< Jeremias 45 >

1 Ito ang salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias. Nangyari ito nang isinulat niya sa isang balumbon ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ni Jeremias—ito ay sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, at sinabi niya,
The word which Jeremiah the prophet spoke unto Baruch the son of Neriyah, when he wrote these words in a book out of the mouth of Jeremiah, in the fourth year of Jehoyakim the son of Josiah the king of Judah, saying,
2 “Baruc, sinasabi ito sa iyo:
Thus hath said the Lord, the God of Israel, concerning thee, O Baruch:
3 Sinabi mo, 'Aba ako, sapagkat nagdagdag si Yahweh ng matinding paghihirap sa aking kirot. Pinapahina ako ng aking paghihinagpis; Wala akong masumpungang kapahingahan.'
Thou didst say, Woe is me now! for the Lord hath added grief to my pain; I am wearied in my sighing, and rest have I not found;
4 Ito ang dapat mong sabihin sa kaniya: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, kung ano ang aking itinayo, ako ngayon ang tumitibag nito. Kung ano ang aking itinanim, ako ngayon ang bumubunot nito. Ito ay totoo sa buong daigdig.
Thus shalt thou say unto him, Thus hath the Lord said, Behold, what I have built will I pull down, and what I have planted I will pluck up; and so it is with this whole land.
5 Ngunit umaasa ka ba ng dakilang mga bagay para sa iyong sarili? Huwag kang umasa ng ganoon. Sapagkat tingnan mo, darating ang kapahamakan sa buong sangkatauhan—ito ang pahayag ni Yahweh—ngunit ibinibigay ko sa iyo ang iyong buhay bilang iyong ninakaw sa lahat ng dakong iyong pupuntahan.”'
And wouldst thou indeed seek great things for thyself? seek them not; for, behold, I will bring evil upon all flesh, saith the Lord; but I will give thy life unto thee as a booty in all the places whither thou mayest go.

< Jeremias 45 >