< Jeremias 42 >

1 At lumapit kay propeta Jeremias ang lahat ng mga pinuno ng hukbo at sina Johanan na anak ni Karea, Azarias na anak ni Hosaias at lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
茲に軍勢の長たちおよびカレヤの子ヨハナンとホシャヤの子ヱザニヤ並に民の至微者より至大者にいたるまで
2 Sinabi nila sa kaniya, “Hayaan na ang aming mga kahilingan ay makarating sa iyong harapan. Ipanalangin mo kami kay Yahweh na iyong Diyos sapagkat kakaunting bilang na lamang ng mga tao ang natira, tulad ng nakikita mo.
皆預言者ヱレミヤの許に來りて言けるは汝の前に我らの求の受納られんことを願ふ請ふ我ら遺れる者の爲に汝の神ヱホバに祈れ(今汝の目に見がごとく我らは衆多の中の遺れる者にして寡なり)
3 Tanungin mo kay Yahweh na iyong Diyos upang sabihin sa amin ang daang dapat naming puntahan at kung ano ang dapat naming gawin.”
さらば汝の神ヱホバ我らの行むべき途となすべき事を示したまはん
4 Kaya sinabi ni propeta Jeremias sa kanila, “Narinig ko kayo. Tingnan ninyo, ipapanalangin ko kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng inyong hiniling. Anuman ang mga tugon ni Yahweh, sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo.”
預言者ヱレミヤ彼らに云けるは我汝らに聽り汝らの言に循ひて汝らの神ヱホバに祈らん凡そヱホバが汝らに應へたまふことはわれ隱す所なく汝らに告べし
5 Sinabi nila kay Jeremias, “Nawa ay maging tunay at tapat na saksi laban sa atin si Yahweh, kung hindi namin gagawin ang lahat ng bagay na pinagagawa sa amin ni Yahweh na iyong Diyos.
彼らヱレミヤにいひけるは願くはヱホバ我儕の間にありて眞實なる信ずべき證者となりたまへ我らは汝の神ヱホバの汝を遣して我らに告しめたまふ諸の事に遵ひて行ふべし
6 Maging mabuti man ito o masama, susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos, na aming isinusugo sa iyo, nang sa gayon ay makakabuti ito sa amin kapag susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos.”
我らは善にまれ惡きにまれ我らが汝を遣すところの我らの神ヱホバの聲に遵はん斯我らの神ヱホバの聲に遵ひてわれら福をうけん
7 At nangyari nga ito pagkaraan ng sampung araw, dumating kay Jeremias ang salita ni Yahweh.
十日の後ヱホバの言ヱレミヤにのぞみしかば
8 Kaya tinawag ni Jeremias si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo kasama niya at ang lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
ヱレミヤ、カレヤの子ヨハナンおよび彼と偕に在る軍勢の長たち並に民の至微者より至大者までを悉く招きて
9 At sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israel, na sa kaniya ninyo ako ipinadala upang maaari kong mailapit ang inyong pagsamo sa kaniya. Sinasabi ito ni Yahweh,
これにいひけるは汝らが我を遣して汝らの祈を献げしめしところのイスラエルの神ヱホバかくいひ給ふ
10 'Kung babalik kayo at maninirahan sa lupaing ito, itatayo ko kayo at hindi ko kayo ibabagsak; itatanim ko kayo at hindi bubunutin, sapagkat aalisin ko ang mga sakuna na dinala ko sa inyo.
汝らもし信に此地に留らばわれ汝らを建てて倒さず汝らを植て拔じそは我汝らに災を降せしを悔ればなり
11 Huwag kayong matakot sa hari ng Babilonia, na inyong kinatatakutan. Huwag kayong matakot sa kaniya sapagkat kasama ninyo ako upang iligtas kayo at sagipin kayo mula sa kaniyang kamay, ito ang pahayag ni Yahweh.
