ni Yahweh ang Babilonia. Siya ang dahilan na mawawala ang kaniyang malakas na tinig. Ang kanilang mga kalaban ay umuugong na gaya ng maraming alon ng tubig, ang kanilang ingay ay magiging napakalakas.
因耶和華使巴比倫變為荒場, 使其中的大聲滅絕。 仇敵彷彿眾水, 波浪匉訇,響聲已經發出。
56 Sapagkat dumating ang mga wawasak sa kaniya, wawasak sa Babilonia, at nahuli na ang kaniyang mga mandirigma. Ang kanilang mga pana ay nabali sapagkat si Yahweh ay ang Diyos ng paghihiganti, tiyak na gagawin niya ang pagbabayad na ito.
這是行毀滅的臨到巴比倫。 巴比倫的勇士被捉住, 他們的弓折斷了; 因為耶和華是施行報應的上帝, 必定施行報應。
57 Dahil lalasingin ko ang lahat ng kaniyang mga prinsipe, mga pantas, mga opisyal at mga kawal, at matutulog sila nang walang hanggan at hindi na magigising pa. Ito ang pahayag ng Hari. Ang kaniyang pangalan ay Yahweh ng mga hukbo.”
君王-名為萬軍之耶和華的說: 我必使巴比倫的首領、 智慧人、省長、副省長,和勇士都沉醉, 使他們睡了長覺,永不醒起。
58 “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo. Ang makapal na pader sa Babilonia ay lubusang guguho at ang kaniyang mataas na tarangkahan ay susunugin. Pagkatapos, ang lahat ng tutulong sa kaniya ay magpapagal ng walang kabuluhan at lahat ng sisikaping gawin ng mga bansa sa kaniya ay masusunog.
萬軍之耶和華如此說: 巴比倫寬闊的城牆必全然傾倒; 她高大的城門必被火焚燒。 眾民所勞碌的必致虛空; 列國所勞碌的被火焚燒, 他們都必困乏。
59 Ito ang salitang ipinahayag ni Jeremias na propeta kay Seraias na lalaking anak ni Neraias na lalaking anak ni Macsaias noong magkasama silang pumunta ni Zedekias na hari ng Juda sa Babilonia sa ikaapat na taon ng kaniyang pamumuno. Ngayon, si Seraias ay isang punong opisyal.
猶大王西底家在位第四年,上巴比倫去的時候,瑪西雅的孫子、尼利亞的兒子西萊雅與王同去(西萊雅是王宮的大臣),先知耶利米有話吩咐他。
60 Sapagkat isinulat ni Jeremias sa isang kasulatang balumbon ang mga pahayag ng lahat ng malaking kapahamakan na darating sa Babilonia—ang lahat ng salitang ito na nakasulat tungkol sa Babilonia.
耶利米將一切要臨到巴比倫的災禍,就是論到巴比倫的一切話,寫在書上。
61 Sinabi ni Jeremias kay Seraias, “Kapag pumunta ka sa Babilonia, tiyaking basahin mong lahat ang mga salitang ito.
耶利米對西萊雅說:「你到了巴比倫務要念這書上的話;
62 At sasabihin mo, 'Ikaw Yahweh, ikaw ang nagsabi na wawasakin mo ang lugar na ito. Walang maninirahan dito, maging mga tao man o mga hayop. Ito ay magiging ganap na kaparangan.'
又說:『耶和華啊,你曾論到這地方說:要剪除,甚至連人帶牲畜沒有在這裏居住的,必永遠荒涼。』
63 At pagkatapos mong basahin ang balumbon na ito, magtali ka dito ng isang bato at ihagis mo ito sa ilog Euphrates.
你念完了這書,就把一塊石頭拴在書上,扔在幼發拉底河中,
64 Sabihin mo, 'Lulubog ang Babilonia tulad nito. Hindi na ito muling lulutang pa dahil babagsak dito ang kapahamakan na aking ipinapadala laban dito.'” Dito nagtatapos ang mga salita ni Jeremias.
說:『巴比倫因耶和華所要降與她的災禍,必如此沉下去,不再興起,人民也必困乏。』」 耶利米的話到此為止。