< Jeremias 4 >
1 Ito ang pahayag ni Yahweh. “Kung babalik ka Israel, dapat lamang na sa akin ka bumalik. Kung inalis mo ang mga kasuklam-suklam na bagay sa aking harapan at hindi na lilihis muli sa akin
ヱホバいひたまふイスラエルよ汝もし歸らば我に歸れ汝もし憎むべき者を我前より除かば流蕩はじ
2 at kung ipapangako mo, 'Namumuhay si Yahweh sa katotohanan, katarungan at katuwiran,' hihilingin ng mga bansa ang aking pagpapala at pupurihin nila ako.
かつ汝は眞實と正直と公義とをもてヱホバは活くと誓はんさらば萬國の民は彼によりて福祉をうけ彼によりて誇るべし
3 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh sa bawat tao sa Juda at Jerusalem, 'Bungkalin ninyo ang sarili ninyong lupain at huwag kayong maghasik sa mga matitinik.
ヱホバ、ユダとヱルサレムの人々にかくいひ給ふ汝等の新田を耕せ荊棘の中に種くなかれ。
4 Maging tuli kay Yahweh at alisin ninyo ang kasamaang bumabalot sa inyong puso, mga kalalakihan ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem, kung hindi, lalabas ang aking galit gaya ng apoy at sunog na walang sinumang makapapatay nito. Mangyayari ito dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
ユダの人々とヱルサレムに住める者よ汝等みづから割禮をおこなひてヱホバに屬きおのれの心の前の皮を去れ然らざれば汝等の惡行のためわが怒火の如くに發して燃えんこれを滅すものなかるべし
5 Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihin ninyo, “Hipan ang trumpeta sa lupain.” Ihayag ninyo, 'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mga lungsod.”
汝等ユダに告げヱルサレムに示していへ箛を國の中に吹けとまた大聲に呼はりていへ汝等あつまれ我儕堅き邑にゆくべしと
6 Itaas ang bandilang panghudyat at ituro ito sa Zion at tumakbo para sa kaligtasan! Huwag kayong manatili sapagkat magdudulot ako ng sakuna mula sa hilaga at isang malaking pagkawasak.
シオンに指示す合圖の旗をたてよ逃よ留まる勿れそは我北より災とおほいなる敗壞をきたらすればなり
7 Isang leon ang paparating mula sa kasukalan at naghahanda na ang wawasak ng mga bansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdala ng matinding takot sa inyong lupain, upang wasakin ang inyong mga lungsod kung saan walang sinuman ang maninirahan.
獅子は其森よりいでて上り國々を滅すものは進みきたる彼汝の國を荒さんとて旣にその處よりいでたり汝の諸邑は滅されて住む者なきに至らん
8 Dahil dito, magsuot kayo ng damit panluksa, magsipanaghoy at magsitangis. Sapagkat hindi nawala ang matinding poot ni Yahweh sa atin.
この故に汝等麻の衣を身にまとひて悲み哭けそはヱホバの烈しき怒いまだ我儕を離れざればなり
9 Ito ang pahayag ni Yahweh. At mangyayari ito sa araw na iyon, na ang puso ng hari at ng kaniyang mga opisyal ay mamamatay. Manlulumo ang mga pari at manginginig sa takot ang mga propeta.'”
ヱホバいひたまひけるはその日王と牧伯等はその心をうしなひ祭司は驚き預言者は異むべし
10 Kaya sinabi ko, 'Oh! Panginoong Yahweh. Tunay nga na nilinlang mo ng lubusan ang mga taong ito at ang Jerusalem sa pagsasabi, 'Magkakaroon kayo ng kapayapaan.' Ngunit nag-aaklas ang mga espada laban sa kanilang mga buhay.
我いひけるは嗚呼主ヱホバよ汝はまことに此民とヱルサレムを大にあざむきたまふすなはち汝はなんぢら安かるべしと云給ひしに劍命にまでおよべり
11 Sa oras na iyon, sasabihin ito sa mga tao at sa Jerusalem, “Isang nag-aapoy na hangin mula sa mga kapatagan sa disyerto ang darating sa anak na babae ng aking mga tao. Hindi ito ang magtatahip o maglilinis sa kanila.
その時この民とヱルサレムにいふものあらん熱き風 曠野の童山よりわが民の女にふききたると此は簸るためにあらず潔むる爲にもあらざるなり
12 Isang hangin na mas malakas pa dito ang darating sa aking utos, at ngayon ay hahatulan ko sila.
これよりも猶はげしき風われより來らん今我かれらに鞫を示さん
13 Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwahe ay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo!
みよ彼は雲のごとく上りきたらん其車は颶風のごとくにしてその馬は鷹よりも疾し嗚呼われらは禍なるかな我儕滅さるべし
14 Linisin mo ang iyong puso mula sa kasamaan, Jerusalem, upang ikaw ay maaaring maligtas. Gaano katagal mong iisipin ng malalim ang tungkol sa kung paano magkasala?
