< Jeremias 46 >

1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay propetang Jeremias tungkol sa mga bansa.
耶和华论列国的话临到先知耶利米。
2 Para sa Egipto: “Tungkol ito sa hukbo ni Faraon Neco na hari ng Egipto, na nasa Carquemis sa tabi ng Ilog Eufrates. Ito ang hukbong tinalo ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda:
论到关乎埃及王法老尼哥的军队:这军队安营在幼发拉底河边的迦基米施,是巴比伦王尼布甲尼撒在犹大王约西亚的儿子约雅敬第四年所打败的。
3 Ihanda ninyo ang mga maliliit at mga malalaking kalasag, at sumugod sa labanan.
你们要预备大小盾牌, 往前上阵。
4 Isingkaw ninyo ang mga kabayong lalaki at sakyan ninyo ang mga ito, kayong mga mangangabayo. Humanay kayo, kasama ang inyong mga helmet na nasa inyong mga ulo. Hasain ninyo ang mga sibat at isuot ang inyong mga baluti.
你们套上车, 骑上马! 顶盔站立, 磨枪贯甲!
5 Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
我为何看见他们惊惶转身退后呢? 他们的勇士打败了, 急忙逃跑,并不回头; 惊吓四围都有! 这是耶和华说的。
6 ang matulin ay hindi makatatakbo palayo, at ang mga kawal ay hindi makatatakas. Natitisod sila sa hilaga at bumabagsak sa tabi ng Ilog Eufrates.
不要容快跑的逃避; 不要容勇士逃脱; 他们在北方幼发拉底河边绊跌仆倒。
7 Sino itong bumabangon tulad ng Nilo, na iniitsa pataas at pababa ang tubig tulad ng mga ilog?
像尼罗河涨发, 像江河之水翻腾的是谁呢?
8 Bumabangon ang Egipto tulad ng Nilo, at iniitsa pataas at pababa ang tubig nito tulad ng mga ilog. Sinasabi nito, 'Babangon ako, tatakpan ko ang lupa. Wawasakin ko ang mga lungsod at ang mga naninirahan sa mga ito.
埃及像尼罗河涨发, 像江河的水翻腾。 他说:我要涨发遮盖遍地; 我要毁灭城邑和其中的居民。
9 Bumangon kayo, mga kabayo. Magalit kayo, kayong mga karwahe. Palabasin ang mga kawal, Cus at Puth, mga kalalakihang dalubhasa sa kalasag, at Ludio, mga kalalakihang dalubhasa sa paghatak ng kanilang mga pana.'
马匹上去吧! 车辆急行吧! 勇士,就是手拿盾牌的古实人和弗人, 并拉弓的路德族,都出去吧!
10 Ang araw na iyon ang magiging araw ng paghihiganti para sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo, at ipaghihiganti niya ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kaaway. Lalamon at mabubusog ang espada. Iinumin nito ang kanilang dugo hanggang sa mapuno. Sapagkat magkakaroon ng alay sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.
那日是主—万军之耶和华报仇的日子, 要向敌人报仇。 刀剑必吞吃得饱, 饮血饮足; 因为主—万军之耶和华 在北方幼发拉底河边有献祭的事。
11 Umakyat ka sa Gilead at kumuha ng gamot, birheng anak na babae ng Egipto. Wala itong saysay na naglalagay ka ng maraming gamot sa iyong sarili. Walang lunas para sa iyo.
埃及的民哪, 可以上基列取乳香去; 你虽多服良药, 总是徒然,不得治好。
12 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan. Napuno ng iyong mga pagtangis ang lupa, sapagkat natitisod ang kawal laban sa kawal, pareho silang bumabagsak.”
列国听见你的羞辱, 遍地满了你的哀声; 勇士与勇士彼此相碰, 一齐跌倒。
13 Ito ang salitang sinabi ni Yahweh kay propetang Jeremias nang dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at sinalakay ang lupain ng Egipto:
耶和华对先知耶利米所说的话,论到巴比伦王尼布甲尼撒要来攻击埃及地:
14 “Iulat ninyo sa Egipto at hayaang mabalitaan sa Migdol at sa Memfis. Sa Tafnes, sinabi nila, 'Lumugar kayo at tumindig, sapagkat nilalamon ng espada ang lahat ng nasa paligid ninyo.
你们要传扬在埃及,宣告在密夺, 报告在挪弗、答比匿说: 要站起出队,自作准备, 因为刀剑在你四围施行吞灭的事。
15 Bakit tumakbo palayo ang inyong diyos na si Apis? Bakit hindi tumatayo ang inyong diyos na toro? Ibinagsak siya ni Yahweh.
你的壮士为何被冲去呢? 他们站立不住; 因为耶和华驱逐他们,
16 Dinagdagan niya ang bilang ng mga natitisod. Bumabagsak ang bawat kawal sa sumusunod. Sinasabi nila, “Bumangon kayo. Umuwi na tayo. Bumalik na tayo sa ating sariling mga tao, sa ating katutubong lupain. Iwanan na natin ang espadang ito na tumatalo sa atin.”
