< Jeremias 34 >

1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh. Dumating ang salitang ito nang si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang lahat ng kaniyang hukbo, kasama ang lahat ng mga kaharian sa lupa, ang mga lupain sa ilalim ng kaniyang kapangyarihan at lahat ng kanilang mga tao ay nakikipagdigma sa Jerusalem at sa lahat ng kaniyang mga lungsod. Sinabi ng salitang ito,
کلامی که از جانب خداوند در حینی که نبوکدنصر پادشاه بابل و تمامی لشکرش و جمیع ممالک جهان که زیر حکم اوبودند و جمیع قومها با اورشلیم و تمامی شهرهایش جنگ می‌نمودند بر ارمیا نازل شده، گفت:۱
2 'Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Pumunta ka at magsalita kay Zedekias na hari ng Juda at sabihin mo sa kaniya, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, aking ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia. Susunugin niya ito.
«یهوه خدای اسرائیل چنین می‌گوید: بروو صدقیا پادشاه یهودا را خطاب کرده، وی را بگوخداوند چنین می‌فرماید: اینک من این شهر را به‌دست پادشاه بابل تسلیم می‌کنم و او آن را به آتش خواهد سوزانید.۲
3 Hindi ka makakatakas mula sa kaniyang kamay, sapagkat tiyak na masasakop at mapapasakamay ka niya. Titingin ang iyong mga mata sa mata ng hari ng Babilonia, kakausapin ka niya ng harap-harapan sa pagpunta mo sa Babilonia.'
و تو از دستش نخواهی رست. بلکه البته گرفتار شده، به‌دست او تسلیم خواهی گردید و چشمان تو چشمان پادشاه بابل راخواهد دید و دهانش با دهان تو گفتگو خواهدکرد و به بابل خواهی رفت.۳
4 Makinig ka sa salita ni Yahweh, Zedekias na hari ng Juda! Sinasabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, 'Hindi ka mamatay sa pamamagitan ng espada.
لیکن‌ای صدقیاپادشاه یهودا کلام خداوند را بشنو. خداونددرباره تو چنین می‌گوید: به شمشیر نخواهی مرد،۴
5 Mamatay ka sa kapayapaan. Gaya ng pagsusunog sa paglilibing sa iyong mga ninuno, na mga haring nauna sa iyo, susunugin nila ang iyong katawan. Sasabihin nila, “Aba sa iyo, panginoon!” Tatangis sila para sa iyo. Ngayon, nagsalita ako—ito ang pahayag ni Yahweh.”
بلکه بسلامتی خواهی مرد. و چنانکه برای پدرانت یعنی پادشاهان پیشین که قبل از تو بودند(عطریات ) سوزانیدند، همچنان برای تو خواهندسوزانید و برای تو ماتم گرفته، خواهند گفت: آه‌ای آقا. زیرا خداوند می‌گوید: من این سخن راگفتم.»۵
6 Kaya ipinahayag ng propetang si Jeremias kay Zedekias na hari ng Juda ang lahat ng salitang ito sa Jerusalem.
پس ارمیا نبی تمامی این سخنان را به صدقیاپادشاه یهودا در اورشلیم گفت،۶
7 Nakipagdigma ang hukbo ng hari ng Babilonia laban sa Jerusalem at lahat ng natitirang mga lungsod ng Juda: ang Laquis at Azeka. Ang mga lungsod na ito ng Juda ay nanatili bilang matatag na mga lungsod.
هنگامی که لشکر پادشاه بابل با اورشلیم و با همه شهرهای باقی یهود یعنی با لاکیش و عزیقه جنگ می‌نمودند. زیرا که این دو شهر از شهرهای حصاردار یهودا فقط باقی‌مانده بود.۷
8 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos na itinatag ni Haring Zedekias ang isang kasunduan sa lahat ng tao sa Jerusalem upang ipahayag ang kalayaan:
کلامی که ازجانب خداوند بر ارمیا نازل شد بعد از آنکه صدقیا پادشاه با تمامی قومی که در اورشلیم بودند عهد بست که ایشان به آزادی ندا نمایند،۸
9 Dapat palayain ng bawat tao ang kaniyang aliping Israelita, lalaki at babae. Walang sinuman ang dapat mang-alipin sa kapwa Israelita sa Juda kailanman.
تا هر کس غلام عبرانی خود و هر کس کنیزعبرانیه خویش را به آزادی رها کند و هیچکس برادر یهود خویش را غلام خود نسازد.۹
10 Kaya sumunod ang lahat ng mga pinuno at mga tao na sumali sa kasunduan. Palalayain ng bawat tao ang kaniyang aliping lalaki at babae at hindi na sila aalipinin kailanman. Pinakinggan nila at pinalaya sila.
پس جمیع سروران و تمامی قومی که داخل این عهدشدند اطاعت نموده، هر کدام غلام خود را و هرکدام کنیز خویش را به آزادی رها کردند و ایشان را دیگر به غلامی نگاه نداشتند بلکه اطاعت نموده، ایشان را رهایی دادند.۱۰
11 Ngunit pagkatapos nito, nagbago ang kanilang mga isip. Pinabalik nila ang mga aliping kanilang pinalaya. Pinilit nila silang maging mga alipin muli.