ヱルサレムよ汝の心の惡をあらひ潔めよ然ばすくはれん汝の惡き念いつまで汝のうちにあるや
15 Sapagkat ang isang tinig ay nagdadala ng mga balita mula sa Dan at narinig ang paparating na sakuna mula sa kabundukan ng Efraim.
ダンより告ぐる聲ありエフライムの山より災を知するなり
16 Hayaang isipin ng mga bansa ang tungkol dito. Tingnan ninyo, ipahayag ninyo sa Jerusalem na paparating ang mga mananakop sa malayong lupain upang sumigaw ng pakikidigma laban sa mga lungsod ng Juda.
汝ら國々の民に告げまたヱルサレムに知らせよ攻めかこむ者遠き國より來りユダの諸邑にむかひて其聲を揚ぐと
17 Magiging tulad sila ng mga kalalakihang tagapagbantay na nakapalibot sa sinasakang bukid, sapagkat naghihimagsik siya laban sa akin.
彼らは田圃をまもる者のごとくにこれを圍むこは我に從はざりしに由るとヱホバいひ給ふ
18 At ang iyong mga pag-uugali at mga gawain ang gumawa ng mga bagay na ito sa iyo. Ito ang magiging kaparusahan mo. Magiging katakot-takot ito! Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ang pahayag ni Yahweh.
汝の途と汝の行これを汝に招けりこれは汝の惡なり誠に苦くして汝の心におよぶ
19 Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.
嗚呼わが腸よ我腸よ痛苦心の底におよびわが心胸とどろくわれ默しがたし我靈魂よ汝箛の聲と軍の鬨をきくなり
20 Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
敗滅に敗滅のしらせありこの地は皆荒されわが幕屋は頃刻にやぶられ我幕は忽ち破られたり
21 Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
我が旗をみ箛の聲をきくは何時までぞや
22 Sapagkat ang kahangalan ng aking mga tao ay hindi nila ako kilala. Mga hangal silang tao at wala silang pang-unawa. Mahusay sila sa paggawa ng kasamaan ngunit hindi nila alam ang gumawa ng kabutihan.
それ我民は愚にして我を識らず拙き子等にして曉ることなし彼らは惡を行ふに智けれども善を行ふことを知ず
23 Nakita ko ang lupain at tingnan mo! Wala itong hugis at walang laman. Sapagkat walang liwanag sa kalangitan.
われ地を見るに形なくして空くあり天を仰ぐに其處に光なし
24 Tiningnan ko ang mga kabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig ang lahat ng mga burol.
我山を見るに皆震へまた諸の丘も動けり
25 Tumingin ako. Masdan, wala ni isa man at nagsitakas ang lahat ng ibon sa kalangitan.
我見に人あることなし天空の鳥も皆飛されり
26 Tumingin ako. Masdan, ang mga halamanan ay naging isang ilang at ang lahat ng mga lungsod ay pinabagsak sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kaniyang matinding poot.”
我みるに肥美なる地は沙漠となり且その諸の邑はヱホバの前にその烈しき怒の前に毀たれたり
27 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang lahat ng lupain ay mawawasak, ngunit hindi ko sila lubos na sisirain.
そはヱホバかくいひたまへりすべて此地は荒地とならんされど我ことごとくは之を滅さじ
28 Sa kadahilanang ito, magdadalamhati ang lupain at ang kalangitan sa itaas ay magdidilim. Sapagkat inihayag ko ang aking mga layunin, hindi ko ito babawiin, hindi ko tatalikuran ang pagpapatupad ng mga ito.
故に地は皆哀しみ上なる天は暗くならん我すでに之をいひ且これを定めて悔いずまた之をなす事を止ざればなり
29 Ang bawat lungsod ay tatakas mula sa ingay ng mga mangangabayo at mamamana, tatakbo sila sa kagubatan. Bawat lungsod ay aakyat sa mga mabatong lugar. Mapapabayaan ang mga lungsod, sapagkat walang sinuman ang maninirahan dito.
邑の人みな騎兵と射者の咄喊のために逃て叢林にいり又岩の上に升れり邑はみな棄られて其處に住む人なし
30 Ngayong nawasak ka na, ano ang gagawin mo? Bagaman nakasuot ka ng mapulang damit, nakagayak ng gintong alahas at pinalalaki ng pintang pampaganda ang iyong mga mata, itinakwil ka na ng mga kalalakihang nagnasa sa iyo. Sa halip, sinusubukan ka nilang patayin.
滅されたる者よ汝何をなさんとするや設令汝くれなゐの衣をき金の飾物をもて身を粧ひ目をぬりて大くするとも汝が身を粧ふはいたづらなり汝の戀人らは汝をいやしめ汝のいのちを索るなり
31 Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'”
われ子をうむ婦のごとき聲首子をうむ者の苦むがごとき聲を聞く是れシオンの女の聲なりかれ自ら歎き手をのべていふ嗚呼われは禍なるかな我靈魂殺す者のために疲れはてぬ