ヱホバいひたまふ汝らが畏るるところのバビロンの王を畏るる勿れ彼をおそるる勿れわれ汝らとともにありて汝らを救ひ彼の手より汝らを拯ふべし
12 Sapagkat kaaawaan ko kayo. Mahahabag ako sa inyo at ibabalik ko kayo sa inyong lupain.
われ汝らを恤みまた彼をして汝らを恤ませ汝らを故土に歸らしめん
13 Ngunit ipagpalagay na sinabi ninyo na, “Hindi na kami mananatali sa lupaing ito”—kung hindi kayo makikinig sa aking tinig, ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos.
然ど汝らもし我らはこの地に留らじ汝らの神ヱホバの聲に遵はじと言ひ
14 Ipagpalagay na sinabi ninyo na, “Hindi! Pupunta kami sa lupain ng Egipto, kung saan wala kaming makikitang anumang digmaan, kung saan hindi namin maririnig ang tunog ng trumpeta, at hindi kami magugutom sa pagkain. Maninirahan kami roon.”
また然りわれらはかの戰爭を見ず箛の聲をきかず食物に乏しからざるエジプトの地にいたりて彼處に住はんといはば
15 Ngayon, makinig kayo sa salitang ito ni Yahweh, kayong natira ng Juda. Si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito, 'Kung nais ninyo talagang umalis papuntang Egipto, upang pumunta at manirahan doon,
汝らユダの遺れる者よヱホバの言をきけ萬軍のヱホバ、イスラエルの神かくいひたまふ汝らもし強てエジプトにゆきて彼處に住はば
16 at ang espada na inyong kinatatakutan ay mauunahan kayo roon sa lupain ng Egipto. Ang taggutom na inyong inaalala ang hahabol sa inyo sa Egipto. At mamamatay kayo roon.
汝らが懼るるところの劍エジプトの地にて汝らに臨み汝らが恐るるところの饑饉エジプトにて汝らにおよばん而して汝らは彼處に死べし
17 Kaya mangyayari ito na ang lahat ng mga kalalakihang umalis upang magpunta sa Egipto na maninirahan doon ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, taggutom o salot. Walang makakaligtas sa kanila, walang sinuman ang makakatakas sa sakuna na aking dadalhin sa kanila.
凡そエジプトにおもむき至りて彼處に住はんとする人々は劍と饑饉と疫病に死べしその中には我彼らに降さんところの災を脱れて遺る者無るべし
18 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'”
萬軍のヱホバ、イスラエルの神かくいひたまふ我震怒と憤恨のヱルサレムに住る者に注ぎし如くわが憤恨汝らがエジプトにいらん時に汝らに注がん汝らは呪詛となり詫異となり罵詈となり凌辱とならん汝らは再びこの處を見ざるべしと
19 Pagkatapos, sinabi ni Jeremias, “Nagsalita si Yahweh tungkol sa inyo—ang natira ng Juda. Huwag kayong pumunta sa Egipto! Natitiyak ko na alam ninyo na ako ang naging saksi laban sa inyo ngayon.
ユダの遺れる者よヱホバ汝らにつきていひたまへり汝らエジプトにゆく勿れと汝ら今日わが汝らを警めしことを確に知れ
20 Sapagkat babayaran ninyo ng inyong mga buhay nang isugo ninyo ako kay Yahweh na inyong Diyos at sinabi na, 'Ipanalangin mo kami kay Yahweh na ating Diyos. Lahat ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos, sabihin mo sa amin, at gagawin namin ito.
汝ら我を汝らの神ヱホバに遣して言へり我らの爲に我らの神ヱホバに祈り我らの神ヱホバの汝に示したまふ事をことごとく我らに告よ我ら之を行はんと斯なんぢら自ら欺けり
21 Sapagkat ibinalita ko sa inyo ngayon, ngunit hindi kayo nakinig sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos o sa anumang bagay tungkol sa kaniyang ipinadala sa akin para sa inyo.
われ今日汝らに告たれど汝らは汝らの神ヱホバの聲に遵はず汝らはヱホバが我を遣して命ぜしめたまひし事には都て遵はざりき
22 Kaya ngayon, tiyak na dapat ninyong malaman na mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot sa lugar kung saan nais ninyong puntahan upang manirahan.”
然ば汝らはその往て住んとねがふ處にて劍と饑饉と疫病に死ることを今確に知るべし

< Jeremias 42 >