< Jeremias 47 >

1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay propetang Jeremias tungkol sa mga Filisteo. Dumating ang salitang ito sa kaniya bago sinalakay ni Faraon ang Gaza.
바로가 가사를 치기 전에 블레셋 사람에 대하여 선지자 예레미야에게 임한 여호와의 말씀이라
2 “Sinasabi ito ni Yahweh: Tingnan mo, tumataas ang maraming tubig sa hilaga. Magiging tulad ng umaapaw na ilog ang mga ito! Pagkatapos, aapaw ang mga ito sa lupain at sa lahat ng naroon, sa mga lungsod nito at sa mga naninirahan dito! Kaya sisisgaw ng tulong ang bawat isa, at tatangis ang lahat ng mga naninirahan sa lupain.
여호와께서 이같이 말씀하시되 보라, 물이 북방에서 일어나 창일하는 시내를 이루어 그 땅과 그 중에 있는 모든 것과 그 성읍과 거기 거하는 자들을 엄몰시키리니 사람들이 부르짖으며 그 땅 모든 거민이 애곡할 것이라
3 Sa tunog ng malalakas na pagpadyak ng mga paa ng kanilang mga kabayo, sa dagundong ng kanilang mga karwahe at ingay ng kanilang mga gulong, hindi tutulungan ng mga ama ang kanilang mga anak dahil sa kanilang sariling kahinaan.
힘센 것의 굽 치는 소리와 달리는 병거 바퀴의 울리는 소리에 아비의 손이 풀려서 그 자녀를 돌아보지 못하리니
4 Sapagkat darating ang araw na wawasak sa lahat ng mga Filisteo, upang ihiwalay sa Tiro at Sidon ang bawat nakaligtas na nagnanais silang tulungan. Sapagkat winawasak ni Yahweh ang mga Filisteo, ang mga nalalabi mula sa pulo ng Caftor.
이는 블레셋 사람을 진멸하시며 두로와 시돈에 남아 있는 바 도와줄 자를 다 끊어버리시는 날이 이름이라 여호와께서 갑돌섬에 남아 있는 블레셋 사람을 멸하시리라
5 Makakalbo ang Gaza. Sa Ashkelon naman, patatahimikin ang mga taong naiwan sa kanilang mga lambak. Gaano katagal ninyong susugatin ang inyong mga sarili sa pagluluksa?
가사가 삭발되었고 아스글론과 그들에게 남아 있는 평지가 멸망되었나니 네가 네 몸 베기를 어느 때까지 하겠느냐?
6 Kapighatian, ang espada ni Yahweh! Gaano katagal hanggang sa manahimik ka? Bumalik ka sa iyong kaluban! Tumigil ka at manahimik.
여호와의 칼이여, 네가 언제까지 쉬지 않겠느냐? 네 집에 들어가서 가만히 쉴지어다
7 Paano ka mananahimik, sapagkat inutusan ka ni Yahweh. Tinawag ka niya upang salakayin ang Ashkelon at laban sa mga kapatagan sa tabi ng dagat.”
여호와께서 이를 명하셨은즉 어떻게 쉬겠느냐 아스글론과 해변을 치려 하여 그가 명정하셨느니라

< Jeremias 47 >