< Jeremias 38 >

1 Narinig ni Sefatias na anak ni Matan, ni Gedalias na anak ni Pashur, ni Jucal na anak naman ni Selenias, at ni Pashur na anak ni Malquias ang mga salita na ipinahayag ni Jeremias sa mga tao. Sinasabi niya
瑪坦的兒子示法提雅、巴施戶珥的兒子基大利、示利米雅的兒子猶甲、瑪基雅的兒子巴施戶珥聽見耶利米對眾人所說的話,說:
2 “Sinasabi ito ni Yahweh: Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay papatayin sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot. Ngunit makakaligtas ang sinumang lalabas sa mga Caldeo. Tatakas siya at mabubuhay.
「耶和華如此說:住在這城裏的必遭刀劍、饑荒、瘟疫而死;但出去歸降迦勒底人的必得存活,就是以自己命為掠物的,必得存活。
3 Sinasabi ito ni Yahweh: Ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia, at bibihagin niya ito.”
耶和華如此說:這城必要交在巴比倫王軍隊的手中,他必攻取這城。」
4 Kaya sinabi ng mga opisyal sa hari, “Patayin ang taong ito, sapagkat sa paraang ito pinahihina niya ang mga kamay ng mga mandirigmang kalalakihan na nananatili sa lungsod na ito, at ang mga kamay ng lahat ng mga tao. Pinahayag niya ang mga salitang ito, sapagkat ang taong ito ay hindi gumagawa ng kaligtasan para sa mga taong ito, kundi kapahamakan.”
於是首領對王說:「求你將這人治死;因他向城裏剩下的兵丁和眾民說這樣的話,使他們的手發軟。這人不是求這百姓得平安,乃是叫他們受災禍。」
5 Kaya sinabi ni Haring Zedekias, “Tingnan ninyo, siya ay nasa inyong kamay sapagkat wala namang haring may kakayahang pigilan kayo.”
西底家王說:「他在你們手中,無論何事,王也不能與你們反對。」
6 At dinala nila si Jeremias at hinagis siya sa balon ni Malquias na anak ng hari. Nasa patyo ng mga bantay ang balon. Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig ang balon, ngunit maputik ito, at lumubog siya sa putik.
他們就拿住耶利米,下在哈米勒的兒子瑪基雅的牢獄裏;那牢獄在護衛兵的院中。他們用繩子將耶利米繫下去。牢獄裏沒有水,只有淤泥,耶利米就陷在淤泥中。
7 Ngayon, si Ebed-Melec na taga-Cush ay isa sa mga eunuko sa tahanan ng hari. Nabalitaan niya na inilagay nila si Jeremias sa balon. Ngayon ang hari ay nakaupo sa Tarangkahan ng Benjamin.
在王宮的太監古實人以伯‧米勒,聽見他們將耶利米下了牢獄(那時王坐在便雅憫門口),
8 Kaya pumunta si Ebed-Melec mula sa tahanan ng hari at nakipag-usap sa hari. Sinabi niya,
以伯‧米勒就從王宮裏出來,對王說:
9 “Aking panginoong hari, masama ang ginawa ng mga kalalakihang ito sa ginawang pagtrato nila sa propetang si Jeremias. Siya ay hinagis nila sa balon upang mamatay doon mula sa gutom, sapagkat wala ng pagkain sa lungsod.”
「主-我的王啊,這些人向先知耶利米一味地行惡,將他下在牢獄中;他在那裏必因飢餓而死,因為城中再沒有糧食。」
10 At nagbigay ng utos ang hari kay Ebed-Melec na taga-Cush. Sinabi niya, “Pangunahan mo ang tatlumpung kalalakihan mula rito at iahon ninyo si propeta Jeremias na nasa balon bago siya mamatay.”
王就吩咐古實人以伯‧米勒說:「你從這裏帶領三十人,趁着先知耶利米未死以前,將他從牢獄中提上來。」
11 Kaya pinangunahan ni Ebed-Melec ang tatlumpung mga kalalakihang iyon at pumunta sa tahanan ng hari, sa isang silid-imbakan ng mga damit sa ilalim ng tahanan. Mula roon kumuha siya ng mga basahan at mga lumang damit at ibinaba nila ang mga ito sa pamamagitan ng mga lubid kay Jeremias na nasa balon.
於是以伯‧米勒帶領這些人同去,進入王宮,到庫房以下,從那裏取了些碎布和破爛的衣服,用繩子縋下牢獄去到耶利米那裏。
12 Sinabi ni Ebed-Melec na taga-Cush kay Jeremias, “Ilagay mo ang mga basahan at lumang damit sa ilalim ng iyong mga braso at sa dulo ng mga lubid.” Kaya ginawa ito ni Jeremias.
古實人以伯‧米勒對耶利米說:「你用這些碎布和破爛的衣服放在繩子上,墊你的胳肢窩。」耶利米就照樣行了。
13 At hinila nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Sa ganitong paraan nila siya iniahon mula sa balon. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.
這樣,他們用繩子將耶利米從牢獄裏拉上來。耶利米仍在護衛兵的院中。
14 At nagpadala ng salita si Haring Zedekias at dinala si propeta Jeremias sa kaniya, sa pangatlong pasukan sa tahanan ni Yahweh. Sinabi ng hari kay Jeremias, “May nais akong itanong sa iyo. Huwag mong ilihim ang sagot sa akin.”
