< Jeremias 42 >

1 At lumapit kay propeta Jeremias ang lahat ng mga pinuno ng hukbo at sina Johanan na anak ni Karea, Azarias na anak ni Hosaias at lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
THEN all the captains of the forces, and Johanan the son of Kareah, and Jezaniah the son of Hoshaiah, and all the people from the least even unto the greatest, came near,
2 Sinabi nila sa kaniya, “Hayaan na ang aming mga kahilingan ay makarating sa iyong harapan. Ipanalangin mo kami kay Yahweh na iyong Diyos sapagkat kakaunting bilang na lamang ng mga tao ang natira, tulad ng nakikita mo.
And said unto Jeremiah the prophet, Let, we beseech thee, our supplication be accepted before thee, and pray for us unto the Lord thy God, even for all this remnant; (for we are left but a few of many, as thine eyes do behold us: )
3 Tanungin mo kay Yahweh na iyong Diyos upang sabihin sa amin ang daang dapat naming puntahan at kung ano ang dapat naming gawin.”
That the Lord thy God may shew us the way wherein we may walk, and the thing that we may do.
4 Kaya sinabi ni propeta Jeremias sa kanila, “Narinig ko kayo. Tingnan ninyo, ipapanalangin ko kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng inyong hiniling. Anuman ang mga tugon ni Yahweh, sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo.”
Then Jeremiah the prophet said unto them, I have heard you; behold, I will pray unto the Lord your God according to your words; and it shall come to pass, that whatsoever thing the Lord shall answer you, I will declare it unto you; I will keep nothing back from you.
5 Sinabi nila kay Jeremias, “Nawa ay maging tunay at tapat na saksi laban sa atin si Yahweh, kung hindi namin gagawin ang lahat ng bagay na pinagagawa sa amin ni Yahweh na iyong Diyos.
Then they said to Jeremiah, The Lord be a true and faithful witness between us, if we do not even according to all things for the which the Lord thy God shall send thee to us.
6 Maging mabuti man ito o masama, susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos, na aming isinusugo sa iyo, nang sa gayon ay makakabuti ito sa amin kapag susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos.”
Whether it be good, or whether it be evil, we will obey the voice of the Lord our God, to whom we send thee; that it may be well with us, when we obey the voice of the Lord our God.
7 At nangyari nga ito pagkaraan ng sampung araw, dumating kay Jeremias ang salita ni Yahweh.
And it came to pass after ten days, that the word of the Lord came unto Jeremiah.
8 Kaya tinawag ni Jeremias si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo kasama niya at ang lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
Then called he Johanan the son of Kareah, and all the captains of the forces which were with him, and all the people from the least even to the greatest,
9 At sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israel, na sa kaniya ninyo ako ipinadala upang maaari kong mailapit ang inyong pagsamo sa kaniya. Sinasabi ito ni Yahweh,
And said unto them, Thus saith the Lord, the God of Israel, unto whom ye sent me to present your supplication before him;
10 'Kung babalik kayo at maninirahan sa lupaing ito, itatayo ko kayo at hindi ko kayo ibabagsak; itatanim ko kayo at hindi bubunutin, sapagkat aalisin ko ang mga sakuna na dinala ko sa inyo.
If ye will still abide in this land, then will I build you, and not pull you down, and I will plant you, and not pluck you up: for I repent me of the evil that I have done unto you.
11 Huwag kayong matakot sa hari ng Babilonia, na inyong kinatatakutan. Huwag kayong matakot sa kaniya sapagkat kasama ninyo ako upang iligtas kayo at sagipin kayo mula sa kaniyang kamay, ito ang pahayag ni Yahweh.
Be not afraid of the king of Babylon, of whom ye are afraid; be not afraid of him, saith the Lord: for I am with you to save you, and to deliver you from his hand.
12 Sapagkat kaaawaan ko kayo. Mahahabag ako sa inyo at ibabalik ko kayo sa inyong lupain.
And I will shew mercies unto you, that he may have mercy upon you, and cause you to return to your own land.
