< Jeremias 39 >
1 Sa ikasiyam na taon at ikasampung buwan ni Zedekias na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kasama ang lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem at sinakop ito.
ユダの王ゼデキヤの九年十月バビロンの王ネブカデネザルその全軍をひきゐヱルサレムにきたりて之を攻圍みけるが
2 Sa ikalabing isang taon at ika-apat na buwan ni Zedekias, sa ikasiyam na araw ng buwan, nawasak ang lungsod.
ゼデキヤの十一年四月九日にいたりて城邑破れたれば
3 At dumating ang lahat ng opisyal ng hari ng Babilonia at umupo sa gitnang tarangkahan: Ang mga ito ay sina Nergal-salezer, Samgar-nebo, at Sarsequim, isang mahalagang opisyal. Isang mataas na opisyal si Nergal-salezer, at ang iba pa ay mga opisyal ng hari ng Babilonia.
バビロンの王の牧伯等即ちネルガルシヤレゼル、サムガルネボ 寺人の長サルセキム 博士の長ネルガルシヤレゼルおよびバビロンの王のその外の牧伯等皆ともに入て中の門に坐せり
4 Nangyari nang makita sila ni Zedekias, na hari ng Juda, at ng lahat ng kaniyang mga mandirigmang kalalakihan, tumakas sila. Lumabas sila sa gabi mula sa lungsod sa pamamagitan ng daanan sa hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang mga pader. Umalis ang hari patungo sa Araba.
ユダの王ゼデキヤおよび兵卒ども之を見て逃げ夜の中に王の園の途より兩の石垣の間の門より邑をいでてアラバの途にゆきしが
5 Ngunit hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo at naabutan si Zedekias sa mga kapatagan sa lambak ng Ilog Jordan malapit sa Jerico. Pagkatapos, binihag nila siya at dinala kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan binigyan siya ng hatol ni Nebucadnezar.
カルデヤ人の軍勢これを追ひヱリコの平地にてゼデキヤにおひつき之を執へてハマテの地リブラにをるバビロンの王ネブカデネザルの許に曳ゆきければ王かしこにて彼の罪をさだめたり
6 Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan sa Ribla. Pinatay din niya ang lahat ng mga maharlikang tao ng Juda.
すなはちバビロンの王リブラにてゼデキヤの諸子をかれの目の前に殺せりバビロンの王またユダのすべての牧伯等を殺せり
7 At tinanggal niya ang mga mata ni Zedekias at iginapos sa kadenang tanso upang dalhin siya sa Babilonia.
王またゼデキヤの目を抉さしめ彼をバビロンに曳ゆかんとて銅索に縛げり
8 At sinunog ng mga Caldeo ang tahanan ng hari at ang mga tahanan ng mga tao. Ibinagsak din nila ang mga pader ng Jerusalem.
またカルデヤ人火をもて王の室と民の家をやき且ヱルサレムの石垣を毀てり
9 Si Nebuzaradan, ang kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ay dinalang bihag ang natirang mga tao sa lungsod. Kabilang dito ang mga taong tumakas upang kumampi sa mga Caldeo at ang mga taong naiwan sa lungsod.
かくて侍衞の長ネブザラダンは邑の中に餘れる民とおのれに降りし者およびその外の遺れる民をバビロンに移せり
10 Ngunit pinayagan ni Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ang pinakamahihirap na mga taong walang wala para sa kanilang mga sarili upang manatili sa lupain ng Juda. Binigyan niya sila ng mga ubasan at mga bukid sa araw ding iyon.
されど侍衞の長ネブザラダンはその時民の貧しくして所有なき者等をユダの地に遺し葡萄園と田地とをこれにあたへたり
11 Nagbigay si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ng isang utos tungkol kay Jeremias kay Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari. Sinabi niya,
爰にバビロンの王ネブカデネザル、ヱレミヤの事につきて侍衞の長ネブザラダンに命じていひけるは
12 “Kunin at alagaan mo siya. Huwag mo siyang saktan. Gawin mo ang anumang sasabihin niya sa iyo.”
彼を取りて善く待へよ害をくはふる勿れ彼が汝に云ふごとくなすべしと
13 Kaya nagpadala ng mga kalalakihan si Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari, si Nebuzazban ang mataas na eunuko, si Nergal Sarezer ang punong opisyal, at lahat ng pinakamahalagang opisyal ng hari ng Babilonia.
是をもて侍衞の長ネブザラダン寺人の長ネブシヤスバン博士の長ネルガルシヤレゼルおよびバビロンの王の牧伯等
14 Kinuha ng kanilang mga kalalakihan si Jeremias mula sa patyo ng mga bantay at ipinagkatiwala siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, upang iuwi siya, kaya nanatili si Jeremias kasama ng mga tao.
人を遣してヱレミヤを獄の庭よりたづさへ來らしめシヤパンの子アヒカムの子なるゲダリヤに付して之を家につれゆかしむ斯彼民の中に居る
15 Ngayon dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias habang siya ay nakakulong sa patyo ng mga bantay, at sinabi niya,
ヱレミヤ獄の庭に禁錮られをる時ヱホバの言彼にのぞみていふ
16 “Magsalita ka kay Ebed-Melec na taga-Cush, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Tingnan mo, gagawin ko na ang aking mga salita laban sa bayang ito para sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Sapagkat magkakatotoo ang lahat ng mga ito sa iyong harapan sa araw na iyon.
汝ゆきてエテオピア人エベデメレクに告よ萬軍のヱホバ、イスラエルの神かくいふわれ我語しところの禍を此邑に降さん福はこれに降さじその日この事汝の目前にならん
17 Ngunit ililigtas kita sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ka na ibibigay sa mga kalalakihan na iyong kinatatakutan.
ヱホバいひたまふその日にはわれ汝を救はん汝はその畏るるところの人衆の手に付されじ
18 Sapagkat tiyak ililigtas kita. Hindi ka babagsak sa pamamagitan ng espada. Makakatakas ka dahil nagtitiwala ka sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.”'
われ必ず汝を救はん汝は劍をもて殺されじ汝の生命は汝の掠取物とならん汝われに倚賴めばなりとヱホバいひたまふ