使多人绊跌; 他们也彼此撞倒,说: 起来吧!我们再往本民本地去, 好躲避欺压的刀剑。
17 Ipinahayag nila roon, “Ang Faraon na hari ng Egipto ay isang ingay lamang, na hinayaang makawala ang kaniyang pagkakataon.”
他们在那里喊叫说: 埃及王法老不过是个声音; 他已错过所定的时候了。
18 “Sapagkat buhay ako—ito ang pahayag ng hari—Yahweh ng mga hukbo ang pangalan, may darating tulad ng Bundok ng Tabor at Bundok ng Carmelo sa tabing-dagat.
君王—名为万军之耶和华的说: 我指着我的永生起誓: 尼布甲尼撒来的势派 必像他泊在众山之中, 像迦密在海边一样。
19 Ihanda ninyo para sa inyong mga sarili ang inyong dalahin para sa pagkabihag, kayong mga anak na babae na naninirahan sa Egipto. Sapagkat magiging isang katatakutan at isang pagkawasak ang Memfis upang walang sinuman ang maninirahan doon.
住在埃及的民哪, 要预备掳去时所用的物件; 因为挪弗必成为荒场, 且被烧毁,无人居住。
20 Ang Egipto ay isang napakagandang batang baka, ngunit dumarating ang isang nangangagat na insekto mula sa hilaga. Dumarating na ito.
埃及是肥美的母牛犊; 但出于北方的毁灭来到了!来到了!
21 Ang mga upahang kawal sa kaniyang kalagitnaan ay tila mga pinatabang toro, ngunit tatalikod at tatakbo rin sila. Hindi sila titindig ng magkakasama, sapagkat ang araw ng kanilang kapahamakan ay dumarating sa kanila, ang oras ng kanilang kaparusahan.
其中的雇勇好像圈里的肥牛犊, 他们转身退后, 一齐逃跑,站立不住; 因为他们遭难的日子、 追讨的时候已经临到。
22 Sumusutsot at gumagapang papalayo ang Egipto tulad ng isang ahas, sapagkat lumalakad laban sa kaniya ang kaniyang mga kaaway. Lumalakad sila patungo sa kaniya tulad ng mga namumutol ng kahoy na may mga palakol.
其中的声音好像蛇行一样。 敌人要成队而来,如砍伐树木的手拿斧子攻击他。
23 Puputulin nila ang mga kakahuyan—ito ang pahayag ni Yahweh—bagaman ito ay labis na masikip. Sapagkat mas magiging marami ang mga kaaway kaysa sa mga balang, hindi sila mabibilang.
耶和华说: 埃及的树林虽然不能寻察, 敌人却要砍伐, 因他们多于蝗虫,不可胜数。
24 Mapapahiya ang anak na babae ng Egipto. Ibibigay siya sa kamay ng mga taong mula sa hilaga.”
埃及的民必然蒙羞, 必交在北方人的手中。
25 Sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Tingnan mo, parurusahan ko si Ammon na taga-Tebes, ang Faraon, ang Egipto at ang kaniyang mga diyos, ang kaniyang mga haring Faraon, at ang mga nagtitiwala sa kanila.
万军之耶和华—以色列的 神说:“我必刑罚挪的亚扪和法老,并埃及与埃及的神,以及君王,也必刑罚法老和倚靠他的人。
26 Ibinibigay ko sila sa kamay ng mga humahangad sa kanilang mga buhay, sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at sa kaniyang mga lingkod. At pagkatapos nito, pananahanan ang Egipto gaya noong unang panahon—ito ang pahayag ni Yahweh.”
我要将他们交付寻索其命之人的手和巴比伦王尼布甲尼撒与他臣仆的手;以后埃及必再有人居住,与从前一样。这是耶和华说的。”
27 “Ngunit ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot. Huwag kang mangamba, Israel, sapagkat tingnan mo, ibabalik ko kayo mula sa malayo, at ang inyong mga anak mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. Pagkatapos, manunumbalik si Jacob, makakatagpo ng kapayapaan, at magiging ligtas, at wala ng sisindak sa kaniya.
我的仆人雅各啊,不要惧怕! 以色列啊,不要惊惶! 因我要从远方拯救你, 从被掳到之地拯救你的后裔。 雅各必回来,得享平靖安逸, 无人使他害怕。
28 Ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot—Ito ang pahayag ni Yahweh—sapagkat kasama mo ako, kaya magdadala ako ng ganap na pagkawasak laban sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit hindi kita lubusang wawasakin. Gayon pa man, makatarungan kitang didisiplinahin at tiyak na hindi kita iiwang hindi napaparusahan.'”
我的仆人雅各啊,不要惧怕! 因我与你同在。 我要将我所赶你到的那些国灭绝净尽, 却不将你灭绝净尽, 倒要从宽惩治你, 万不能不罚你。 这是耶和华说的。

< Jeremias 46 >