13 Ngunit ipagpalagay na sinabi ninyo na, “Hindi na kami mananatali sa lupaing ito”—kung hindi kayo makikinig sa aking tinig, ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos.
But if ye say, We will not dwell in this land, neither obey the voice of the Lord your God,
14 Ipagpalagay na sinabi ninyo na, “Hindi! Pupunta kami sa lupain ng Egipto, kung saan wala kaming makikitang anumang digmaan, kung saan hindi namin maririnig ang tunog ng trumpeta, at hindi kami magugutom sa pagkain. Maninirahan kami roon.”
Saying, No; but we will go into the land of Egypt, where we shall see no war, nor hear the sound of the trumpet, nor have hunger of bread; and there will we dwell:
15 Ngayon, makinig kayo sa salitang ito ni Yahweh, kayong natira ng Juda. Si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito, 'Kung nais ninyo talagang umalis papuntang Egipto, upang pumunta at manirahan doon,
And now therefore hear the word of the Lord, ye remnant of Judah; Thus saith the Lord of hosts, the God of Israel; If ye wholly set your faces to enter into Egypt, and go to sojourn there;
16 at ang espada na inyong kinatatakutan ay mauunahan kayo roon sa lupain ng Egipto. Ang taggutom na inyong inaalala ang hahabol sa inyo sa Egipto. At mamamatay kayo roon.
Then it shall come to pass, that the sword, which ye feared, shall overtake you there in the land of Egypt, and the famine, whereof ye were afraid, shall follow close after you there in Egypt; and there ye shall die.
17 Kaya mangyayari ito na ang lahat ng mga kalalakihang umalis upang magpunta sa Egipto na maninirahan doon ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, taggutom o salot. Walang makakaligtas sa kanila, walang sinuman ang makakatakas sa sakuna na aking dadalhin sa kanila.
So shall it be with all the men that set their faces to go into Egypt to sojourn there; they shall die by the sword, by the famine, and by the pestilence: and none of them shall remain or escape from the evil that I will bring upon them.
18 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'”
For thus saith the Lord of hosts, the God of Israel; As mine anger and my fury hath been poured forth upon the inhabitants of Jerusalem; so shall my fury be poured forth upon you, when ye shall enter into Egypt: and ye shall be an execration, and an astonishment, and a curse, and a reproach; and ye shall see this place no more.
19 Pagkatapos, sinabi ni Jeremias, “Nagsalita si Yahweh tungkol sa inyo—ang natira ng Juda. Huwag kayong pumunta sa Egipto! Natitiyak ko na alam ninyo na ako ang naging saksi laban sa inyo ngayon.
The Lord hath said concerning you, O ye remnant of Judah; Go ye not into Egypt: know certainly that I have admonished you this day.
20 Sapagkat babayaran ninyo ng inyong mga buhay nang isugo ninyo ako kay Yahweh na inyong Diyos at sinabi na, 'Ipanalangin mo kami kay Yahweh na ating Diyos. Lahat ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos, sabihin mo sa amin, at gagawin namin ito.
For ye dissembled in your hearts, when ye sent me unto the Lord your God, saying, Pray for us unto the Lord our God; and according unto all that the Lord our God shall say, so declare unto us, and we will do it.
21 Sapagkat ibinalita ko sa inyo ngayon, ngunit hindi kayo nakinig sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos o sa anumang bagay tungkol sa kaniyang ipinadala sa akin para sa inyo.
And now I have this day declared it to you; but ye have not obeyed the voice of the Lord your God, nor any thing for the which he hath sent me unto you.
22 Kaya ngayon, tiyak na dapat ninyong malaman na mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot sa lugar kung saan nais ninyong puntahan upang manirahan.”
Now therefore know certainly that ye shall die by the sword, by the famine, and by the pestilence, in the place whither ye desire to go and to sojourn.

< Jeremias 42 >