西底家王打發人帶領先知耶利米,進耶和華殿中第三門裏見王。王就對耶利米說:「我要問你一件事,你絲毫不可向我隱瞞。」
15 Sinabi ni Jeremias kay Zedekias, “Kung sasagot ako sa iyo, hindi mo ba talaga ako papatayin? At kung bibigyan kita ng payo, hindi ka makikinig sa akin.”
耶利米對西底家說:「我若告訴你,你豈不定要殺我嗎?我若勸戒你,你必不聽從我。」
16 Ngunit sumumpa si Haring Zedekias nang palihim kay Jeremias at sinabi, “Sapagkat buhay si Yahweh, ang gumawa sa atin, hindi kita papatayin o ibibigay sa kamay ng mga kalalakihang iyon na naghahangad sa iyong buhay”.
西底家王就私下向耶利米說:「我指着那造我們生命之永生的耶和華起誓:我必不殺你,也不將你交在尋索你命的人手中。」
17 Kaya sinabi ni Jeremias kay Zedekias, “Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kung lalabas ka patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, mabubuhay ka, at hindi masusunog ang lungsod na ito. Mabubuhay ka at ang iyong pamilya.
耶利米對西底家說:「耶和華-萬軍之上帝、以色列的上帝如此說:你若出去歸降巴比倫王的首領,你的命就必存活,這城也不致被火焚燒,你和你的全家都必存活。
18 Ngunit kapag hindi ka lalabas patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo. Susunugin nila ito, at hindi ka makakatakas sa kanilang mga kamay.”
你若不出去歸降巴比倫王的首領,這城必交在迦勒底人手中。他們必用火焚燒,你也不得脫離他們的手。」
19 Sinabi ni Haring Zedekias kay Jeremias, “Ngunit natatakot ako sa mga tao ng Juda na tumakas patungo sa mga Caldeo, dahil maaaring ibigay ako sa kanilang mga kamay, upang tratuhin nila ako ng masama.”
西底家王對耶利米說:「我怕那些投降迦勒底人的猶大人,恐怕迦勒底人將我交在他們手中,他們戲弄我。」
20 Sinabi ni Jeremias, “Hindi ka nila ibibigay sa kanila. Sumunod ka sa mensaheng mula kay Yahweh na sinasabi ko sa iyo, upang maging mabuti ang mga bagay para sa iyo, at upang ikaw ay mabuhay.
耶利米說:「迦勒底人必不將你交出。求你聽從我對你所說耶和華的話,這樣你必得好處,你的命也必存活。
21 Ngunit kung tatanggi kang lumabas, ito ang ipinakita sa akin ni Yahweh:
你若不肯出去,耶和華指示我的話乃是這樣:
22 Tingnan mo! Lahat ng mga naiwang babae sa iyong tahanan, hari ng Juda, ay dadalhin sa mga opisyal ng hari ng Babilonia. Sasabihin ng mga babaing ito sa iyo, “Nilinlang ka ng iyong mga kaibigan; sinira ka nila. Nakalubog na ngayon sa putik ang iyong mga paa, at tatakbo palayo ang iyong mga kaibigan.'
猶大王宮裏所剩的婦女必都帶到巴比倫王的首領那裏。這些婦女必說: 你知己的朋友催逼你, 勝過你; 見你的腳陷入淤泥中, 就轉身退後了。
23 Sapagkat ang lahat ng iyong mga asawa at mga anak ay dadalhin patungo sa mga Caldeo, at ikaw mismo ay hindi makakatakas mula sa kanilang mga kamay. Mabibihag ka sa pamamagitan ng kamay ng hari ng Babilonia, at masusunog ang lungsod na ito.”
「人必將你的后妃和你的兒女帶到迦勒底人那裏;你也不得脫離他們的手,必被巴比倫王的手捉住;你也必使這城被火焚燒。」
24 Pagkatapos sinabi ni Zedekias kay Jeremias, “Huwag mong ipaalam kaninuman ang mga salitang ito, upang hindi ka mamatay.
西底家對耶利米說:「不要使人知道這些話,你就不至於死。
25 Kung marinig ng mga opisyal na nakipag-usap ako sa iyo—kung pupunta sila at sasabihin sa iyo, 'Sabihin mo sa amin kung ano ang pinag-usapan ninyo ng hari. Huwag mo itong itago sa amin, kung hindi ay papatayin ka namin. At sabihin mo sa amin kung ano ang sinabi sa iyo ng hari'—
首領若聽見了我與你說話,就來見你,問你說:『你對王說甚麼話不要向我們隱瞞,我們就不殺你。王向你說甚麼話也要告訴我們。』
26 pagkatapos sabihin mo sa kanila, 'Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik sa bahay ni Jonatan upang mamatay doon.'”
你就對他們說:『我在王面前懇求不要叫我回到約拿單的房屋死在那裏。』」
27 Pagkatapos, pumunta ang lahat ng mga opisyal kay Jeremias at tinanong siya, kaya sumagot siya sa kanila ayon sa ibinilin ng hari sa kaniya. Kaya tumigil sila sa pakikipag-usap sa kaniya, dahil hindi nila napakinggan ang pinag-usapan sa pagitan ni Jeremias at ng hari.
隨後眾首領來見耶利米,問他,他就照王所吩咐的一切話回答他們。他們不再與他說話,因為事情沒有洩漏。
28 Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay hanggang sa araw na nasakop ang Jerusalem.
於是耶利米仍在護衛兵的院中,直到耶路撒冷被攻取的日子。

< Jeremias 38 >