لکن بعد از آن ایشان برگشته، غلامان و کنیزان خود را که به آزادی رها کرده بودند، باز آوردند و ایشان را به عنف به غلامی و کنیزی خود گرفتند.۱۱
12 Kaya ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias at sinabi,
و کلام خداوند بر ارمیا از جانب خداوندنازل شده، گفت:۱۲
13 “Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Ako mismo ang nagtatag ng isang kasunduan sa inyong mga ninuno sa panahong inilabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin. Iyon ay nang sinabi ko,
«یهوه خدای اسرائیل چنین می‌گوید: من با پدران شما در روزی که ایشان را اززمین مصر از خانه بندگی بیرون آوردم عهد بسته، گفتم۱۳
14 “Sa pagtatapos ng bawat ika-pitong taon, ang bawat tao ay dapat palayain ang kaniyang kapatid, mga kapwa niyang Hebreo na ibinenta ang kaniyang sarili sa inyo at naglingkod sa inyo ng anim na taon. Palayain ninyo siya sa paglilingkod sa inyo.” Ngunit hindi nakinig o nagbigay ng pansin ang iyong mga ninuno sa akin.
که در آخر هر هفت سال هر کدام از شمابرادر عبرانی خود را که خویشتن را به تو فروخته باشد رها کنید. و چون تو را شش سال بندگی کرده باشد، او را از نزد خود به آزادی رهایی دهی. اما پدران شما مرا اطاعت ننمودند و گوش خود را به من فرا نداشتند.۱۴
15 Ngayon, kayo mismo na nagsisi at nagsimulang gawin ang tama sa aking paningin. Ipinahayag ninyo ang kalayaan, sa bawat tao sa kaniyang kapwa. At itinatag ninyo ang isang kasunduan sa aking harapan sa tahanan na tinawag sa aking pangalan.
و شما در این زمان بازگشت نمودید و آنچه در نظر من پسند است بجا آوردید. و هر کس برای همسایه خود به آزادی ندا نموده، در خانه‌ای که به اسم من نامیده شده است عهد بستید.۱۵
16 Ngunit tumalikod kayo at dinungisan ang aking pangalan, pinabalik ninyo sa bawat tao ang kanilang mga aliping lalaki at babae, ang mga pinalaya ninyo upang pumunta kung saan nila naisin. Pinilit ninyo sila na maging mga alipin ninyong muli.'
اما از آن روتافته اسم مرا بی‌عصمت کردید و هر کدام از شما غلام خودرا و هر کس کنیز خویش را که ایشان را برحسب میل ایشان به آزادی رها کرده بودید، باز آوردید و ایشان را به عنف به غلامی و کنیزی خودگرفتید.۱۶
17 Kaya sinasabi ito ni Yahweh, 'Kayo mismo ay hindi nakinig sa akin. Dapat ipinahayag ninyo ang kalayaan, bawat isa sa inyo, sa inyong mga kapatid at kapwa Israelita. Kaya tingnan ninyo! Ipapahayag ko na ang kalayaan sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—kalayaan sa espada, sa salot at taggutom, sapagkat gagawa ako ng kakila-kilabot na bagay sa paningin ng bawat kaharian sa lupa.
بنابراین خداوند چنین می‌گوید: چونکه شما مرا اطاعت ننمودید و هر کس برای برادر خود و هر کدام برای همسایه خویش به آزادی ندا نکردید، اینک خداوند می‌گوید: من برای شما آزادی را به شمشیر و وبا و قحط ندامی کنم و شما را در میان تمامی ممالک جهان مشوش خواهم گردانید.۱۷
18 At parurusahan ko ang mga taong lumabag sa aking kasunduan, silang hindi sumunod sa mga salita ng kasuduang ipinatupad nila sa aking harapan noong hinati nila ang isang toro sa dalawa at lumakad sa pagitan ng mga bahagi nito,
و تسلیم خواهم کردکسانی را که از عهد من تجاوز نمودند و وفاننمودند به کلام عهدی که به حضور من بستند، حینی که گوساله را دو پاره کرده، در میان پاره هایش گذاشتند.۱۸
19 at pagkatapos lumakad sa pagitan ng mga bahagi ng toro ang mga pinuno ng Juda at Jerusalem, mga eunuko at mga pari, at lahat ng mga tao sa lupain.
یعنی سروران یهودا وسروران اورشلیم و خواجه‌سرایان و کاهنان وتمامی قوم زمین را که در میان پاره های گوساله گذر نمودند.۱۹
20 Ibibigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. Magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at mga hayop sa lupa ang kanilang mga katawan.
و ایشان را به‌دست دشمنان ایشان و به‌دست آنانی که قصد جان ایشان دارند، خواهم سپرد و لاشهای ایشان خوراک مرغان هواو حیوانات زمین خواهد شد.۲۰
21 Kaya ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga pinuno sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia na tumindig laban sa inyo.
و صدقیا پادشاه یهودا و سرورانش را به‌دست دشمنان ایشان و به‌دست آنانی که قصد جان ایشان دارند و به‌دست لشکر پادشاه بابل که از نزد شما رفته‌اند تسلیم خواهم کرد.۲۱
22 Tingnan ninyo, magbibigay ako ng isang utos—ito ang pahayag ni Yahweh—at ibabalik ko sila sa lungsod na ito upang makipagdigma laban dito at sasakupin, at sunugin nila ito. Sapagkat gagawin kong nawasak na mga lugar ang mga lungsod ng Juda kung saan walang makakatira roon.'''
اینک خداوند می‌گوید من امرمی فرمایم و ایشان را به این شهر باز خواهم آوردو با آن جنگ کرده، آن را خواهند گرفت و به آتش خواهند سوزانید و شهرهای یهودا را ویران وغیرمسکون خواهم ساخت.»۲۲

< Jeremias 34 >